S q u a r e E i g h t e e n ( S H E )

2433 Words
"Nag-promise kang magpapaliwanag ka, okay?" Ngumiti lang ako at yumakap kay Salcedo bago sumakay sa kotse niya. Siya ang kanina pang nag-aabang sa'kin dito sa baba matapos kong makinita lahat ng pwedeng mangyari. Masakit man pero kailangan kong gawin 'to. I have to hurt Eric by hurting myself twice as much. Alam kong he does stupid things when he's hurt so this is the only way. At bago ko gawin 'yan, I made it sure that he's not going to do something as stupid as his suicidal attempt in Magsaysay. How? By giving him hope. By leaving him a hint that I only want him to get better then I'll get back. Alam kong he got my message loud and clear at sana lang, gumana ang plano kong 'to. Kahit madalas akong magreklamo, I honestly find Eric's OCD as my safest haven. Minsan nakakainis. Minsan nakakasakal. At madalas, nakakaiyak. But this is his way of showing how he cares and I'm used to that. Mainis, masakal, at maiyak man ako, at the end of the day, it's always my safety first that he worries about before his. And I love him even more for caring this much. So you ask, why the drama? Kasi pakipot ako? Kasi choosy ako? No. Kailangan kong gawin 'to kasi kilala ko si Eric. Gagantihan niya ako. I'm pretty sure that if I push him to his edge, babawian niya ako... by hiring Aurora back in his bank but not to the extent of having a relationship with her, because Eric is the person who always plays the safe side. Gagamitan niya ako ng BACK TO SQUARE ONE tactic. And I'm positive that if he runs out of choice, si Aurora na lang ang maiisip niyang gamitin para bumawi. And this is where the plan comes in. Alam ko kasing hindi siya papayag kung kukumbinsihin ko lang siya. He would rather sacrifice his time and try his best to attend to everything when he's not even Superman to start with. IKAKASAL PA KAMI AT AYOKONG MABIYUDA NANG MAAGA. With what he does to himself by being that dedicated to me AND his company, he'll end up being sick. I want him to focus on just a few things and stay healthy. Pero bakit ko nga ba kailangang gawin 'to kung nandito naman ako para tulungan siyang i-handle ang isa sa tatlong major businesses niya? One reason... Because I have to be a daughter to my father, too, or at least until he needs me. Oo, ginagawa ko 'to kasi aalis akong pansamantala sa Fuentebella Empire to take over my father's businesses that are under my name. Gusto kong iparamdam sa kaniya na tinatanggap ko nang buo ang responsibilidad na binibigay niya by focusing on these alone. Eric has to detach himself a little from me so he can see the bigger picture. Like what I said, kung luluwagan niyang panandalian ang hawak niya sa'kin, he will see the effect on me. And he'd feel guilty. I don't want to keep on making him feel that way. I just want him to understand na hindi niya dapat sa'kin lang pinaiikot ang mundo niya even if, selfishly speaking, I would love that. But the thing is, Fuentebella Empire is a worldwide company and we can't handle it alone. Kung palaging iisipin ni Eric na nandiyan lang ako, he will never reach out to others. He will not ask others for help. This is the message that I want him to understand. Alam kong para akong tanga kasi, bakit nga naman pagkatapos kong saktan 'yung tao, e, magpapaliwanag ako? Kumbaga para kang nanampal tapos bibigyan mo siya ng scientific explanation kung bakit mo ginawa 'yon. It may sound stupid pero ito na lang ang naiisip kong paraan para makatulong sa daddy kong nag-aagaw buhay na at para mapilitan si Eric na mag-desisyon ng para sa ikabubuti ng kumpanya. "Siguro naman naiintindihan mo 'yung risk ng ginagawa mo, 'no?" Napangiti na lang din ako kay Molina matapos makita ang mga reaksyon nila sa paliwanag ko. "Oo naman. Pwedeng malayo ang loob niya. But knowing Eric? Siguradong frustration or desparation to know the truth ang magaganap. Kung ganoon man kahinatnan, mas madali na para sa'kin ang gawin ang mga plano ko." "So 'yung Ichiro, hindi mo talaga kadugo?" tanong ni Alvarez. Tumango ako. "At 'yung biological father mo talaga, nasa ospital ngayon? Tapos ampon lang si Ichiro?" dagdag tanong pa ni Puyat. Tumango ulit ako. Napa-snap si Guya na parang may naalala. "Tangina. Molina, naaalala mo si Ichiro Fujiwara? 'Yung Child Abuse victim? 'Yung tabachingching na kalaro natin noon?" Napaisip si Molina habang halatang-halata naman ang biglang pagbalikwas ni Fernandez. Tumaas ang kilay ko pero obvious namang hindi niya napansin 'yon kasi parang may naalala siya. "s**t," narinig naming lahat na nasabi ni Fernandez. Pucha. Don't tell me kakanta na naman ako ng it's a small world after all ngayon? "Ay puta. 'Yung best friend ni Fernandez! SI KITKAT!" hindi makapaniwalang sabi ni Molina. Nanlalaki ang mga matang napunta kay Fernandez ang lahat ng atensyon ko. "H-ha? Imposible naman," sabi naman niya na bigla na lang namutla. "Okay ka lang?" pag-aalala ni Salcedo. "Oo. Medyo inaantok lang. Teka, mauna na ako, ha? Good night," sagot ni Fernandez at nagmadaling umalis sa sala kung saan nakapalibot kami't nag-uusap-usap. "Problema no'n?" komento agad ni Molina. "Dapat nga matuwa siya. Kung si Ichiro man 'yon na bestfriend niya no'ng bata pa tayo, dapat masaya siya kasi all this time, hindi natin alam kung sino 'yung mayamang kumupkop sa kaniya, 'di ba?" —Guya "Tapos malalaman natin na totoong ama pa ni Inoue ang umampon sa kaniya. This is such a funny coincidence." —Salcedo "Teka, child abuse victim si Ichiro?" pagtataka ko nang maalala ko 'yung part na sinabi 'yon ni Guya. "Hindi pa naman natin sigurado kung parehas nga 'yung Ichiro na kapatid mo sa Ichiro na kapatid rin namin noon," paliwanag ni Alvarez. "Isang linggo bago ka dalhin ni Fernandez sa foster home na tinutuluyan namin, may umampon kay Ichiro." "Actually, hindi nagsasalita si Fernandez no'n. Walang paa-paalam kasing umalis si Ichiro. Hanggang sa dumating ka sa bahay namin at nakita namin ulit 'yung ngiti niya na kay Ichiro lang niya binibigay." —Puyat "Tinanong ko nga si Fernandez no'n, e. Kamukha mo daw kasi si Ichiro kaya gusto talaga niyang tanggapin ka namin sa bahay kahit ang number one rule namin no'n, hindi kami tatanggap ng babae para walang complications pag-dating ng panahon." —Galang "At kaya ka namin tinanggap no'n kasi ikaw ang kauna-unahang nakapagpa-ngiti, nakapag-pasalita, at nakapagpa-tawa sa mokong na 'yan." —si Puyat ulit. Napasimangot ako. "So ganoon? Ayaw niyo pala talaga sa'kin? Kung hindi pa ako naging personal clown ni— ARAY!" Nagtawanan silang lahat nang pisilin ni Salcedo ang ilong ko habang nagsasalita. "Ewan ko sa'yo, Inoue. Hindi rin namin maintindihan kung bakit ang daling mapamahal sa'yo ng mga tao," makahulugang sabi ni Salcedo habang nakangiti. Hindi ko alam kung ako lang ba 'to pero nang mapalingon sa kaniya sila Guya, nawala 'yung ngiti niya at napayuko siya nang bahagya. Bigla bang naging awkward 'yung atmosphere o may dumaang anghel? Pero hindi naman ako boba para hindi maintindihang may tinatago sila sa'kin. At na-kumpirma ko pa ito lalo nang magpulasan sila isa-isa. "s**t, gabi na pala. What a long day," sabi ni Alvarez at naglakad na paakyat. "Good night, people." Hanggang sa lahat sila nag-good night na at ako na lang ang naiwan. Napailing na lang ako. Anong problema ng mga 'to? And speaking of problema... "Inaantok na daw," nakangising sabi ko nang madatnan si Fernandez sa two-stair entrance ng bahay ni Guya, nakaupo, at umiinom ng beer, ilang minuto matapos kaming pumasok sa kani-kaniyang kwarto. Lumabas lang ako ulit. "O, bakit gising ka pa?" balik-tanong niya. Umupo ako sa tabi niya. "Hindi naman ako 'yung nagsabi kanina na inaantok na ako, e." Ginulu-gulo niya 'yung buhok ko kaya natawa na lang ako. "Anong naalala mo kanina? Bakit ayaw mong malaman nila?" inosenteng tanong ko. "At paano mo naman nasabi na sa kanila ko lang ayaw ipaalam? Paano kung ayaw ko ring ipaalam sa'yo?" Napangisi ulit ako. "Hindi na mahalaga 'yon. Ang importante, napaamin kitang may naalala ka nga kanina." Sa pagkamangha ko, tumawa siya bigla. Isang masayang tawa na ngayon ko na lang ulit narinig at nakita. Kung hindi ko siguro kinalakihang kapatid sila Fernandez at nakilala ko sila sa edad kong 'to, I would probably end up having a crush on him the most. Physical-wise, si Fernandez ang pinaka-fit sa mga kuya ko. His megawatt smile is to die for, courtesy to that perfect set of teeth, lalo't bihira niyang ibigay 'to sa ibang tao. Malinis mag-damit kahit simpleng pambahay lang, tila anytime, e, kukuhanan na siya ng isang photographer para maging cover sa magazine. Oo, poging-pogi ako kay Fernandez simula unang araw pa lang na nakilala ko siya. He's probably the reason why I had so much standards for men for too long until I fell stupidly in love with the deadly words of Luis. But Luis was something different; it was something temporary. Si Fernandez ang naging batayan ko sa ideal guy. I never thought I would ever meet someone so perfect until of course, I stumble upon that drunken bastard once upon a time at a train station in Magsaysay. Napangiti ako upon remembering that. Oh my Eric. What in the world of merpeople did you do to me. "Alam mo, bagay talaga sa'yong maging abogado," kumento naman ni Fernandez na pumutol sa pagto-throwback thursday ko sa isip ko kahit Sunday pa lang ng madaling araw ngayon, technically. "Nakaka-miss 'yung ganito. 'Yung nakaupo tayong dalawa dito sa labas," sabi ko. "Tapos may hawak akong bote ng beer, ikaw naman hawak 'yung librong pinag-aaralan mo sa mortgage, tayo na lang 'yung gising," nakangiting pag-alala rin ni Fernandez. QUOTA KA NA SA KA-POGIAN, KUYA. KAYA CRUSH KA NI CYRENE, E. "May dadaan bigla na nagtitinda ng balut tapos magugulat tayo, magtatawanan. Pucha, ang babaw lang ng kaligayahan natin no'n," sabi ko. "Parehas nga nating hindi natupad mga pinag-uusapan nating pangarap no'n, e. Pero wala tayong magagawa, we need to earn kasi habang tumatanda tayo, naging mas mahalaga na sa'tin 'yung mabuhay kesa mangarap lang," sabi niya. Naging mapakla 'yung ngiti ko. Promise mapakla 'to, tikman niyo pa. "Si Molina, gustong maging sundalo. Si Alvarez, gustong maging traveler. Si Galang, gustong mamahala ng sariling charity foundation," pag-alala ko pa. "Oo, parehas sila ni Guya na malapit ang puso sa kawang-gawa," pagpapatuloy ni Fernandez. "Si Puyat naman, gustong maging nature photographer kaya nagkasundo sila ni Alvarez do'n dahil sa mga pangarap nilang lugar. Tapos si Salcedo, gustong maging college professor. Sa bagay, malapit na rin 'yon kasi High School English Teacher naman siya..." "...Kahit sa Math talaga siya matalino!" tumatawa at sabay na pagkakabigkas namin ni Fernandez. "Tapos ikaw naman, magpapatayo ng parlor," I say and pause for effect. Nag-take time akong titigan ang simangot ni Fernandez at saka muling tumawa. "Joke lang, Fernandez. Alam ko naman, e. Ever since, gusto mo na talagang maging doktor." Naging seryoso bigla ang atmosphere namin. Kapag ganito, naiiyak na lang ako na hindi kami lumaking mayayaman kaya kinailangan naming isakripisyo ang mga pangarap namin para lahat kami, kahit papaano, may tinapos. "Sayang, 'no? Tatlong taon na lang ng aral ang kulang, doktor ka na sana," sabi ko pa. "At apat na taon na lang ang kulang, abogado ka na sana," sabi naman niya. TAENA. Nandoon talaga 'yung salitang 'sana'. Sana natupad namin 'yon noon kung hindi kami mahirap. Oo. Simula noon pa, pangarap ko na ang maging Human Rights Lawyer, mapa-Civil or Criminal Law man 'yan. Kaya marami akong alam sa batas. Parehas kami ni Molina na updated lagi sa mga Republic Act, Bills, mga ganiyan. Kaya nga natatawa ako kapag naaalala ko 'yung interview ko kay impakto no'n na pinangaralan ko pa siya sa Republic Act 10173. "Pero hindi pa naman tayo ganoon katanda. May oras pa tayo. Ano kaya kung... ituloy natin mga pag-aaral natin?" Natuwa ako sa idea ni Fernandez pero given the situation I'm in, parang malabo nang matupad pa ang pangarap ko. "Habang may time ka, gawin mo na," pangungumbinsi ko sa kaniya. "Kasi kung noon, pinagdadamutan tayo ng pera, ngayon naman..." Huminga ako nang malalim. Hindi ko kailanman naisip na magiging kalaban ko 'to sa buhay. "...pinagdadamutan ako ng oras." Ngumiti na lang si Fernandez at alam kong nakuha niya ang ibig kong sabihin. Sumandal ako sa kaniya at umakbay naman siya sa'kin. Maikli man ay maganda pa rin ang naging tulog ko. Atsaka lang nag-sink in sa'kin 'yung ginawa kong pag-iwan kay Eric no'ng naghahanda na ako ng almusal. Paano, napansin ko rin na naging OC na ako sa mga ginagawa ko. Kagaya halimbawa no'ng binibilang ko na kung ilan ang bawat sangkutya na ginagawa ko sa sinangag, o ilang taktak ng asin ang nilalagay ko sa itlog. Nakatanggap pa nga ako ng compliment dahil natuto na raw akong magluto, sa wakas. Tae, parang hindi na ako sanay na wala si Eric para batiin ako ng, 'good morning, my caramel'. Pagkatapos mag-agahan ay dumiretso ako sa ospital. As usual, bibisitahin ang tatay ko. Pero isang hindi inaasahang tao ang nakasabay ko sa elevator matapos na pindutin ang floor na pupuntahan ko. Nagkatitigan pa kami sa repleksyon namin sa pinto ng elevator. Nanginig bigla ang mga kamay at tuhod ko, parang sumikip bigla 'yung space. Hinarap niya ako nang mapamilyaran siya sa'kin. Hindi ako makatingin sa kaniya kahit pa narinig ko siyang umiiyak. Pinigilan ko ang sarili kong emosyon dahil ayokong mag-isip siya ng kung ano. Buong tapang, hinarap ko pa rin siya. "Mrs. Mariano?" pa-inosenteng sabi ko. Pero nakatitig lang siya sa'kin. Gustung-gusto ko siyang yakapin at iyakan dahil sa loob ng mahabang panahon, kahit pa ilang beses kong pilit na tinalikuran ang pamilyang kinagisnan ay siya pa rin ang tinuturi kong ina. TAEBELLES. KONTI NA LANG, INOUE. TIISIN MO 'YAN, PLEASE. "Ano pong ginagawa niyo dito? Ayos lang po ba kayo?" inosenteng tanong ko pa. Sa pagkamangha ko, niyakap niya ako bigla. Mahigpit. Wala sa loob na napayakap rin ako. Ibang-iba sa pakiramdam na mayakap ka ng sarili mong ina kaya sinulit ko 'to kahit wala pa sa plano ko ang magpakilala. "Mrs. Mariano, ayos lang po ba kayo?" pag-uulit ko. Humigpit ang pagkakayakap niya sa'kin. Naramdaman ko rin ang luha na tumulo sa mga mata ko nang marinig ko ang mahina niyang boses bago siya mawalan ng malay... "Watashi no... musume. A-Ariel..." (Anak ko. Ariel.)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD