Hindi kaagad ako nakapagsalita. "Go home.." Maawtoridad nitong sabe na ikinagulat ko. Napamaang ako at biglang napatingin sa kaibigan pero saglit lang iyon dahil kaagad binalik ni King ang paningin ko sa kaniya. "Gusto nilang manood trist.." rinig kong mahinahong sabe ni Ethan. Napa tssked si King bago muling tumingin sa akin.Hindi ko alam kong bakit niya ito ginagawa. Wala akong idea. Hindi ko rin maintindihan ang ginagawa niya. Umiling si King! "No, she's going home.." Final na sabe ni King na parang hindi na magbabago ang isip niya. Teka? Bakit siya nag didisisyon para sa akin? "P-pero...." aalma na sana ako kaagad tumayo si King at hinawakan ang kamay ko bago niya ako hinila. Muli akong napasighap at wala akong nagawa kundi ang sumunod kahit na sinubukan kong bawiin ang kamay ko.

