HINDI makatulog si Noel na pabaling-baling ng pwesto sa sofa. Malalim na kasi ang gabi pero hindi pa rin siya dalawin ng antok. Hindi siya sanay na sa sofa matulog. Lalo na't naiisip niya si Sheena. Gusto niyang ayahin ang dalaga na magkwentuhan muna sila. O maglakad-lakad sa pampang. Pero napaka imposible ng nais niya dahil tiyak na susungitan lang siya ng dalaga. Ito ang unang beses na may babaeng naiisip ito na hindi siya makatulog. Noong sila ni Aliyah ang magkarelasyon ay hindi naman gan'to kalakas ng tama niya sa dalaga. Pero si Sheena? Ibang-iba. Kaya lalo itong nasasabik at nacha-challenge na mapaamo ang dalaga at maging nobya ito. Napaayos ito ng higa na maramdamang may pababa sa hagdanan. Bumilis ang t***k ng puso nito dahil kahit madilim sa sala ay naaaninag niya ang pigura

