TUMULOY sa Los Angeles California niya sina Arthur at Lidia kasama si Sheena. Dahil stable naman na si Sheena, sa townhouse nila ito dinala at may family doctor naman ang mga Easton. “Arthur, tama ba itong ginawa natin? Hindi ba't ang selfish natin na pinalabas na patay na si Sheena? May asawa na si Sheena, Arthur. May karapatan si Noel sa anak natin. Lalo na’t buntis na ito.” Nag-aalalang saad ni Lidia habang nakamata sila sa anak nilang inaasikaso ng doctor nila. “Kasalanan din naman nila kung bakit ko inilayo ang anak natin, Lidia. Who knows? Plano nila ito. Para makuha ng walang kahirap-hirap ang isla Monteverdi ni Sheena.” Wika nito na ikinailing ni Lidia. “Hindi gan'ong tao si Noel, Arthur. Alam ko. Mabait ang batang iyon.” Sagot nito na ikinalingon sa kanya ng dating asawa. “

