NAGISING si Tala sa lakas ng katok ng kung sino sa kaniyang kuwarto. “Ang ingay mo!” she hissed. Kinapa niya ang cellphone niya sa kama niya, inaantok pa siya kaya naman nakapikit pa ang mga mata niya. Hanggang sa hindi niya makapa ang cellphone niya kaya naman napilitan na siyang bumangon. “Nasaan na ‘yon?” Bad mood na naman siya. Nakakainis naman kasi, anong oras na ba? Ilang oras na rin ba na may kumakatok sa pinto niya? Eh, sa pagkakaalala niya hindi niya naman ni-lock ang pinto. Isa pa, kung walang sumasagot sana iniwan niya na lang siya mag-isa rito! Malakas ang loob niya na si Jacinto ang kumatok. Binuksan niya na ang dalawa niyang mga mata saka dahan-dahang nanlaki. N-nasaan si Tala ngayon? Iba ang kama na ‘to sa kama niya? Kuwarto niya nga ba ang lugar na ‘to? Kinilabuta

