NAPAPALUNOK ako na bumaba ang paningin nito sa mga labi ko. "Magmumog ka nga, wife." Paanas nito na inabot ang bottled water. Napabusangot akong nagmumog ng ilang beses katulad ng gusto nito. Nangingiti naman itong nakamata sa akin na hinintay akong matapos magmumog ng ilang beses. "Happy?" sarkastikong tanong ko na naubos ko ang isang litrong tubig sa pagmumog ko. "Yes." May pagmamalaking sagot nito na tuluyang sinakop ang mga labi kong ikinapikit ko. Nangingiti ako na ipinulupot ang braso sa batok nitong dahan-dahang ini-slide pahiga ang front seat na tuluyang pumaibabaw sa akin. "N-Noel uhmm." Hindi ko mapigilang mapaungol na hinuli nito ang dila kong nakipaglubidan sa loob ng bibig ko habang magkasalinop ang kamay naming dinala nito sa ulunan ko. Napapahaplos na rin sa hita

