Kabanata 9

1624 Words
WALA ba talaga siyang balak na ibaba ako? Tala asked to herself. She was really pissed. “Put me down!” she shouted. Hindi man lang iyon pinansin ni Khrist. Naririnig niya pa ang marahan nitong pagtawa, kaya hindi niya talaga maiwasan na mas lalo pang mainis. Khrist was carrying her like a baby! Geez. Kanina pa siya naiinis dito na animo’y gusto niya na itong balatan ng buhay. Hindi siya makababa dahil aminado naman siya na mas malakas sa kaniya sa Khrist. She was just felt really awkward. Damn! Khrist was literally holding her! Hindi niya matanggap ang nangyayari. Hindi na rin mai-pinta ang mukha niya dahil dito. Kaya sana lang talaga ibaba na siya nito. “You’re coming with me whether you like it or not,” sabi ni Khrist. Nagpakawala si Tala ng malakas na buntong hininga at tinigilan na ang pagpupumiglas. She’s hopeless. Wala talagang balak si Khrist na ibaba siya. Tang*na. Wala siyang ibang ginawa kung hindi ang magmura sa kaniyang isipan. Sa dinami-rami ba naman kasi ng taong bu-buw*sit-in ni Khrist ay siya pa ang napili nito. “Buti naman natahimik ka,” Khrist said to her. Yes, tumahimik na talaga siya, but it doesn’t mean na sasama siya. She was thinking a plan na once ma-ibaba siya ni Khrist ay tatakbo siya papalayo. Hindi talaga siya nakakatuwa! Lalo na itong pagpasan niya sa kaniya na parang isang sakong bigas. “Ibaba mo na kasi ako,” sabi pa ni Tala. Napapikit lang nang mariin si Tala. Alam niya na tinatahak nila ang daan papunta sa may parking lot. "No, as I have said… you're coming with me," sabi nito. “Yeah, right. Someone who named Khrist Garcillano is now blackmailing me. Alam mo ba na puwede kitang kasuhan dito? You’re forcing me!” “Huwag ka sumigaw nabibingi ako.” “Kapag hindi mo talaga ako binaba…” she paused. “Ano? Sasampalin mo na naman ako?” Well, freebies lang iyon. “Hindi lang iyon, Khrist…” “O baka naman magsusumbong ka kay Jacinto,” sabi pa nito. She just gritted her teeth. Saan naman napulot ni Khrist ang kaisipang iyon? “Mukha ba kaming close ni Jacinto?!” she hissed. Nakita niya na nasa parking lot na sila at hinahanap na lang ni Khrist kung saan nakaparada ang kotse nito. “Of course, magkapatid kayo, eh,” natatawang sabi ni Khrist. Napakunot lang talaga ang noo ni Tala. “Hindi porke’t magkapatid kami ay close na kami.” And I used to hate him. Gustong idugtong ni Tala iyon ngunit mas pinili niya na lang na huwag sabihin. Hindi naman kailangang malaman ni Khrist iyon. “Alright,” sagot lang ni Khrist sa kaniya. Ibaba na ba siya nito? "Are you going to put me down now?" Tala asked. Nakita niyang napatango si Khrist, he slowly loosens his grip on her. She sighed in relief. “Oo,” saad ni Khrist nang tuluyan na siya nitong ibaba. Gaya nang kanina niya pang pina-plano ay tatakbo na siya papalayo. Nag-ready na siya sa gagawin niyang pagtakbo. Bibilisan niya na lang upang hindi na siya mahabol ni Khrist. Magmula ngayon ay iiwasan niya na talaga ito. When she reaches the ground, she immediately pushed him. Nagsimula na siyang tumakbo palayo ngunit hindi niya inaasahan na hahabulin siya ni Khrist at nang nahabol siya nito ay pinasan na naman ulit siya na parang isang sakong bigas. Next thing she knew, pinasok na siya nito sa kotse niya. Sumimangot kaagad siya. “You can’t run to me just like that,” sabi nito. Pinasok siya nito sa may backseat at pabagsak na sinara ang pinto. “Ano ba talagang problema mo?” Tala asked, frowning. Hindi naman siya sinagot ni Khrist. Pumasok na ito driver’s seat at agad na pinaandar ang sasakyan. Papalayo na sila ngayon sa school campus. She looked at her reflection at the rear-view mirror. Hindi pa rin mawala ang inis sa mukha niya. Sino ba naman kasi ang hindi maiinis kay Khrist? Sa mga ginagawa nito? Kanina pa sana siya naka-uwi sa kanila kung hindi lang talaga humarang ang lalaking ito. Ngayon lang din siya napaisip kung saan ba siya balak dalhin ni Khrist. Dahil hindi naman sinagot ni Khrist ang tanong niya ay mas minabuti niya na magtanong ulit. Baka naman kasi may pagka-bingi talaga si Khist. “Ano ba talagang problema mo?” she asked again. “Alam mo naman talaga na kaya kitang kasuhan ng k********g, ‘di ba? And you’re forcing me to come with you!” “Yes. Kung kakasuhan mo talaga ako, hindi kita pipigilan,” Khrist told her. “Talaga lang, ready yourself then," Tala said and she rolled her eyes. "Saan mo ba ako dadalhin?" tanong pa nito. Tumingin siya sa bintana upang makita ang paligid, wala naman siyang masyadong alam sa mga lugar dito dahil hindi naman siya mahilig mag-hang-out sa mga kaibigan katulad ng iba dahil nga… wala siyang kaibigan in the first place. School, bahay lang ang punta niya noon pa man. She suddenly remembers na palagi siyang sinasama ng kaniyang ina noon… sa supermarket to buy some groceries. Pero matagal na 'yon… She mentally sighed. All she knew was they were still in the city. "Saan mo ba gustong dalhin?" Khrist was now grinning mischievously. "Sa bahay," diretso at sarkastikong sagot ni Tala. Natigilan naman si Khrist. "Gusto ko nang umuwi." "Not yet," sabi naman ni Khrist. Napansin niya na biglang bumilis ang pagpapatakbo ng sasakyan ni Khrist. Nagsalitang muli si Khrist, "Take this first." Nakita niya sa rear view mirror na may kinuhang pamilyar na bagay si Khrist sa bulsa ng kaniyang suot-suot na leather. Iyong bagay na nakita niya rin kanina… nakita niyang hawak-hawak no'ng lalaking humarang din sa daraanan niya, at nagpakilala pa! She forgot his name. Hindi naman siya interesado sa lalaking iyon kaya hindi niya talaga maaalala ang pangalan nito. Wait, kailan ba nagkaroon ng interes si Tala sa mga lalaki? "Hindi ako interesado riyan. Pakibalik sa bulsa mo, asshole," sabi ni Tala kay Khrist at umirap. Kung ano man ang laman ng pulang kahon na iyan ay wala siyang pakialam. "What? Every girl wants this," sabi ni Khrist. Nakita ni Tala na napakunot pa ito ng noo. Every girl, what? "Then, I guess, I am not a girl," sagot pa ni Tala. Natawa naman sa kaniya si Khrist. "Just take a look, please?" he asked. Wala sa sariling napatingin si Tala ng diretso sa mga mata nito sa pamamagitan ng rear view mirror. Please? Hindi niya maintindihan ang sarili niya but when she looked at his eyes, something just… I don't know, and maybe, she realized that he's handsome? Darn, ano namang pakialam niya kung guwapo ito? Napatingin siya sa palad ni Khrist na naka-angat na. Sa palad niya ay nakapatong roon ang pulang kahon, kung titingnan ay mukhang alahas ang laman nito. 'Wag lang singsing dahil masisipa niya lang si Khrist. Well, whatever it is, hindi niya naman ito tatanggapin. "Oh, sige," sabi ni Tala pagkatapos ay tinitigan lamang ang box na nakapatong sa palad ni Khrist. "What? Aren't you going to take this? Nangangawit na ako," reklamo pa ni Khrist. Napairap lang si Tala. "Sabi mo, take a look, so I'm doing what you just said." "Hold it and opened it," medyo may inis na sa boses na sabi ni Khrist. She mentally grinned. In this way, maybe, he would give up on her. That's great. "Okay," Tala said, and she opened the box. It was a necklace… napakunot pa ang noo niya nang makita niya kung ano ang naka-ukit sa pendat nito. It's her name, Tala. "Alam ko na aware ka na kung ano ang ibig sabihin ng pangalan mo. Tala…" panimula ni Khrist. "Makaluma ang pangalan ko, that's it," sabi naman ni Tala at isinarang muli ang box na naglalaman ng kuwintas. Hindi niya dapat i-big deal ang bagay na 'yon, no. "Tala means, goddess of the stars," sabi pa ni Khrist. Napairap na lamang ulit si Tala. "You're beautiful, Tala. Para kang bituin sa kalangitan… nagniningning, ang ganda mong pagmasdan." "Yes, maybe I am one of the stars that you're talking about and the star that you can't have. Hindi mo naman ako kayang abutin." Napatikhim lang si Khrist. "Saan mo 'ko dadalhin nga?" tanong na naman ni Tala rito. Habang tumatagal siya na naka-upo rito ay lalo lang siyang hindi naging komportable. Nais niya nang umuwi. "I'll take you home now," Khrist said directly. Tala mentally grinned. Mukhang pasuko ka na, Khrist! That's good! Para tumahimik nang muli ang mga araw ko. "Okay," sabi ni Tala at saka inabot kay Khrist muli ang pulang box ngunit mabilis lang itong umiling. "That's for you, Tala." Napataas ang kaliwang kilay ni Tala. "No, hindi sa akin ito. Wala akong naalala na bumili ako ng kuwintas." "I said, it's yours." Napakibit-balikat naman si Tala, hindi niya na inabot kay Khrist. Hinawakan niya na lang ito. Nase-sense niya na kapag pinagpatuloy pa ito ay mahabang pilitan lang ang mangyayari. But still, hindi niya ito tatanggapin. Mabilis naman silang naka-uwi sa bahay nila. Agad siyang bumaba sa kotse ni Khrist nang tumigil ito. Well, hindi kasama ang kuwintas. Sinadya niyang iwan iyon sa loob, malamang ay hindi naman napansin ni Khrist. Lumabas na rin si Khrist sa kaniyang kotse. "That's it? No thank you?" Umirap lang si Tala pagkatapos ay tinalikuran niya na ito. Bakit naman ito magpapasalamat kay Khrist? Duh, puro inis lang ang naramdaman niya. Hindi tuwa, hindi pagkagalak. Pagka-inis, puwede pa. At hindi siya magpapasalamat dahil sa inis na iyon. "Wait, where's the necklace?" Khrist asked. "In my bag!" pagsisinungaling ni Tala. Dire-diretso lang ito sa pagpasok sa bahay nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD