Bumalik ang aming mata sa unahan ng biglang pumito ang referee hudyat na magsisimula na ang laban. Napatingin ako kina King isa isang lumapit sa amin upang uminom ng tubig. Sinundan ko ng tingin si Enzo na nilagpasan lang ako saka kinuha ang tubig at uminom, ganun din ang ginawa sa akin ni Yuan at Ethan pero ang magkaiba nga lang ay ngitian ako ni Ethan. Natanggal lang ang paningin ko sa kanila ng naamoy ko kaagad ang pabango ni King na biglang dumungaw sa akin. Napa atras ang ulo ko at ramdam ko ang panlalaki ng mata ko at malakas na singhapan ng mga tao. Kumalabog ang dibdib ko. "Feeling uncomfortable?." Marahang ang tanong nito sa akin. Umiling ako saka tinikom ang bibig. Ramdam ko ang matang nakatingin sa akin. Ramdam ko rin ang pagkurot ni Eros sa tagiliran ko pero hindi ko na pinan

