Parang merong isang prayer meeting na naganap dito. Malakas ang t***k ng aking puso lalo na nong nagsimula kaming maglakad papunta sa table nila. Napatingin ako doon at hindi ko mapigilang hindi mapahinto pero dahil hawak ako ni king at nagpatuloy ako sa paglalakad. Napatayo si Ella ng makita kame. Napamaang ito habang dahan dahan bumaba ang kaniyang mata sa magkahawak naming kamay. Hindi ko mapigilang hindi mapasinghap. Mas lalong bumilis ang t***k ng puso ko. Hindi na ako makahinga ng maayos habang palapit kame ng palapit. Umiling kaagad ako para ipahiwatig na walang malesiya sa hawak ni King sa akin. "King?.." tawag ko dito at sinubukan kong kunin ang kamay ko pero hinigpitan ito at hinila ako palapit sa kanilang mesa. Ngayon ko lang din napansin na kompleto silang apat. Naka upo na

