MABILIS lumipas ang mga araw. Hindi namamalayan ni Sheena na napapalagay at napapalapit na siya kay Noel. Nasasakyan na nga nito ang mga biro ni Noel kahit ang mga dirty jokes nito ay nasasabayan niya. Palagi silang magkasama at unti-unting nahuhulog na ang loob niya sa binata. Mabilis din nagamay ni Noel ang trabaho nila sa isla. Kung paano mangisda at mag-ani ng mga gulay na pananim nila Sheena. Kapag hindi puyat ang dalawa ay sumasama sila kay Aling Lidia para tulungan itong magtinda sa palengke sa bayan. “Sinagot mo na ba si pogi, anak?” tudyo ni Aling Lidia dito na nangingiting nakamata kay Noel na magiliw na nagbebenta sa mga mamimili. As usual, pinagkakaguluhan ang pwesto nila dahil si Noel ang tindero. Kinikilig ang mga mamimili na halatang nagpapa-cute lang naman sa binata. H

