NANGUNOTNOO si Noel na napabaling ng ulo at pinapakiramdaman ang sarili at paligid nito. Napakalamig ng silid at nakabibinging katahimikan ang naghahari sa silid na kinaroroonan nito. “Uhmm,” napaungol ito na dahan-dahang nagdilat ng mga mata. Sa nanlalabong paningin nito ay unang bumungad ang puting kisame. Dahan-dahang napakurap-kurap ito ng mga matang inaantok hanggang tuluyang luminaw ang paningin. “Sheena?” paos ang boses na pagtawag nito sa asawa. Tuluyang nagising ang inaantok nitong diwa nang unti-unting mag-sink-in sa utak niya ang nangyari! Napaupo ito ng kama na napasapo sa ulo at nakadama ng kirot sa ulo nito sa biglaan niyang pagbangon. “Oh, anak. Gising ka na pala,” wika ng ina nito na ikinalingon nito sa may pinto. Napapilig ito ng ulo na mapansing nasa mansion na

