“Pormal na kitang ipapakilala sa mga magulang ko, Caridad.” Mainit ang hininga ni Cazcoe na pumapaypay sa hubad na balikat ni Cari, dahil manipis ang strap ng suot niyang pantulog. Nasa kaliwa niya si Calix at nasa kanan naman si Cazcoe na nakayapos sa kanya ang malakas na bisig. “Hindi ko alam kung nasabi ko na ba sa iyo na ang dahilan kung bakit inatake sa puso ang ama ko ay dahil sinabi sa kanya ni Pablo na nakikipag-relasyon ako sa may asawang tao.” Napatingin siya kay Coe, sa mga mata nitong matiim na nakatitig sa kanya. “A-ano na lang ang iisipin ng Papa mo sa akin? Na pumatol ako sa iyo kahit na may asawa ako at—” “Don’t worry, Cari, hindi naman ako nang-agaw ng asawa dahil hindi naman kayo kasal talaga ni Pablo. Wala kang kasalanan, biktima ka rin. Pareho tayong nilinlang ni Pabl

