"NAIBIGAY mo ba sa kaniya?"
He was hoping that Allen did. But… from the look of his friend's face, damn.
"Ang creepy talaga ng babaeng 'yon," iiling-iling na sabi ni Allen sa kaniya. Naka-upo siya ngayon sa isa sa mga table sa cafeteria. Tapos naman na ang kaniyang klase at pa-chill-chill na lamang siya sa mga oras na 'to.
Inilapag naman sa lamesa ni Allen ang pulang box na ipinahatid nito sa kaniya kani-kanina lamang.
"This is your fault," sabi lang ni Khrist sa kaniya. Na-upo naman na rin si Allen sa katabi niya. Kinuha ni Khrist ang kahon na naglalaman ng kuwintas. Nakalagay sa pendant nito ang pangalan ni Tala. Madalian niya itong pinagawa para kay Tala.
"No, it wasn't," ngising-ngisi na sabi ng kaibigan niya. "Kasalanan mo 'yon, Khrist. Haha, kasalanan ko bang natalo ka sa laban niyo ni Jacinto?" Nakaramdam siya ng inis nang pinaalala na naman ito sa kaniya.
Pati ang isang daang libo na ipinusta niya'y naalala niya rin.
"Huwag ka na lang magsalita," saad ni Khrist sa kaniya. Isinilid niya na lang sa suot niyang leather jacket ang pulang kahon na 'yon. Mamaya'y magpapakita na naman siya kay Tala. Kahit bin-asted na siya nito ay magpapatuloy pa rin siya.
Wala nang sukuan ito, lalo pa't… alam ng ama ni Tala na nanliligaw siya at mahal kuno niya si Tala. Ngayon pa lang ay hindi niya na alam kung anong gagawin niya kapag nalaman ni Mr. Emilio na kasinungalingan lang ang lahat.
He just took a sip of his iced tea.
"I wonder kung ilang buwan mong makukuha ang loob niya," natatawang sabi naman ni Allen.
"Sa dinami-rami ba naman kasi ng puwedeng i-pusta, ayan pa ang naisip niyo," sabi nito. Natawa lang talaga sa kaniya si Allen.
"Not my idea," sabi nito. "Si Alvin talaga ang naka-isip no'n. He has had a huge crush on Tala since grade school." Napataas naman ang kilay ni Khrist sa sinabi nito. Alvin? May gusto kay Tala? Bakit hindi na lang siya ang nanligaw dito?
Why is he letting Khrist?
At bakit naman ‘to nagkagusto sa kaniya? Ano ba ang kagusto-gusto kay Tala? Para sa kaniya talaga ay WALA. Hindi niya naman type ang ugali ng babaeng katulad niya. Mabu-buwis*t lang siya.
"If he likes Tala then why would he let me do this? Sinusumpa niya na ba ako sa mga panahon ngayon? But this is his idea," sabi niya at napakibit-balikat na lang.
"I don't know. He's unpredictable sometimes, anyway. I have to go. Ikaw na lang ang magbigay ng kuwintas na 'yan." Tumayo ulit si Alvin. Tumango lang si Khrist sa kaniya, pero hindi pa man ito nakakaalis ay biglang dumating ang isa niya pang kaibigan.
It was Alvin.
"Oh, you're finally here," Allen said to Alvin. =
Ngumisi naman sa kanila si Alvin. "Guess what I've heard…" sabi nito.
"Spill it out," sabi ni Khrist sa kaniya.
"Jacinto asking you for a re-match," sabi nito. Hindi niya inaasahan na maririnig niya ito.
"MAMA, I'm so excited!" Lirah said to her mother. Natawa na lang din ang nanay niya sa kaniya. Nandito siya ngayon sa kaniyang silid, nagsusuklay siya ng kaniyang buhok at hindi maiwasan ang pagkasabik. Matagal niya nang gustong makalabas ng bansa, dito sa Switzerland. Dito na kasi siya nagpatuloy ng pag-aaral niya.
"Really? Excited ka na bang makasama ulit iyong gungg*ng mong boyfriend?"
Mabilis na nagbago ang ihip ng hangin, nawala ang mga ngiti sa labi niya, nawala na siya sa mood niya.
"Ma, he's not my boyfriend. He's my ex-boyfriend, okay? You're killing the moment!"
Tuwang-tuwa talaga ang dalaga sapagkat sa pagkalipas ng 4 na taon ay pinayagan na siya ngayon ng kaniyang ina na magbakasyon sa Pilipinas kahit na dalawa hanggang tatlong linggo lang.
Na-miss niya rin kasi ang dalawa niyang pinsan na sina Jacinto at Tala… na-miss niya na ang ka-attitude-an ni Tala. Nami-miss niya pa rin ito kahit na hindi maganda ang pakikitungo nito sa kaniya kahit noon pa.
Lumapit sa kaniya ang kaniyang ina at hinaplos ang pisngi niya. "Malaki talaga ang pagkakahawig mo sa kaniya," sabi nito sa kay Lirah. She furrowed. Sinong kaniya?
"Kanino po?" tanong ni Lirah. Napangiti na lang sa kaniya ang kaniyang ina.
"Gusto mong umuwi sa Pilipinas, 'di ba? Then ask you grandmother once na nakarating ka na roon. Tanungin mo sa kaniya kung kanino ka hawig." Napakibit-balikat na lamang si Lirah sa kaniya.
"Okay, I'll ask her, but… naalala niya pa kaya ako?" Lirah asked to her mother. Napatango-tango naman ang kaniyang ina.
"Of course, bakit ka naman niya makakalimutan, eh ikaw pinakamaganda niyang apo?" Nagkatawanan silang dalawa.
"So you're telling me that I am more beautiful than Tala?"
Silang dalawa lang naman kasi ang babaeng apo ng kaniyang Lola Nilda. Nilda ang pangalan ng kanilang Lola. Benilda ang tunay nitong pangalan. Palayaw lamang nito ang Nilda.
"Anak kita, eh. Siyempre sasabihin ko na mas maganda ka sa kaniya. At isa pa, mas mabait ka sa kaniya ng 99 percent. Ang maldita talaga ng anak ni Emilio."
Pareho na naman silang natawa. Humarap lang ng diretso si Lirah sa kaniyang ina. "Mama, salamat, ha? Kasi finally… haha" ㅡ natatawa siya habang napapailing ㅡ "finally, pinayagan niyo na ako."
"Basta magpapakabait ka ro'n," sabi ng kaniyang ina sa kaniya. Binigyan pa siya nito ng matamis na ngiti pagkatapos ay hinalikan siya sa kaniyang noo.
"Mabait naman po ako. Don't worry," sagot ni Lirah. Dapat ngayong linggo ang flight niya ngunit na-extend, next month na siya makaka-uwi ng Pinas. Inabisuhan niya na rin naman si Jacinto kaya aware ito. Lumawak na lang talaga ang ngiti niya. Gusto niya pa ring umuwi kahit na nandoon ang lalaking niloko siya.
Si Kimto…
Hindi niya na lang ito papansinin. Tsk! She's still receiving an email from him but she didn't bother to open it. Mabuti na rin siguro na natapos ang relasyon nila.
Dahil kung hindi, mas lalo lang siyang masasaktan. It was four years ago when Jacinto told her that he saw Kimto kissing a girl, at hindi siya iyon. Hanggang ngayon ay naka-kapal-an pa rin siya sa mukha ng lalaking iyon.
Naalala niya na nahuli na noon si Kimto sa akto ngunit hindi pa rin inaamin ang lahat. Pinagpipilitan pa nito na akala niya hiwalay na sila. Paano silang maghihiwalay? Eh, malinaw sa kanila na may usapan sila na pagbalik ni Lirah ay magsasama na sila sa iisang bubong? Umiling-iling na lamang talaga siya.
Ginawa siya nitong t*nga. Kapag nakabalik na siya ng Pilipinas ay hindi niya talaga ito kakausapin. Ayaw niya na rin talagang makita ang lalaking iyon. Pangit siya. Kahit taon na ang lumipas ay may kirot pa rin sa dibdib niya. She'll never forget it.
"WHAT? Are you in?" Alvin asked Khrist. Ngumisi lamang siya. Sila na lang dalawa ngayon sa table sa cafeteria dahil nga sa nauna nang umalis si Allen pagkarating na pagkarating ni Alvin.
"Yes. Aatras pa ba ako?" Khrist sneered. Bakit kaya naghahamon ng re-match si Jacinto? Wala man lang siyang ka-ide-ideya kung ano ang pumasok sa utak nito. Ngunit katulad ng sabi niya'y wala naman siyang balak na umatras.
Napatingin si Khrist sa kaniyang wristwatch. "Sabihin mo sa kaniya kung kailan, basta, I'm in," sabi pa ni Khrist at saka tumayo.
"Aalis ka na?" tanong ni Alvin sa kaniya.
"Obviously," he said and shrugged. Inilabas niya nang kaunti ang pulang box upang makita 'yon ni Alvin. Napangisi naman ito nang pagkalawak-lawak.
"Do your best to make her your own," sabi ni Alvin. Napailing-iling lang sa kaniya si Khrist.
"Lol. Bakit hindi ikaw ang gumawa? I have heard that you likes Tala, don’t deny it.” Agad namang napatikhim ang kaibigan niya dahil sa sinabi niya.
“Wala akong gusto sa kaniya, Khrist. Kung mayroon man sana ay wala siya sa pustahan na ‘to, sana magagalit ako sa iyo nang sobra pero hindi naman.”
Really?
“Allen told me that you have a huge crush on her at ikaw pa mismo ang nakaisip ng pustahan na ‘to kaya huwag kang mag-deny.”
“Hindi ako magde-deny kasi wala naman akong ide-deny.”
Napakibit-balikat na lamang tuloy si Khrist, mukhang wala namang balak na umamin ang kaibigan niya.
Tuluyan nang lumisan si Khrist doon.Hindi niya alam kung ano na ang nararamdaman niya ngayon pero iyong mga ngiti niya ay halos umabot na sa tenga.
Napatingin siyang muli sa kaniyang wristwatch upang matukoy ang kasalukuyang oras. Sampung minuto na lang ay matatapos na ang huling klase nito. Alam niya ang oras ng mga klase nito dahil pareho lang naman sila ng schedule ni Mariella.
Natigilan siya. Oh sh*t!
Paano kung makita ni Yella na magkasama kami? Magkakaroon ba siya ng paki? Magseselos ba siya? Dadamdamin niya ba? Damn. I guess no or yes. I don't know if she still loves me.
Khrist sighed. The truth is, ayaw niyang malaman ni Yella o makita man lang siya na isinasagawa ang fake na panliligaw kay Tala.
No, baka lalo lang magalit sa kaniya si Yella once nalaman nito na palabas lang ang lahat.
Ay, bahala na nga!
Wala rin mangyayari kung hindi niya susuyuin si Tala. Kung kailan matatapos 'tong kasinungalingan na mahal ko siya. Maybe, kapag naniwala na si Tala? Katulad nga ng nasa plano ay maaari niya siyang iwan sa ere pagkatapos.
Parang pagsisihan niya talaga 'yon. Hindi lang si Tala ang iniisip nito kundi ang ama niya't si Jacinto, kapag nagkataon ay baka ipa-patay pa siya nito.
Minsan nang na-i-kuwento sa kaniya ng kaniyang ina na literal na mayayaman at malulupit ang mga Castro. Kaya rin siguro gano'n ang naging ugali ni Tala, she's a f*cking spoiled brat.
Castro is Tala's middle name. Kung hindi siya nagkakamali ay dala-dala ng pinsan niyang si Lirah ang apilyedong iyon. Baby Lirah Castro…
Yes, that's her full name. She's a baby, forever. He laughed at that thought.
Kilala niya si Lirah dahil dito rin naman siya lumaki sa bansa. Palagi niya rin itong nakikita dahil pareho lang din naman sila ng paaralan na pinapasukan. Sa ngayon, ang alam niya ay nasa Switzerland ito at doon na nag-aaral, at alam niya rin na uuwi ito ngayong taon. Narinig niya lang 'yon sa kung saan.
Sakto pagdating niya sa building kung saan naroon si Tala…. And Yella; ay nagsisilabasan na ang mga ito. Malamang sa malamang ay tapos na ang klase nila.
Sakto lamang siya.
Agad niyang natanawan si Mariella na palabas na ng room na 'yon. Aksidenteng namang napatingin sa kaniya ang dalaga. Nagtama ang mga mata nila ng ilang segundo. Agad nag-iwas ng tingin si Yella at naglakad papalayo sa kaniya. Sinundan niya na lang ito ng tingin. Napabuntong-hininga na naman siya.
Palagi niya na lamang nakikita na naglalakad palayo sa kaniya…
Palayo…
Bumalik ang tingin niya sa may pintuan ng room at doon niya naman natanawan si Tala. Wala man lang mababakas na emosyon sa kaniyang mukha. Palabas pa lang si Tala ng silid.
Tumikhim siya at umayos ng tindig. He decided to approach her. Nang magawi ang mga mata ni Tala sa direksyon niya'y ngumisi siya. Wala pa ring emosyon emosyon na mababakas sa mukha nito, but, he'll guess, maybe this girl is now grimacing because, again, I am here.
Buti na lang ay tumigil si Tala, nakaharap lang sa kaniya na animo'y hinihintay talaga ito na lumapit sa kaniya upang tuluyan silang magkaharap.
"Hi, honey," Khrist said sexily when he finally approached her. Hindi naman natinag si Tala.
"I am not in the mood, Garcillano," iiling-iling na saad naman ni Tala at akmang tatalikuran siya but suddenly, he felt the urge to stop her by grabbing her hand, okay lang kahit sampalin ulit siya nito.
He just needed to stop her. Naisip niya na baka matulad lang kay Yella…
Ayaw niya na rin na makita siya na naglalakad papalayo sa kaniya, "Tang*na, Khrist. Hindi ka pa ba nadadala?" Alam niya na nakakaramdam na ang dalaga ng inis. Bumilis na naman ang pangyayari, next thing he knew, namanhid na naman ang kaliwa niyang pisngi dahil sinampal na naman siya ni Tala.
The thing that he already expected.
Binawi lang ni Tala ang braso niya sa kaniya. "Kung wala kang magawa sa buhay mo, maghanap ka ng ibang bu-buwis*tin! Huwag ako!" May inis na sa boses ni Tala.
Habang nakatabingi pa ang ulo niya dahil sa malakas na sampal ni Tala ay naisip na hindi dapat ganito.
Siya ang lalaki… hindi dapat siya magpapatalo kay Tala. He knew to himself that he's more powerful than her.
Kung hindi talaga madadaan si Tala Maria sa usapan… hmm.
"I won't stop you, honey, hangga't hindi ka sumasama sa akin," sabi ni Jacinto at ngumisi pa siya.
"Ah, gano'n. Kahit anong gawin mo, kahit anong sabihin mo, hindi ako sasama sasama sa'yo," sabi nito sa kaniya. Nakangisi pa rin si Khrist.
Hinablot niyang muli ang mga braso ni Tala, this time, may lakas na dahil agad nagpumiglas si Tala, nakaramdam siya muli ng mga sampal.
"Bitiwan mo nga ako, nakakapikon ka na talaga! Ano ba?!" halos sumigaw nang saad nito. Hindi niya ininda ang mga sampal. Hinatak niya na si Tala papunta sa direksyon ng main gate ng paaralan. Lalabas na sila, panay pa rin ang pagpupumiglas ni Tala ngunit hindi niya hinayaang makawala siya sa kaniya.
Nang nagpapabigat na talaga ito at nahihirapan na siyang hatakin ito ay napilitan na siyang kargahin ang dalaga nang buong puwersa.
Magaan lang pala si Tala? Well, he could say na mas mabigat si Yella kaysa kay Tala. Pero kung titingnan ay parang si Tala ang mas mabigat dahil sa medyo mas malaki ang katawan nito kaysa kay Yella.
Pinasan niya ito na parang isang sakong bigas. Kasalukuyan na siyang hinahampas ngayon sa likod niya.
"Ibaba mo 'ko, Khrist! Tang*na! Hindi mo alam kung anong gulo ang pinasok mo!"
That's right… hindi niya nga alam.
"Just shut up, okay? Kinausap naman kita, eh. You made me do this," sabi ni Khrist.
"Tang*na!"
Wala naman na talagang nagawa si Tala kaya tumigil na lang din ito at panay ang bulong, minumura si Khrist at nagbabanta na talaga siya. Natawa na lang siya.