Tuwid na tuwid ang likod ni Caridad habang nakaupo sa dining chair. The well-respected businessman, Señor Vazco Vizcarra sat across from her at the table. Katabi nito ang esposa na sa kabila ng edad ay bakas pa rin ang ganda ng mukha na hindi nagawang pakupasin ng panahon. Ngayong mas natititigan niyang maigi at sa malapitan ang mag-asawa ay mas naiintindihan niya kung bakit tila perpekto ang pagkakaukit sa mukha ni Cazcoe. Why, his parents were beautiful! Nakaharap niya na noon si Señor Vazco at alam niyang mabait ito, pero nakaharap niya ito noon bilang CEO, at hindi bilang babaeng ina ng mga apo nito at babaeng gustong asawahin ng nag-iisa nitong anak. Isa pa, nangangamba siya na baka isipin nitong hindi siya mabuting babae dahil nakasama niya nang matagal sa ilalim ng iisang bubong s

