MAGKAYAKAP na pumasok ng bahay si Sheena at Noel. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ito makapaniwala na napasagot siya ni Noel. Dahil kahit naman kasi itanggi nito ay dama niya sa pusong mahal na niya ang binata. At ayaw niyang pakawalan pa ito. “Can I sleep in your room, mahal?” bulong ni Noel dito na napasinghap. Kakaiba kasi ang dating no'n sa puso nito. Para siyang kinikiliti sa kaisipang matutulog sila ni Noel sa iisang kama. Kabado ito lalo na't wala pa siyang karanasan. Hindi pa niya naranasang tumabi sa lalake sa pagtulog. Si Noel pa nga lang itong nakakahawak sa kanya at nakakahalik. Dahil si Noel pa lang naman ang nagiging nobyo nito. “No worries, mahal. Hindi naman ako malikot eh. I want to cuddle with you all night long. Hanggang doon lang,” bulong ni Noel habang paakyat si

