CHAPTER 38

1657 Words

Naggising ang nahihimbing na si Caridad nang maramdaman niya ang mainit na kamay na nakahaplos sa kanyang noo, subalit pinili niyang hindi imulat ang mga mata. Kahit na hindi niya nakikita ang mukha ng taong nakatunghay sa kanya ay alam na niyang si Cazcoe iyon. Isa pa, ito lang naman ang kasama niya sa bahay. “Wake up, peck, breakfast is ready.” Napakalambing ng boses ni Cazcoe at pinapatambol niyon ang dibdib niya. Alam niya sa sarili niya, mula sa kaibuturan ng kanyang puso na napatawad na niya ang dating asawa, subalit ang malaking tanong ay kung handa na rin ba siyang buksan ang kabuuan ng puso rito? He may have conquered her body, but not the entirety of her heart. Naroroon pa rin ang pangamba at bahagyang takot. Naramdaman niya ang pagdampi ng mga labi ni Coe sa gilid ng labi niy

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD