SHEENA: ILANG araw ang nakakalipas magmula nang maging maayos kami ni Noel, lumipat kaming dalawa sa condo unit nito para bumukod. Nakausap din siya ng kanyang ama na magpatayo na sila ng bahay namin sa compound na sinang-ayunan naman nito. Katabi lang din ng kanilang mansion. Kaya lumipat na muna kami habang ginagawa pa ang bahay namin sa condo nito. Manager si Noel sa malaking restaurant nila dito sa BGC. Ang NM’S restaurant o Noah Madrigal's restaurant na ipinama sa kanya ng Daddy Noah niya. Mabait ang angkan ni Noel. Wala akong masabi sa kanila. Dahil kahit kabilang ang angkan nila sa mga kilalang may kaya dito sa bansa, hindi sila katulad ng iba na matapobre. Lahat ng ikwinento ni Noel sa akin noon sa isla tungkol sa pamilya niya ay totoo. Dahil napatunayan kong mabuti silang tao

