CHAPTER 39

1473 Words

“Ano ang sinabi sa iyo ni Coe, Pa?” tanong ni Cari sa ama. Nasa sala mayor sila at nagkakape. Si Cazcoe naman ay nasa silid sa itaas at ipinapakita ang mga laruang binili nito para kay Calix. Nagulat pa siya na may isang silid ito na nang buksan nito kanina ay tila museo na sa dami ng mga laruan na malinis ang pagkakahanay sa mga eskaparate. Nang makita niya ang mga iyon ay saka niya napagtanto na matagal ng nasasabik sa anak nito si Cazcoe. Tuwang-tuwa ito sa anak na bibo ring kagaya nito. Halos hindi na maghiwalay ang dalawa. “Lahat-lahat. Ang mga pangmamanipula ni Pablo sa iyo at sa sitwasyon,” tugon ni Mauro. Dinala niya ang tasa sa mga labi at sumimsim. “Bakit ayaw n’yo sa kanya, Pa? Bakit hindi kayo pumayag na totoo kaming maikasal ni Pablo noon?” “Minsan ka nang napaso, Anak,

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD