HALOS hindi umaalis si Noel sa tabi ni Sheena. Inaabangan na gumising na ang asawa nito. Kahit bakas ang antok, stressed at pagod sa mga mata nito, nananatili itong gising na inaasikaso si Sheena. “Anak, kumain ka na muna. Mamaya, ikaw naman ang magkasakit sa ginagawa mo eh,” wika ng Mommy Jen nito na dinalhan ng pagkain si Noel. Kahapon pa kasi nila hindi mapilit itong kumain. Tanging tubig lang ang laman ng tyan nito. Saka lang ito tatayo sa silya kapag magbabanyo o kaya ay aasikasuhin ng mga nurse at doctor si Sheena. “Hindi po ako nagugutom, Mom. Kaya ko po ang sarili ko,” mababang saad nito na nakamata kay Sheena at hawak-hawak ang isang kamay nitong may nakasaksak na suero. Napahinga ng malalim ang ina nito na malamlam ang mga matang nakatitig sa kanyang anak. “Kumain ka na mun

