NAPATINGIN si Tala sa kaniyang telepono nang bigla itong tumunog. Nakita niya ang pamilyar na numero. Ito ang numero na tumawag sa kaniya noong nanghimasok ang Khrist sa pamamahay niya!
Si Khrist 'to. Panigurado. Hindi niya na lamang sinagot. Nang magpatuloy ito sa pagtawag ay lalo lang siyang nainis. She turned on the airplane mode button on her phone. Upang hindi na ito makasagap ng anumang tawag.
But to her surprise, one of her maids stepped into her room. "Sinabi ko bang pumasok ka? Hindi ka ba marunong kumatok?" Sarkastiko na naman si Tala.
"Pasensya na ho kayo, Madam, si Sir Emilio po kasi, nagmamadali. Gusto ho kayong makausap," sabi nito. Doon niya lamang napansin na may hawak itong retro telephone.
Gosh. 2020 na but actually, her father is still using this phone, kahit ang kaniyang kamag-anak. Just like her name, makaluma. But to be honest, mas makaluma ang pangalan ni Jacinto, bakit hindi niya man lang ito narinig na nagreklamo? Oh si Tala lang talaga ang ma-reklamo?
She shook her head.
"Tell him that I don't want to talk to him. I'm studying," Tala said and rolled her eyes. "Close the door after you leave," utos ni Tala na siya namang ginawa ng dalagang kasambahay.
Ngunit wala pang isang minuto ay bumukas na naman ang pinto. "What?! Again?" Hindi na naiwasan ni Tala ang mapasigaw.
"K-Kailangan d-daw p-po kayong ma… makausap ni Sir, importante lang daw h-ho," nanginginig ang boses na sagot nito.
"Hindi ka ba talaga marunong kumatok?" She gritted her teeth. Sinamaan niya lang ng tingin ang babae. "Give me that!" utos niya. Lumapit naman ito at ibinigay ang retro.
"Hello?" panimula ni Tala sa kaniyang ama nang ilagay niya na sa kaniyang tenga ang telepono.
"Lirah wanted to talk to you," sabi nito. Medyo hindi niya inaasahan iyon.
Ayon ba ang sinasabi niyang importante?
"I don't want to talk to her, 'di ba dapat mutual? Ayaw ko siyang kausapin tsaka wala kaming pag-uusapan, period."
Wala naman siyang balak na makinig sa kung ano man ang sasabihin sa kaniya ng pinsan niyang si Lirah. Ano ba ang pag-uusapan nila kung gusto niya itong makausap. Tungkol ba 'to sa kat*ngahan niya sa boyfriend niya? I mean, ex-boyfriend.
"Don't make this hard for me, Tala. Month later, nandito na ulit siya sa Pinas."
Well, alam niya.
Alam niya na uuwi nga ang pinsan niya ngayong bakasyon. Pero hindi naman siya dapat magulat, wala namang dapat ikagulat. Hindi naman sila close ni Lirah, actually, she hated Lirah too.
Aaminin niya na noong bata sila ay naiinggit siya rito. Bukod sa may nanay pa siya, eh, palagi siyang suwerte sa lahat ng bagay. Iyong pangalan niya, hindi masyadong maka-luma. Ikumpara mo pa sa kanila ni Jacinto.
Suwerte siya, except sa lovelife niya. Noong una, let say na suwerte siya but in the end, Kimto cheated on her.
She hated Lirah too because she's always the best. When they were young, Mr. Emilio, her Dad, always compares her to Lirah. Kahit ngayon na nasa kolehiyo na siya.
Kesyo magaling si Lirah sa academics, ang tataas ng marka. Maganda, mabait. Duh, ano naman kung hindi ako maganda? Ano rin kung hindi ako mabait? Ano rin naman kung hindi mataas ang mga marka ko?
She has her beauty, her own life.
"Oh, okay," sagot na lang ni Tala.
"Yeah do ㅡ"
Magsasalita pa sana ang kaniyang ama ngunit pinatayan na siya nito ng tawag. Hindi siya nakakatuwa.
Ayan niya rin pag-usapan ang babaeng 'yon. She's not making things hard. Bakit ba kasi hindi na lang tanggapin nila na ganito na siya?
Mas evil pa sa evil. Kulang na lamang ay tubuan na siya ng sungay.
Maya-maya pa'y bumukas ulit ang pintuan. Hindi ba talaga sila marunong kumatok?
"Madam Ta ㅡ"
"Leave." May galit na sa boses ni Tala. "You're fired, b*tch!" inis na sabi ni Tala. Sinabi nang kumatok!
"Madam, pasensya na po k-kayo, huwag naman p-po, and-diyan po kasi si Sir Khrist Garcillano sa labas po…" mangiyak-ngiyak na sabi ng kasambahay niya.
"Leave," sabi na naman ni Tala. "Huwag niyo siyang papapasukin, hayaan niyo lang siya."
Ano na naman ang ginagawa ni Khrist dito?! Akala ba niya ay titigilan na siya nito? Damn.
Umalis naman na ulit ang kasambahay na 'yon. She wished that the maid was now packing her things up. She's not messing around when she tells her that she's fired.
After all, Clinton pa rin siya. She also has a right to this house.
"Tala!" She heard Khrist's voice.
She immediately stood up. Binuksan niya ang bintana sa kuwarto niya at doon niya nakita si Khrist sa labas. Katulad nang in-utos niya ay hindi na nga ito ito pinapapasok ng kasambahay.
"Tala! Babatuhin ko 'yang bintana ng kuwarto mo kapag hindi ka lumabas!"
Sumigaw din siya pabalik, "Umalis ka rito, Khrist!"
"Let me in!" Nakatingala na ito ngayon sa kaniya. Blangko lang ang expression niya sa binata.
"Ayaw ko, kakasuhan na talaga kita! Assh*le!" Nilakasan niya talaga ang boses niya upang marinig ito ni Khrist. "Don't make a scene, idiot!"
"I said, Let. Me. In!"
"Get lost!"
"Come down here or I will call your Dad!" Natigilan siya. Kailan pa naging close ang Tatay niya at si Khrist? Hindi kaya kinausap ni Khrist si Daddy?
Ayon ba ang naging dahilan para sabihin ng kaniyang ama sa kaniya na bigyan ng chance si Khrist?
Damn.
"Call him. Wala namang mangyayari," sabi na lang nito at isinara nang muli ang bintana ng kuwarto niya. Napailing-iling naman siya.
Sigaw lang ito nang sigaw pabalik. Walang hiya talaga si Khrist! Kailan niya ba balak tumigil! "Talk to me! Tala! Tala, ah!" Hindi niya napigilan na magtaka. Iyong sigaw ni Khrist ay parang nasaktan ito.
Kahit gusto niyang pigilan ang sarili niya na huwag sumilip sa bintana ay hindi niya nagawa. Binuksan niya ulit ang bintana upang tingnan si Khrist, nagulat siya nang nakahandusay na ito sa sahig at animo'y namimilipit na sa sakit.
Anong nangyari sa kaniya?
Hindi niya maintindihan ang sarili niya. Parang naawa siya rito kaya nagmadali siyang lumabas ng kuwarto niya't dinaluhan ang binata.
"Anong nangyari sa'yo?" tanong ni Tala kay Khrist. Nakahiga ito sa sahig. Na-upo siya at itinukod ang dalawang tuhod sa sahig. Buti na lang ay hapon na at hindi mainit ang sahig.
"Aww! Aray, sh*t! sh*t!" sigaw ni Khrist na animo'y nasasaktan talaga ng sobra. Hindi niya nadala ang cellphone niya balak niya sanang tumawag ng ambulansya, kaya ang cellphone na lang ni Khrist.
Bakit? Bakit siya nakaramdam ng awa rito? Ito siguro ang unang beses. Dapat wala siyang pakialam!
"Where's your phone?! I'll call 911!" tanong ko sa kaniya.
"Ah! Ang sakit!" sigaw nito. Nakikita niya na namimilipit talaga ito sa sakit.
"Saan? Saan masakit?" mababakas na ang pag-aalala sa boses ni Tala. Hindi niya rin maiwasan na mainis sa sarili niya. Hindi dapat siya nakakaramdam ng pag-aalalala. Lalo na sa g*gong 'to!
Sinubukan niya itong hawakan sa braso niya. "Saan? Saan ang masakit?" tanong pa nito rito. Bigla namang kinuha ni Khrist ang kamay niya at saka nilagay ito sa dibdib niya.
"Dito." Biglang naging kalmado si Khrist kaya agad na nanlaki ang mga mata niya. She looked at his eyes at nakita nito na nakangiti na si Khrist sa kaniya.
That smile! She could say that it was sweet.
Nanlalaki pa rin ang mga mata niya. Naramdaman niya rin na kumakabog ng malakas ang dibdib niya. Siguro'y dala pa ito nang nangyari kanina.
"Tang*na mo!" She pushed him. Inalis niya ang kamay niya sa dibdib at sinampal pa si Khrist sa pisngi bago siya tumayo.
Ang kapal niya!
Hindi siya makapaniwalang na-uto siya ni Khrist!
"Hindi ka naman pala ganoon kasama, sabi na, eh, kaya nga minahal kita," he said. Pinapagpagan ngayon ni Khrist ang damit niya.
"Stop wasting your time, Khrist. Bakit ba hindi ka maka-intindi? It's a no!" inis na sabi ni Tala.
"Look, Tala. I love you and let me" ㅡ he paused and sighed ㅡ "just show to you that I do." Natigilan si Tala. Hindi ba talaga titigil ang binata sa kaniya?
"Umalis ka na," sabi na lang nito at tinalikuran na siya ngunit agad itong humarang sa daraanan niya. She looked at his annoying face. "Alis."
"I love you." Umiling-iling lang si Tala.
"Hindi kita mahal," sabi nito. Humakbang na siya upang lagpasan ito ngunit nagulat siya nang bigla na lamang nitong hapitin ang kaniyang beywang at saka binigyan ng halik. Nanlaki ang mga mata nito.
Nang kumalas ang mga labi nila'y tumingin si Khrist ng diretso sa kaniya. Iyong likod niya ay parang yelong nanigas.
"You're going to be my plus one. I will show you how to beat your brother."
Hindi siya nakapagsalita. Hindi siya makasagot!
Khrist kissed her?!
Napansin ni Khrist na nanlalaki pa rin ang mga ito. "What? Haven't you kissed before?"
Awtomatikong nasampal niya ulit si Khrist! "How dare you! Kakasuhan kita ng s****l harrassment!" inis na sabi ni Tala. Nag-iinit na ngayon ang mukha ni Tala, nag-iinit sa sobrang inis! Gusto niya na iyon ingudngod sa sahig ngunit hindi niya magawa dahil hindi pa rin siya maka-get over sa halik!
Ngumiti lang sa kaniya si Khrist. Lalo siyang nainis but she could say… na ang mga ngiti ni Khrist ay magagandang pagmasdan! Pero hindi magandang pairalin ngayon ang kaisipan na 'yan!
Bakit niya ba iniisip ito?! Damn it!
"Tsaka mo na isipin ang pagkaso mo sa akin. For now, wear this," sabi ni Khrist at saka inilabas ang kuwintas na ang naka-ukit ang pangalan niya sa pendant.
Tala.
"Ayaw ko."
"You tricked me! Sabi mo, nasa bag mo!"
"Then, kwits na tayo! You tricked me too and you kissed me pa! Asshole!" Binangga niya ito at nilagpasan. Wala siyang balak na suotin ang kuwintas na 'yon.
At ayaw niya na rin na makita ang mukha niya kailanman!
"Tala, wait! Please? Pumunta ka sa game?" Natigil siya sa paglalakad nang magsalitang muli ang binata. "May rematch kami ni Jacinto tonight. I want you to be there, kung ayaw mong maging plus one ko. It's alright. Gusto lang kitang makita na nandoon," halos pabulong lang na sabi ni Khrist. Rematch with his brother, huh?
"No."
"Please?" Hindi napigilan ni Tala ang mapabuntong-hininga. Umiling-iling siya pagkatapos ay tuluyan na itong iniwan sa labas.
Absolutely not.