I woke up feeling happy today. Parang status lang sa sss di ba? Ang gaan ng feeling ko. Everything seems so perfect. Okay na ang pagsasama namin ni Ysmael. Nakikita kong mahal na mahal niya ang anak namin. Lumipat na kami sa penthouse niya. Para daw nakikita niya si Yammy tuwing tanghali. Pero ang nangyari, pinapadala nalang nito sa penthouse ang mga papeles na babasahin at pipirmahan nito. "Momma, we're hungry na.."Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses. Karga ni Ysmael ang anak namin habang papalapit sa akin. "Umupo na kayo..Maghahain na si Mommy.." Nakangiti ako habang inuutusan silang umupo. Isang ulirang ilaw ng tahanan ang peg ko simula ng tumira kami kay Ysmael. "What do you want to eat, Baby?" Humalik ako sa nuo ni Yammy habang inaayos ang pagkakaupo nito sa high chair na ip

