KYLEE POV. Hindi ako makapaniwala! "Nice too see you again crying baby.." Nakangiting sabe ni King habang nakatingin sa akin habang ako naman ay gulat pa rin at hindi makapaniwala. Nangangatog ang mga binti ko na anumang oras ay mapapaupo ako sa panghihina. Hindi kailanman pumasok sa isip ko na si king ang batang iyon. Hindi kailanman pumasok sa isip na iisa sila. I cant believe it. Tulala ko lang tiningnan si king habang naka awang pa rin ang mga labi. Wala akong masabe. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Nawalan din ako ng salita. Bumuka ang bibig ko pero walang salitang akong ma boses. Mabilis pa rin ang t***k ng puso ko na hanggang ngayon ay hindi pa rin kumakalma. Umiwas ako ng tingin saka ako lumunok ng maraming beses bago muli akong tumingin sa kaniya "Ikaw talaga iyon?.." Tanong

