Habang kumakain kami ay nakatuon lang ang atensiyon ko sa pagkain. Naririndi na rin ako sa usapan nilang sila lang naman anag kinikilig. Sila lang ang natutuwa.
“Mare, parang ang cute siguro ano kung may baby na agad,” wika ni mama. Kaagad na napahigpit ang hawak ko sa tinidor ko.
“True, kahit advance na lang sana ang baby ano,” sabat naman ni Tita Sarah. Katabi ko si Jeremiah naa nakangiti lang. Sa inis ko ay pasimple ko siyang siniko. Natigilan naman siya at kunot ang noong tiningnan ako.
“What?” mahinang tanong niya. Inikutan ko naman siya ng mata.
“Mag-usap tayo mamaya,” saad ko. Nagkibit-balikat naman siya. Nagpatuloy na naman sila sa panunukso sa ‘min. Sumasakit ang ulo ko walang ‘ya.
Pagkatapos nga naming kumain ay nauna na akong tumayo. Sinenyasan ko naman si Jeremiah na sumunod siya sa ‘kin.
“Excuse me everyone, my soon-to-be wife needs to talk to me,” wika niya. Natigilan naman ako. Lintik na lalaking ‘to. Pinasunod ko nga sa ‘kin para hindi issue in-announce pa. Kukunyatan ko talaga ang itlog niya mamaya.
“Daisy, huwag mong rape-pin ang asawa mo ha. Huwag mong pikutin, hintayin niyo munang maikasal kayo,” saad ni mama.
“Mama ano ba?” saway ko sa kaniya. Nagtawanan naman sila lalo na ang lola ko. Kitang-kita ang tuwa sa mukha nila dahil nangyari ang childish eme na ‘to. Nauna na akong naglakad palabas at sumunod naman siya. Hinintay ko siya na makalapit. Ang kaninang masayang mukha ngayon ay biglang naging suplado na.
“What?” aniya. Natawa naman ako nang pagak.
“Alam mo ang plastic mo. Akala mo kung sinong masunuring anak at sobrang bait na anak,” wika ko. Nginisihan naman niya ako.
“Hindi ko kasalanan kung nagigipit ka sa sitwasiyon mo. You agreed to this stupid arranged marriage so bear with it,” aniya.
“Talaga lang ha! Kung sana umayaw ka wala tayong problema,” wika ko. Nilapitan naman niya ako kaya napaatras ako. Ang tangakad niya kasi.
“It’s a great honor for you that I agreed to be your arranged husband. How unfortunate for me that it’s you I have to marry,” sagot niya. I can’t believe him. This dumb piece of s**t.
“Are you hearing yourself? Ang taas naman masiyado ng tingin mo sa sarili mo, hello? Akala mo kung sino ka. Mas malas ako at sa dinami-rami ikaw pa. kahit pulubi papakasalan ko huwag lang ikaw. Napakaarogante mo. Akala mo ba ikinaguwapo mo ‘yan ha?” singhal ko sa kaniya.
Ngumiti naman siya kaya lalo akong nainis sa mukha niya.
“I definitely knew how handsome I am. Women can testify,” sagot niya. Napipilan naman ako at ipinikit ko ang mata ko sa labis na pagkainis. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin. Talagang na-speechless ako sa kakapalan ng mukha niya.
“Are you hearing yourself?”
“Loud and clear,” sagot niya. Napapikit ulit ako dahil hindi ko kinakaya ang ugali niya ngayon. Napaka-plastic ng tarantadong ‘to. Kanina lang ang bait-bait niya. Huminga ako nang malalim at hinarap siya.
“Look, halata namang aayw mo sa ‘kin at halata ring ayaw ko rin sa ‘yo,” wika ko.
“Sorry but I can’t see it the way you do,” he interrupted. Pakiramdam ko ay umusok ang bunhunan ko sa sinabi niya.
“What do you mean? Na gusto kita? Hoy! Gumising ka nga mukhang nananaginip ka,” saad ko. Kung kunyatan ko kaya ang itlog niyang tarantado siya. Namulsa naman siya at tumingin sa ‘kin nang deritso.
“Ikaw ang may sabi, hindi ako. I vividly remember how you confessed to me way back then,” aniya.
“Ano ba?” singhal ko sa kaniya.
“Relax, ang init kasi ng dugo mo sa ‘kin,” saad niya.
“I don’t have the reason to say no. I’m single and women don’t interest me at all. Alam ko rin naman na kahit humindi ako wala rin akong magagawa. But of course, we can negotiate. I am open for negotiation,” wika niya. Kumislap naman ang mata ko sa sinabi niya.
“True ‘yan?” paninigurado ko. Tinitigan niya ako kaya agad na nakaramdam ako ng pagkailang.
“Why do you look so happy? Are you with someone?” tanong niya. Tikom naman ang bibig ko. Hindi kami close at baka sabihin niya pa s apamilya naming ang tungkol sa hidden life ko eh ‘di talo ako. Tumikwas ang kilay niya at nagbuntong-hininga.
“Fine, I get it. After the wedding, we can negotiate. Pag-usapan natin ang set-up natin soon. We’re both in our last year in college so marami tayong dapat isaalang-alang,” aniya. Itinaas ko naman ang aking hinlalaki. Ngumiti naman siya na tila ba may nakakatawa sa ‘kin.
“Ano’ng nakakatawa ha?”
“Your ears?” sagot niya. Napahawak naman ako sa taenga ko at inirapan siya. Tinatarantado na naman niya ang taenga ko kahit hindi naman siya inaano. Akala niya siguro ikinaguwapo niya.
“Naiinis na ako sa ngiti mo. Baka tanggalin ko ‘yang bibig mo,” inis kong saad at tinalikuran na siya. Ramdam ko naman na nakatingin siya sa ’kin kaya hinarap ko at pinakitaan ko ng pinky finger.
“Sa susunod middle finger na kaya umayos-ayos ka,” banta ko at pumasok na sa loob. Kaagad na sumalubong sa 'kin ang nakakalokong ngiti ni Lilac.
“Uy, ang sweet niyo ah. Mukhang may napagkasunduan na kayong dalawa. Saan ang honeymoon?”
Sa inis ko ay nabatukan ko na siya.
“Aray! Mommy oh!”
“Ano na naman ‘yan, Daisy? Ang tatanda na para pa ring mga bata,” saad ni mama. Rinig ko pa ang tawanan ng magulang ni Jeremiah. May mga bagay lang talaga ako ngayong iniintindi. Hindi puwede kasi wala naman akong choice. Pero alam ko namang darating din ang araw na puwede na.