LUMIPAS ang mga araw. Nagkukulong lang ng silid si Noel. Umiinom. Umiiyak at walang gustong kausapin sa pamilya niya. Biguan kasi ang pamilya niya na mahanap kung saan dinala si Sheena ng Tiyahin nito. Naiintindihan naman nila ito at nagluluksa siya. Idagdag pang hindi niya manlang nasilayan si Sheena bago ito ilibing. Ni hindi ito nakapag paalam sa mag-ina niya. Madalas itong nagwawala sa kanyang silid at puro alak ang hinahanap. Sa tuwing nakaidlip na ito dala ng kalasingan, saka pa lang nakakapasok ang pamilya niya sa silid nito. Kahit araw-araw na gan'to ang routine ni Noel, walang sawang inuunawa at inaasikaso pa rin siya ng pamilya niya. Kahit palagi nitong sinisira ang mga gamit, pinapalitan ang mga gamit na sinisira nito. Saka lang siya naaasikaso ng kanyang ina kapag tulog na i

