I smiled! Kumuha kaagad ako sa kanilang meryenda at sinubo ito. Busangot ang kapatid ko na napatingin sa akin. "Kunti lang kinain ko e..." Paliwanag ko bago ako uminom sa kanilang juice. Napatingin naman ako sa pintuan ng pumasok si ate lena na malaki kaagad ang ngiti nang makita ko. Lumapit ako sa kaniya saka niyakap. "Bakit mas lalo kang gumanda?.." Ngumisi lang ako kay ate at hindi na sila sinagot. Lumapit nalang ako sa ref at kumuha ng sandwich doon sa milk bago ako lumabas sa kusina at umakyat sa kwarto ko. Gutom ako dahil kakaisip kung ano nga ba ang naramdaman ko. Natapos nalang akong kumain ay hindi ko pa rin alam kung paano ko mapapatunayan kung totoo itong naramdaman ko kay king. Nahiga ako sa kama at napatingin sa kisame. Bumuntong hininga ako saka ko binuka ang aking mga ka

