LIHIM na nangingiti si Noel habang magkakaharap silang tatlo na naghahapunan. Aminado itong masarap magluto ang dalaga kahit panay ang irap sa kanya at hindi kinikibuan. Ito ang unang beses na may nagsusungit sa kanyang dalaga. Sanay ito na pinupuri siya at naglalambing ang mga babae sa kanya. Kaya naman nacha-challenge ito kung paano mapaamo ang dalaga. “Siya nga pala, Noel. May asawa ka na ba?” tanong ng ale dito na napalunok at uminom ng juice nito. Tahimik lang naman si Sheena na kunwari hindi nakikinig at hindi intresado sa pinag-uusapan ng dalawa. “Five years single and ready to mingle na po, Tita. Binatang binata pa po,” sagot nito na lihim na ikinangiti ni Sheena. “Oh, talaga? Wala ka bang matipuhan sa Manila? Eh hindi ba't magaganda at sexy ang mga dalaga doon? Sayang nama

