LUCRESIA After three long months... "Kuya Ysmael, pasensya na talaga ha.. Kailangan ko na talaga kasing umalis para mag-aral sa London e..You know I am the only man in the family para magmana ng trono ni Dad.." Ani Isagani kay Ysmael. Isinama na naman kasi ako ng boss ko dito sa opisina niya. Sa bawat araw na lumilipas ay naeexpose ako sa ibang bahagi ng mundo niya. At dito ko napag-alaman na si Isagani Sandejas ay isa din palang mayamang nilalang kagaya ni Sir Ysmael. Ginawa lang nitong training ground ang kompanya ni Ysmael para mas matuto sa pagpapatakbo ng negosyo. May sarili din palang malaking negosyo ang pamilya nito. And next week lilipad na itong London para kumuha ng Masteral's Degree para daw mas maging magaling siyang CEO. Maikwento nga sa kapatid ko, balita ko teksmate na s

