"Shït!! Ang gwapo talaga ng nilalang na iyan e.." Rinig kong sabe ng dalawa kong kaibigan habang ako naman ay natahimik pero ang puso ko ay sobrang ingay sa lakas ng t***k nito. Nanlaki ang aking mata nung nagtagpo ang mata namin ni king pagkatapos niyang pinasadahan ng tingin ang buong paligid na parang may hinahanap. Napalunok ako saka napa ayos ng upo. Hindi ako mapakali bago ako umiling sa kaniya upang ipahiwatig sa kaniyang huwag lalapit. Shît!! Kinagat ko ang aking pang ibabang labe. Ngumisi si king bago siya umiling ng isang beses bago siya dahan dahan naglakad papunta sa pwesto namin. Ramdam na ramdam ko ang panlalaki ng aking mata na talagang halatang halata sa aking mukha. Narinig ko kaagad ang singhap ng dalawa kong kaibigan habang halos mga tao na nasa loob ng canteen ay nak

