Huminto naman siya bago lumingon sa akin na nagtatanong. Ngumuso ako "Kailangan kong pumunta sa canteen kase hinihintay ako ng kaibigan ko.." rason ko para makawala ako sa kaniya pero a part of me ay nagsasabe ako ng totoo na talagang hinintay ako ng kaibigan ko na si Eros at Kate. Matagal akong tiningnan ni King na parang hindi siya naniniwala sa aking sinabe. Bumuntong hininga! "Okay..." Buntong hiningang sabe niya. Halos mapa yes ako sa kaniyang sagot. I smiled! "Ihahatid kita.." Ang malaking ngiti ko ay biglang dahan dahan napawi dahil sa kaniyang sinabe. Mas lalong humaba ang nguso ko sa kaniyang sinabe at mas lalong maraming nakatingin sa amin. Nakarinig pa ako ng singhapan sa hindi kalayuan pero hindi ko na nilingon ito. Bumaling ako kay king na ngayoy nakatingin na sa aking li

