NAPAG-ISIPAN ni Noel na maglibot-libot na muna sa bayan at maaga pa naman. Hindi kasi siya pwedeng bumalik ng Manila na hindi niya dala ang titulo ng isla Monteverdi. Challenge din iyon ng kanyang ama para ipagkatiwala sa kanya ang kanilang kumpanya. Kaya naman pursigido ito na mapatunayan ang sarili sa Daddy Noah nito na kaya na niyang mag-manage ng kanilang kumpanya at hindi lang sa pambababae magaling. Habang naglalalad-lakad ay napadpad ito sa palengke kung saan may mga nagtitinda ng isda at gulay. Wala sa sariling lumapit ito sa mga tindera na inaalok siyang bumili ng kanilang paninda. Kinikilig pa ang mga ito na nagpapa-cute sa kanya. Pero dahil wala itong planong bumili ay dumaraan lang siya na naglilibot sa lugar pampalipas ng oras. Nangunotnoo ito na mapansin ang tatlong lalak

