KYLEE POV. "Ito ba hinahanap mo?.." Pangatlong beses ay muli niya akong tinananong habang hawak niya ang panyo na kanina ko pa hinahanap habang pinapakita sa akin. Siguro napagtanto niyang hindi kaagad ako nakapagsalita kaya siya na ulit ang bumasag. Kusang bumilis ang t***k ng puso ko nang tumama ang mata ko sa kaniyang magagandang mata. Those eye na sobrang nakakapanghina lalo na kapag sayo nakatingin ang matang iyan. Tumikhim ako! Dahan dahan kong binaba ang aking kamay mulan sa aking dibdib saka dahan dahan tumango. Nakita ko kung paano umawang ang labi ni King habang nakatingin sa akin. Natulala ito sa akin na parang hindi makapaniwala. "Sayo 'to..?" Muli akong tumango sa kaniyang tanong. Hindi ko alam kung bakit hindi ako makapagsalita. Nawalan ako ng beses habang dinaramdam an

