"Sinabi ko na sayong ilagay sa mga gamit ng bata ang teddy bear na'to..So pano na yan ngayon? Hindi pa naman nakakatulog ang batang iyon pag wala ang booboo bear niya.." Narinig kong pinapagalitan ni mommy ang isa sa mga katulong namin. "Sorry po Ma'am nawala sa isip ko nagtatatakbo kasi si Yammy kanina kaya hindi ko na po naalala.." Pangangatwiran naman ni Manang. "Tawagin mo si Carding, ipahatid mo nalang.." Utos nito kay Manang. "Ma'am di ba po umalis sila ni Joy? Ako nalang po ang maghahatid.." Suhestiyon naman nito. "Wag na..Nakakainis kasi talaga yang Ysmael na yan ang kupad kupad kailangan pa tuloy mawalay ni Yammy sa akin." Nakasimangot ito habang kinakausap ang katulong. "Did I hear my name?" Bungad ko rito. Pero hinampas lang ako ni mommy ng hawak nitong teddy bear. "Ouch

