MATAPOS kumain ay sumunod si Noel dito na nagtungo sa pampang at sumakay ng bangka. “Uhm, can I come with you? ipasyal mo naman ako dito sa isla niyo oh?” paglalambing ni Noel dito na napataas ng kilay. “Bakit naman kita ipapasyal? Sino ka ba?” mataray na sagot ni Sheena dito na napangiwi ang ngiti. “Sige na, hmm? Ito naman.” Pangungulit ni Noel dito. “Kapag ililibot kita dito sa isla, mas lalo ka lang magkaka-interes dito na makikita mo kung gaano ito kaganda. Kukulitin mo lang ako na ibenta o makipagsosyo ako sa inyo,” ingos ni Sheena na binuhay na ang makita ng bangka. “Hindi na kita pipilitin, okay? Sige na, hmm? Mamasyal naman tayo. Hindi mo na nga ito ibebenta sa akin, ipagkakait mo rin bang masilayan ko ang kagandahan ng isla mo?” nagtatampong saad ni Noel dito na nagkakan

