Episode 35

2143 Words

Chapter 35 CRYSTAL LUMABAS ako ng silid ni Reynold subalit kinabahan talaga ako. Sa labas ng silid ni Reynold ay naroon ang kaniyang mga magulang at kapatid. Tuwang-tuwa silang nakikipagkuwentuhan kay Princess. Hindi nila alam na narito rin sa hospital na ito ang kakambal ni Princess. Nang makita nila akong lumabas sa silid ni Reynold, tumayo si Mommy at lumapit sa akin. "'Iha, anong nangyari kay Reynold? Sabi ni Dr. Villega, pinindot raw ni Reynold ange emergency button niya," nag-alalang tanong ni Mommy sa akin. "Hindi. Siya makahinga at masakit raw ang dibdib niya," sagot ko sa Mommy ni Reynold at tinawag ko si Princess. "Princess, tayo na." "Iha, aalis na kayo? Puwede bang maya-maya na? Nasasabik kasi kami makipag-usap sa apo namin." Tumaas ang isa kong kilay sa sinabi ng Mommy

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD