“SHEENA!” sigaw ni Noel na makilalang ang babaeng nakahandusay sa kalsada na naliligo sa sarili nitong dugo ay walang iba kundi. . . ang kanyang asawa! Kaagad namang dumating ang tauhan nito na pinalayo ang mga tao at dumating na kaagad ang ambulance na tinawagan ng mga ito para humingi ng tulong. Dinala si Sheena sa Madrigal's hospital kasama si Noel na hawak-hawak ito sa kamay at inaasikaso ng nurse ang asawa niya. Napapikit ito na makadama ng kakaibang pagkahilo na unti-unting lumilinaw sa ala-ala niya kung saan at paano niya nakilala si Sheena! Napahagulhol si Noel na mariing hinagkan ang kamay nito kahit pa duguan iyon. Para siyang sinasaksak sa puso habang sumasariwa ang nakaraan nila ni Sheena sa isla. Kung paano niya ito nakilala, napaibig at naging asawa! “I'm sorry, mahal.

