Nilapitan ko kaagad ang ka team ko saka nakipag highfive sa kanila. Kinuha ko ang puting towel ko saka gatorade at tinabi ito sa akin. Pinagsiklop ko ang aking mga daliri saka ako yumuko. Pumikit ako ng mariin at kaagad naglakbay ang isipan ko kay kylee. Manood ba siya? Pupunta ba siya ngayon dito? "Tristan?.." Tumingala ako upang tingnan kung sinong tumawag sa akin at tumambad sa akin si couch. "Ganon pa rin ang set up okay? Laro lang ito.." Paalala ni couch. "Yes couch.." Sagot ng mga kasamahan ko. Tumango si couch bago ito umalis sa harapan namin at nagpunta sa kabilang team. Hindi ko alam kung aling school ang kalaban namin dahil hindi naman ako interesado. Tiningnan ko ang mga kalaban namin na hindi familiar sa akin ang mukha. Umiwas ako ng tingin! Napunta naman ang aking mata sa

