"WELCOME home..." As soon as she saw Jacinto, Lirah immediately hugged him. S’ya lang ang mag-isang bumiyahe dahil hindi talaga puwedeng sumama ang ina niya. Kasama ni Jacinto sa pagsundo ang Papa niya kaya hindi niya na naman maipaliwanag ang tuwa sa kaniyang dibdib. Pagkatapos niyang yakapin ang pinsan niya ay sa Papa niya naman siya yumakap. “Na-miss kita, Pa,” saad niya. Tumango lang ang ama niya at marahan na tinapik ang likod niya habang magkayakap sila. “Na-miss din kita, anak. Tara na, mabuti pang umuwi na tayo para makapagpahinga ka na.” Nagngitian lang silang tatlo, she’s so glad to reunite with her father and cousins again. “Kay Lola tayo pumunta, Pa, ah. I missed her, gusto ko po siyang makita.” Natupad naman ang gusto niya. Sinabi rin na sa bahay talaga ng Lola niya si

