LUCRESIA "Saan tayo pupunta, Joy? Bakit kailangang naka-dress kayo. Pwede ba mag-long gown ka nalang Ikay para hindi makita yang legs mo..Pabongga ka din e.." Sita ko sa kapatid ko. Hindi sana ako sasama sa pagbabar ng dalawa kaso hindi ko naman pwedeng pabayaan si Ikay. Hindi naman ako strikto dito kaya nga gusto kong mag-explore si Ikay kaso eighteen lang siya kaya medyo binabantayan ko pa din. "Hindi ba bagay sa akin te?" Malamlam ang mga matang tanong nito sa akin. Kung titignang maige ang kapatid ko hindi mo talaga iisiping taga-alaga ito ng pusa. Mukha itong anak-mayaman. Mula sa magandang mukha at makinis na kutis. Siyempre kahit mahirap kami alaga kami ni nanay sa lotion. Tinuruan niya kaming uminon ng maraming tubig at kumain ng gulay para daw kutis makinis! "Bagay na bagay b

