Kabanata 10

1597 Words
SHE furrowed when she saw them. Nakuha nila ang atensyon ng ibang estudyante rito, pati siya. What's going on between Khrist and Tala? Hindi niya maiwasan, hindi niya napigilan ang sarili niya na 'wag mag-isip ng kung ano-ano. Napailing-iling siya. Wala naman siya dapat pakialam talaga. Khrist was known to be her boyfriend. Well, change. Hindi na sila katulad ng dati. Khrist ruined their relationship. She sighed. Pero hindi niya rin itatanggi na may nararamdaman pa siya sa kaniya, pero, hindi na rin katulad ng dati. Khrist cheated on her. Ayaw niya na lang balikan ang nangyari. Wala nga siyang ideya kung bakit umabot doon, eh. Minahal niya naman si Khrist nang buong-buo. She started choosing him rather than studying before. Pero mas pinili pa rin ni Khrist na magloko. Lokohin siya. Na-upo na lamang siya sa bench. Hindi pa talaga siya umuwi dahil may dinaanan pa siya sa library and she didn't expect na makikita niya si Tala at Khrist. He was actually carrying Tala. Nakita ni Yella kung paanong nagpupumiglas si Tala sa pamamagitan ng paghampas sa likuran nito. Nagpakawala na lang ulit siya nang malakas na buntong hininga. She could say na sobrang ilap talaga ni Tala. She wanted to befriend her, nilalakasan niya na nga ang loob niya, pero si Tala na mismo ang lumalayo, umiiwas. Hindi niya alam kung bakit naging gano'n ang ugali ni Tala. Maybe it's because of their family? She knew that Tala had a good side. Wala pa nga lang itong balak lumabas sa ngayon. Natigilan si Mariella nang mapansin niyang nakatingin sa kaniya nang diretso ang isang taong hindi niya inaasahan. Bakit siya nito tinitingnan? Naka-upo ito sa bench na katabi lang ng bench ni Yella. Nakasandal ito sa sandalan ng upuan, ang dalawang braso rin nito ay nakasandal sa sandalan. Tinititigan lang siya nito na animo'y sinusura pati ang kaniyang kaluluwa. Awtomatikong napataas ang kaliwang kilay niya. "What?" Yella asked him. Alam niya na narinig naman ito ni Jacinto kahit na may distansya sa pagitan nilang dalawa. Yes. It was Jacinto, Tala's older brother. "Are you still in love with him?" Okay, natigilan talaga siya sa tanong ni Jacinto sa kaniya. Straight to the point. "Nope," she answered if he's talking about Khrist. Well, the truth is she doesn't know if she's still in love or not. Pero heto lang naman ang alam niya, they will never be together again. Kaya rin talaga niya ‘to iniiwasan. "Do you know him well?" Bakit niya nga ba ito tinatanong? She furrowed. "No, hindi ko nga alam na lolokohin niya ako. I don't know him well," sabi ni Yella at saka pilit na ngumiti. Diretsong nagtanong si Jacinto kaya diretso niya rin itong sasagutin. Maybe this is their first time to have a conversation.  Natahimik si Jacinto at tinitingnan lang siya ng diretso. Whatever. Umiwas siya rito ng tingin. Nilagay niya ang atensyon sa librong dala-dala niya. Nagsalita ulit si Jacinto pagkalipas ng ilang minuto. "Is he still in love with you?" Hindi na rin napigilan ni Yella ang mapatanong kay Jacinto, nilingon niya ulit ito. "Bakit mo nga pala ako tinatanong niyan? Why?" she asked. Does he care? Umayos ng upo si Jacinto at saka tumikhim. "Nevermind," sabi nito pagkatapos ay tumayo. Nakita niya na ipinasok nito ang dalawang kamay ni Jacinto sa magkabilang bulsa ng pantalon niya habang naglalakad papalayo sa kaniya. Napailing-iling na lang siya at ibinalik ang atensyon sa pagbabasa. 2 DAYS had passed, thank God, she didn't see Khrist around. Malamang ay natauhan na 'to. Wala siyang pasok ngayong, araw. Buti naman talaga, ayaw niya na ng sakit sa ulo. Ayaw niyang may naninira ng araw niya. Two days siyang okay. Nagtungo siya sa kusina at naabutan niya roon ang kaniyang kapatid. Wala naman siyang balak pansinin. Gusto niya lang uminom ng tubig. She opened the refrigerator to get a pitcher of water. Kumuha na rin siya ng baso at naglagay siya ng tubig doon. Napansin niya na tinitingnan lang siya ni Jacinto habang ginagawa 'yon. "Do you know Mariella Quirino? I noticed that she's sitting next to you," biglang sabi nito. Si Tala naman ay nagpatuloy lang sa pag-inom. Bakit niya sa akin tinatanong?  "Are you aware that she's Khrist ex-girlfriend?" Tapos na siyang mainom at ibinaba niya na ang baso na hawak niya. Wala na itong laman ngayon. Yes, she's aware. "You don't care, Jacinto. Wala rin akong pakialam kay Mariella Quirino na 'yan," sabi ko bago ako lumabas ng kusina namin. Silang dalawa lang ngayon sa bahay nila maliban sa mga kasambahay. Wala naman palagi ang kaniyang ama, kailan ba ito nanatili ng kahit 5 oras lang sa bahay? Wala siyang maalala. Sa bahay nga ng kanilang Lola nila siya lumaki. Naturuan naman siya ng magandang asal… hindi niya nga lang in-apply sa sarili niya noong mamatay ang kaniyang ina. Naglakad siya papunta sa may pool area. Napansin niya na sumunod sa kaniya si Jacinto. "Can I talk to you for a sec?" "No," mabilis na sagot ni Tala. "Come on," hindi makapaniwalang sabi ni Jacinto. Hindi naman ito nilingon ni Tala. "Hanggang kailan ka ba ganiyan?" "Hanggang sa ibalik niyo si Mom…" Natahimik si Jacinto ng ilang segundo. Narinig niya itong nagbuntong-hininga. "Tala, tell me, hanggang kailan mo tatanggapin na wala na si Mom?" mahina ang boses na sabi ni Jacinto. "Huwag mong ipamukha na hindi ko tanggap. Tanggap ko na nagpaalam na sa akin si Mommy, ang hindi ko tanggap ay 'yong kayo ang naging dahilan." Nilingon niya si Jacinto pagkatapos ay tinalikuran ako. "Tala, you know that I love you right?" Napatigil sa paghakbang si Tala nang marinig niya iyong sinabi ni Jacinto. "I don't care, Jacinto. I don't care about that sibling's love! I'm fine with myself," sabi na lang ni Tala bago tuluyang bumalik sa kuwarto niya. Pabagsak siyang nahiga sa kama. She hates Jacinto… so much! Nagpasya siyang magbasa ng aklat ng ilang minuto pagkatapos ay bumaba siyang muli upang kumain. Dahil glasswall naman ang bahay nila sa may living room… napansin niya sa labas si Jacinto… naglilinis ng isa sa mga sasakyan niya. It's a sports car. She rolled her eyes. Baka naman may karera na naman ito. That's great! Mag-isa lang siya rito, well, maliban pa rin sa mga maid. "Ma'am, kumain na po kayo, tanghali na," sabi ng isa sa mga kasambahay niya nang makapasok siya sa kusina. Tinaasan niya ito ng kaliwang kilay. "Alam ko, kaya nga ako bumaba," she said sarcastically. "Pasensya na poㅡ" "Just shut your mouth up!" may inis na naman sa boses ni Tala. Ayaw niya rin na kinakausap siya ng mga kasambahay ng ganito. "Sorry po, Madam." Hindi ba talaga siya makaintindi? "Gusto mo bang mawalan ng trabaho?" Hinarap niya ang babae. Nakasara na ang bibig nito at mukhang wala nang balak na magsalita. "Get out, huwag ka nang magpapakita sa akin. You're ugly." "THE race will start tonight, are you ready?" Allen asked Khrist. Hindi niya nakita si Jacinto sa loob ng dalawang araw ngunit sabi ni Alvin ay ngayong gabi niya raw gustong mangyari ang laban. "Kailan pa ako hindi naging ready sa karera? Si Jacinto lang 'yon." Napatango-tango naman ang mga kaibigan niya. "Yes, pero natalo ka niya sa huling karera niyo," sabi pa ni Alvin. "I don't actually get it. Why did he asked a re-match, eh, hindi naman siya ang natalo. Hindi ba dapat ikaw ang maghamon ng rematch?" "'Wag na maraming tanong Vin, i-ready mo na lang ang sarili mo. Puwede bang magdala ng plus one?" Allen asked. "Puwede naman siguro," sabi naman ni Alvin. Biglang may pumasok sa isip niya. Dalawang araw siyang hindi pumasok sa school kasi may inayos siya sa kaniyang sports car. Hindi niya na rin nakita si Tala sa loob ng dalawang araw dahil naging busy talaga siya. Hindi siya puwedeng masiraan ng gagamiting sasakyan. Siguro ay tama lang talaga na may rematch, this time, he's sure na matatalo niya na si Jacinto. "May isasama ako," sabi pa bigla ni Khrist. Si Tala ang agad na pumasok sa isip niya nang marinig niya ang plus one. Gusto niya itong isama… gustuhin niya man o hindi. "Tala?" Allen asked. Nahulaan kaagad ito. "Yeah, right. I haven't seen her these past two days. Baka tuluyan nang hindi maniwala na mahal ko siya," sabi ni Khrist. Nagkatawanan na naman silang magkakaibigan, as if naman mahal niya talaga ‘to. Nagpaalam muna si Khrist na tatawagan si Tala but as he expected, hindi naman ito sinagot… pinatay lang 'to. So he decided na pumasok na lang sa kotse niya, balak niya itong puntahan sa bahay niya. Nag-message na rin ito sa kaniya para aware siya na pupunta si Khrist sa bahay nila. Napatingin siya sa rear view mirror nang may ngiti sa labi pero na-freeze iyon nang may mapansin siyang isang bagay. The… red box! Tala! He thought that it was in her bag! Napakunot ang mga noo niya. Nalinlang siya ni Tala! Kinuha niya ang kahon na 'yon pagkatapos ay inilagay niya sa may dashboard. Nang araw na ibigay ni Khrist kay Tala ang box na ito ay hindi niya maiwasang mainis. Paanong hindi maiinis kay Tala? Buti na lamang ay pinigilan niya ang sarili niya na huwag sumabog. Kailangan niyang maging mapag-pasensya kung gusto niyang mapagtagumpayan ito. Nagdire-diretso siya papunta sa village kung saan naroon ang bahay nila Tala, hindi pa man siya nakakapasok ay natanawan niya ang pamilyar na sasakyan na palabas ng village. Si Jacinto… That's good, walang epal. He's just in the right timing. He'll drag Tala again.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD