Chapter 3

2517 Words
Naglalakad ako papunta sa room ko. Nu’ng nakaraan ay tinulungan ako ni Lilac na mag-enroll. Habang naglalakad nga ay may nakasalubog akong grupo ng mga lalaking nagtatawanan. Akala mo mga hari ng kalsada. Pero in fairness naman may maipagmamalaki naman ang mga mukha nila. Dumaan lang din ako sa kanila nang may tumawag sa apelyido ko. “Escobar!” Kumunot ang noo ko at napalingon. Kaagad na nakangising mukha ni Jeremiah ang sumalubong sa ‘kin. Ang walang hiya! Tinaasan ko naman siya ng kilay. Pati mga kasama niya ay napatingin sa amin. Rinig ko pa ang tuksuhan nila as if natutuwa ako. Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy na sa paglalakad. Nang makarating sa room ay kaagad na naghanap ko ng bakanteng upuan. Handang-handa na akong simulan ang araw ko na may matututunang maganda nang lapitan ako ng isang petite na babae. “Daisy?” aniya. Pagod na nilingon ko naman siya. Nagulat pa ako nang hawakan niya ang kamay ko at ngumiti na parang aso. “Ikaw nga, naaalala mo pa ba ako?” tanong niya. Kinunutan ko naman siya ng noo. Wala ako sa mood na mag-reminisce ngayon. “Ako ‘to si, Beth Dimasuklam in short Babing. Magkaklase tayo nu’ng grade four. Naalala mo pa? Iyong alam mo na,” wika niya. Napaisip naman ako at sobrang pamilyar nga niya sa ‘kin. “Ah! Ikaw iyong tumae sa room,” saad ko. Kaagad na nasira naman ang bakas ng mukha niya. “Ito naman, hindi mo naman kailangang ipagsigawan. Puwede mo namang hinaan ang boses mo,” saad niya at umupo sa tabi ko. Napakamot naman ako sa ulo ko. Hindi ko in-expect na siya pala ‘yon. “Ang laki ng ipinayat mo,” wika ko. “Siyempre, ayaw ko ng maulit pa ang nangyari noon. Ang mga valedictorian nakakalimutan, pero kaming mga tumae hindi kaya never again. Hindi puwedeng maulit iyon,” sagot niya. Natawa naman ako. Sa bagay may ponto naman siya. “Bakit ka pala bumalik? Ang balita ko ay nasa ibang bansa ka,” aniya. Paano niya naman nalaman? “Alam ko ang tinging ‘yan. Siyempre hindi ako nahuhuli sa balita. Alam mo bang may gaganapin na reunion ang batch natin ha? Wait ia-add kita sa GC ng batch natin. Panigurado marami ang natutuwa. Hindi pa nila nakakalimutan nu’ng nag-confess ka kay, Jeremiah eh,” sambit niya. Sinamaan ko naman siya ng tingin. Naiwan sa ere ang ngiti niya at alanganing tumawa. “Ha ha, m-mas nakakahiya iyong nangyari sa ‘kin. S-So ew,” dagdag niya pa. Umayos naman ako sa pagkakaupo. “Pero aware ka naman na dito rin nag-aaral si, Aya ‘di ba? Crush ng campus ‘yon kaso walang jowa.” “So?” “So may chance ka na ring jowain siya. Maganda ka, matalino, at na sa’yo na ang lahat. Ano pa ba ang hahanapin niya? T’saka naalala mo si, Marice? Siya ‘yong crush ni Aya noon ‘di ba? Naku! Hindi nag-glow up. Nag-glow down at hindi na pinapansin ni, Aya ngayon. Para na ngang hangin eh,” kuwento niya. Tumaas ang kabilang kilay ko at ang tenga ko pakiramdam ko ay may pakpak eh. “Ano’ng nangyari? Hindi ba naging sila nu’ng high school?” usisa ko. Nilingon naman niya ako at nginisihan. “Uy! Interested,” tudyo niya. “Para kang tanga. Huwag na nga lang. Magkukuwento ka tapos ngayong interesante na ako tutuksuhin mo ako, okay ka lang ha?” saad ko. “Ito naman, high blood ka naman kaagad. Huwag kang mag-aalala at baka para sa ’yo talaga si, Jeremiah. Alam ko naman gusto mo pa rin siya. Iba ang kislap ng mata mo,” aniya. “Kung masapak kita paniguradong iba na rin ang kislap ng mata mo,” sagot ko. “Ito naman, joke lang eh. Hindi ka naman mabiro. Pero iyon na nga. Naging magjowa sila ng ilang taon pero wala rin kaming ideya kung ba’t sila naghiwalay. Alam mo naman si, Marice ‘di ba? Parang pinsan iyon ng mga birhen. Ikaw naman kasi parang pinsan ni, Lucy,” wika niya. “Lucy?” “Oo, Lucifer. Ang maldita mo eh,” aniya. Kaagad na nabatukan ko naman siya. Tumawa naman siya na para bang tuwang-tuwa siya. “Basta nalaman na lang namin na wala na sila. Hindi namin knows kasi ang alam namin legal sila both sides eh. Ano ka ba naman, hindi bale isasali kita sa samahan namin sa group chat. Nandoon lahat ng mga chismis na updated para hindi ka nahuhuli. Kakapagod magkuwento,” reklamo niya. “Hindi naman kita tinatanong. Ikaw ang nagkusang magkuwento sa ‘kin. Bumalik ka na sa table mo,” untag ko. “Ayaw ko, ikaw na ngayon ang BFF ko. Hindi na ako babalik sa table ko,” sagot niya. Pakiramdam ko ay biglang kumirot ang aking sintido. “Please, Bibang,” saad ko. Hindi naman siya nakinig. Huminga ako nang malalim. Pumasok na ang professor namin kaya nagsimula na rin ang klase. “Palit tayo,” aniya. “Ha?” “Ako riyan sa seat mo please. Malapit ka lang sa window at diyan dumadaan ang grupo ni, Jeremiah. It’s a good chance to see them this near,” saad niya. Napapikit naman ako at hindi siya pinansin. “Bahala ka.” Nag-focus na ako sa papel ko at sinagutan ang post-test ng professor naming busy sa kaniyang cellphone. Mukhang nagti-t****k nga eh. Lumipas ang ilang minuto at siniko ako ni Babing. Kumunot naman ang aking noo at napalingon sa ininguso niya. Sakto namang paglingon ko ay ang mukha ni Jeremiah ang sumalubong sa ‘kin kasama naman niya ngayon ang kasama niya kanina pero tatlo na lang sila. Bagay sa kaniya ang puting uniform at ID. Clean and bright. Lalo siyang gumuwapo at litaw na litaw ang kagandahan ng facial features niya. “Kumurap ka naman,” ani Babing sa ‘kin. Inirapan ko naman ang bwesit na Aya na ‘yon at nagpokus na sa papers ko. Hindi siya nakakatuwa. “Hindi ka pa rin nakapag-move on?” usisa ni Babing. Isa pa ‘to. Pagtingin ko sa test paper ko ay mali-mali ang sagot. “Kung gawin kaya kitang eraser nitong ball pen ko,” banta ko sa kaniya. Mabilis na tumahimik siya at bumalik sa kaniyang ginagawa. Iniinis na naman niya ako eh. Pagkatapos nga ng subject namin ay inaya na ako ni Babing na pumunta ng cafeteria. Sumunod na rin ako at nagugutom din naman ako no. Habang naglalakad kami ay may mangilan-ngilan ang napapalingon sa ‘kin. Wala naman akong pakialam sa kanila. “Kakaiba ang ganda mo. Kaya ikaw na ngayon ang BFF ko kasi pansinin ka,” wika niya. Wala talagang preno ang bibig ng babaeng ‘to. Talagang isinaboses pa niya. Bumili lang ako ng carbonara at lemon juice. Wala na akong klase mamaya kaya may oras pa ako para magliwaliw. “Daisy, nakatingin sa ‘yo si, Aya oh,” wika ni Babing. Napalingon naman ako sa likod ko at nakita nga siyang kapapasok lang ng cafeteria. “So?” “Alam mo parang may something akong napapansin sa inyong dalawa eh. Itinadhana talaga kayo. Isipin mo from elementary nagkakilala kayo tapos high school bigla kang nawala until ngayon. Parang biglang nag-abot ang ways niyo,” aniya at parang kinikilig pa. Kinaltukan ko nga. “Kumain ka na lang,” saad ko at nagpokus na sa aking kinakain. Bandang hapon ay umuwi na ako sa bahay. May dinner mamaya sa bahay at alam ko naman kung sino ang pupunta kaya wala akong paki. Magkukulong ako sa kuwarto ko. Magtutulog-tulugan para hindi ko makita ang aroganteng ‘yon. Kahit guwapo siya he’s still getting on my nerves. Hindi na mawawala ang inis ko sa kaniya period. Tuwing nakikita ko ang mukha niya parang napakasarap umbagin eh. Humiga na ako sa kama ko at nag-cellphone. Nakita ko naman ang pag-add sa akin ni Babing at may mga GC pa na nagpa-pop-up sa messenger ko. Sunod-sunod kaya nilagay ko sa mute until I turned it on. Binasa ko ang chats nila sa GC ng batch namin at puros naman kalokohan. May nangumusta pa sa ’kin nang makitang nag-seen ako. I’ve sent an emoji at wala akong panahon na sasayangin sa kanila. Pero inaano talaga ako ng kyuryusidad kasi nagtitsismisan sila. Wala rin naman akong balak lumabas dahil pagabi na paniguradong mamaya lang ay nandito na naman ang damuhong ‘yon. Nag-lock ako ng pinto ng aking kuwarto at natatawa na lang ako sa mga conversations nila. Nag-back read ako at ilang buwan pa naman bago ang reunion namin. Excited na rin ako at kung kumusta na rin sila ngayon. Ni hindi ko namalayan na alas-siyete na pala ng gabi. Ilang saglit lang ay may kumatok na. “Ate? Labas na at nandito na ang fiancé mong pogi. Iyong crush mo sige na, lumabas ka na.” Rinig na rinig ko ang boses ni Lilac na sobrang sakit sa tenga. Hindi ko iyon binuksan at nagtalukbong ako ng kumot habang nakikibasa sa mga chats nila. “Ate? Huwag mo na raw hintayin na si, Mommy ang pupunta rito at matitikman mo ang palo niya,” sigaw niya sa labas. Napaikot ko naman ang aking mata at bahala siya. “Ate! Whohooo!” Nagkunwari naman akong inuubo at sumagot. “M-Masama ang pakiramdam ko ang init kasi kanina sa school. Kayo na lang muna at magpapahinga muna ako. Baka mahawa ang bisita natin,” sagot ko. “Okay,” sagot ni Lilac. Napangiti naman ako at naghintay ng ilang minuto bago inalis ang kumot. Sumandal ako sa headboard ng kama at huli na nang bumukas ang pinto at nakangising mukha ni Lilac ang tumambad sa ‘kin. Hawak-hawak ang susi. “Akala mo siguro wala akong duplicate ano? Hindi mo ako maloloko, Daisy E. Akala mo ha,” wika niya. Ramdam ko ang pagtaas ng presiyon ko. “Lilac!” I shouted. Nagkibit balikat lang naman siya at nilapitan ako. Hinila niya pa ako pababa ng kama. “Ano ba?” reklamo ko. “Magbihis ka na kasi. Nakakahiya naghihintay roon sina, Tita Sara,” aniya. Napapikit ako at pilit na kinakalma ang sarili ko pero naiiyak na lang ako kapag pinipilit ko. “Kung bakit kasi ako pa? Lintik na buhay ‘to oh!” inis kong saad. “Daisy...” Napalingon naman ako sa pinto at nakita roon si Mommy at Jeremiah. Seryoso lang ang mukha nila pareho. Kaagad na nakaramdam ako ng kaba. “M-Mommy,” mahinang wika ko. “Hijo, pasensiya ka na ha. Kakausapin ko lang saglit si, Daisy,” aniya. Tumango naman si Jeremiah at mukhang umalis na. Kita ko ang galit sa mukha niya at mabilis na nilapitan ako. Napahiyaw ako sa sakit nang kurutin niya ako sa singit. “Lintik na batang ‘to! Nakakahiya! Talagang sa harap pa ni, Jeremiah,” aniya at halatang galit na. “Daisy huwag mo namang ubusin ang pasensiya ko,” frustrated niyang sabi. “Mommy! Alam mo namang ayaw ko ‘di ba?” saad ko. “Eh ‘di noon pa lang sana pinanindigan mo na. Hindi iyong kung kailan tumagal na ang kasunduan t’saka ka aayaw. Pinapahiya mo ang pamilya natin. Ano na lang ang iisipin nila ha?” singhal ni mama. Hindi naman ako makaimik. “The shame will always be on us. Alam mo kung ano ang kapalit nito kapag umayaw ka. We already told you. Alam mo kung anong angkan mayroon ang pamilya ng ama mo. Stop being so hard headed. Ano pa ba ang kailangan naming gawin para pumayag ka ulit ha?” Nakatingin lang ako kay mama at naiiyak na siya habang nakatingin sa ‘kin. She’s pissed. I made her mad. Napahawak siya sa ulo niya at huminga nang malalim. “You won’t adhere to what we have discussed before, right? Fine, bumaba ka at humingi ka ng pasensiya sa parents niya. But never ever expect from me and your father that we’ll treat you the same. Hindi kami nagpalaki ng babaeng walang isang salita. You agreed to this already. Kung ano man ang dahilan mo para umayaw fine, just apologize to them. For wasting their time and for throwing away this chance. I’ll give you three minutes,” matigas niyang wika at suminghot t’saka umalis. Tiningnan naman ako ni Lilac at kita ko ang disappointment sa mukha niya. Napaupo naman ako sa kama at huminga nang malalim. What did I put myself into? Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin at huminga nang malalim ulit. “Can I come in?” Napatingin naman ako and it was him again. This brute! Hindi ko siya inimik pero pumasok din naman. “Feeling, hindi ako pumayag na pumasok ka sa kuwarto ko,” wika ko. “Ang ganda mong babae pero makalat ka,” komento niya. Sinamaan ko naman siya ng tingin. “Did I ask for your comment huh? Sinabi ko bang pumasok ka sa makalat kong kuwarto ha?” inis kong saad. “Chill, I’m not your enemy here. We’re both victims,” wika niya. Inirapan ko naman. “Why don’t you just agree on this marriage? It’s not as if walang annulment ang Pilipinas,” sabi niya. Tinaasan ko naman siya ng kilay. “May plano ka?” sambit ko. Tumango naman siya. “Look, I already told you I’m willing to negotiate with you. But, after the wedding only. Isipin mo na lang we’ll benefit big time after marriage. Ano ba ang kinatatakutan mo? You won’t even carry my surname since it’s not mandatory to carry mine,” saad niya. Lalong tumikwas naman ang kilay ko. “Sige, payag na ako.” Tumayo naman siya at namulsa. “Great! Now, apologize to your mom. You made her cry,” aniya. Nakonsensiya naman agad ako. I hurt her. “Damn it!” mura ko at sumunod na sa kaniya. Pagbaba namin ay tahimik lang silang lahat. Kita ko pa rin ang disappointment sa mukha nila. Hindi rin tumitingin si mama sa ‘kin. Fine, I messed up. Nakatayo naman kami sa harap nila. Tila naghihintay kung ano ang sasabihin namin. “Daisy has something to say,” aniya. Kumunot naman ang noo ko. Walang hiya parang ako pa ang mag-aaya ng kasal ah. “Ahm...” napalunok ako at tiningnan siya. Kinunutan niya lang ako ng noo. I look at my parents and sighed. “Fine, I agree. Payag na ako at hindi na magbabago ang isip ko, Ma, Pa. I will marry, Jeremiah. Kahit bukas pa to prove that I’m serious. I just hope that you won’t be mad at me anymore. I’m sorry, I was just so overwhelmed. Tita, Tito, I’m sorry if I hesitated,” wika ko. Kita ko naman ang pagngiti ni papa at mama. “It’s fine, Daisy. We understand,” nakangiting sagot ni Tita Sara. ----------------------------------------------------------- And I’m doomed. I never meant it that way. Hindi ko inakalang kinabukasan din ay ikakasal na kami sa kaibigan nilang judge. “f**k this life!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD