“MAALIKABOK dito, kayo na lang. Hintayin ko na lang kayo sa taas.” Balak sana silang takasan ni Tala ngunit agad naman nila siyang pinigilan. “Walang aalis dito hangga’t hindi natin nakikita ang painting!” Lirah hissed. Hindi puwedeng tumakas ang pinsan niya rito. Mahigpit ang hawak ni Lirah sa braso nito at pinilit na ipasok sa silid na ‘yon. “Alright, fine. Bitiwan mo na ako. It hurts,” padabog pa rin na saad ni Tala. Dahan-dahan namang ginawa ni Lirah ang gusto nito. “We are here para magkaroon tayo ng ideya sa mga nangyayari. It’s all weird, kung hindi tayo gagawa ng aksyon para malaman ang katotohanan—walang mangyayari. Ano? Gusto mo ba na managinip na lang nang wala man lang kaalam-alam kung bakit?” Nakita ni Lirah na inirapan lang siya ng pinsan niya. “Mamaya mo na ako irapa

