CHAPTER 36 REYNOLD Ilang minuto lang na lumabas si Dexter ay pumasok naman sii Enrico. Tudo ang ngiti nito sa akin. "Nariyan na pala ang asawa mo bakit hindi ka pa rin tamayo riyan?" pang-iinis na tanong ng pinsan ko sa akin. Lumapit pa siya sa akin. "Kilala mo ba ako, Pinsan?" tanong niya sabay tawa. "Sira ulo ka, sino ko ba?" Lalo pa lumakas ang tawa niya sa tanong ko. "Hahaha... Hindi ka nga na amnesia noong na-comatose ka ng ilang buwan, ngayon pa kaya na ang kamay mo lang ang napuruhan. Racing pa more. Iyan kasi hindi kayo nagyaya," sabi ng baliw kong pinsan sa akin. "Tumigil ka nga riyan. Mamaya marinig ka pa ni Crystal. Ano ba ang sadya mo sa akin?" tanong ko sa kaniya. "Papasok ako sa opisina. Tinawagan ako ni Gabriel. Kanina ko lang nalaman ang nangyari sa'yo. Hiniram kas

