Nakatingin lang ako sa litrato namin ni Jeremiah na kararating lang dito sa bahay. Ang laki ng frame at halatang pilit na pilit ang ngiti ko sa picture. Nakatingin lang ako doon at napailing.
“Huwag na kasing magsisi, ikaw na mismo ang nagsabi kahapon na papakasalan mo siya agad. Hindi mo kasi alam kung paano mag-isip ang mga magulang natin,” ani Lilac. Sinamaan ko naman siya ng tingin.
“Oo nga pala, kung hindi mo pa alam mukhang inaasikaso na nila ang honeymoon niyo since malapit na rin ang sem break. Yiiee, makikita mo na ang langit sa lupa,” aniya. Na akala naman niya ay ikinakilig ko.
“Kung kaltukan kaya kitang atribida ka,” inis kong wika. Ngumisi naman siya.
“You can’t do that anymore. Malalagot ka kay, Mommy,” sagot niya. Umayos ako sa pagkakaupo at tinapunan ng throw pillow ang picture frame.
“What are you doing?” Mabilis na napatayo ako nang makita si mama na palapit sa ‘min. Nagmamadaling kinuha niya ang unan at sinamaan ako ng tingin.
“I thought we are okay? Akala ko ba nagkakaintindihan na tayo, Daisy. What is this?” aniya. Huminga naman ako nang malalim.
“Ma, Mom, Mommy, whatever. Alam mo namang kahit anong gawin ko riyan walang mangyayari. I’m married, ano pa ba ang hindi natin pinagkasunduan?” Frustrated kong tanong sa kaniya. She looked at me intently and smile.
“Well, maybe it’s time for you to live with Jeremiah. Sa bahay niyo talaga. Kailangan niyo ng bumukod dahil may personal life na kayo. You’re married at hindi maganda na wala kayo sa iisang bahay,” aniya.
Natigilan naman ako at napailing. Parang may kung anong bumara sa taenga ko at hindi ko siya marinig nang maayos.
“W-What?”
“See Ate? Sinabihan na kita eh. Yiieee, may bahay na kayo ng crush mo. Akalain mo iyon crush mo lang dati, asawa mo na ngayon,” tukso sa ‘kin ni Lilac.
“Ma!” reklamo ko.
“What?”
“Hindi ako papayag diyan. Hindi puwede, I am not leaving this house. Pamilya ko kayo pero bakit niyo ako tinutulak palayo?” naiiyak kong tanong.
“Wala ng reklamo-reklamo pa, Daisy. Your clothes were there already. Get your personal things na kakailanganin mo pa at umuwi ka na sa bahay niyo. It was just few blocks from here so maglakad ka na lang. Lilac, ihatid mo ang Ate mo sa labas. And after that lock mo ang gate. Huwag mong hahayaang makapasok dito sa loob, okay?”
“Yes Mommy,” sagot naman ni Lilac. Inis na tiningnan ko naman siya. Tumayo siya at tinulak na ako palabas.
“Ano ba? Ang sasama niyo! Hindi niyo ako pamilya kung ituring. I’m so mad,” sigaw ko.
“Bye Ate,” wika ni Lilac at pinagsarhan na ako ng gate. Kumakaway pa siya sa ‘kin.
“This is your chance Ate. Huwag mo ng palampasin, okay? Enjoy sana maging masaya ang marriage niyo,” aniya pa at umalis na. Tinalikuran na niya ako. Napayuko ako at huminga nang malalim.
“Bakit ang dali lang sa kanila na palayasin ako? I grew up here tapos bigla-bigla paaalisin nila ako? They’re too much! Pagsisisihan. Iyong itinakwil niyo ako!” I shouted. I want to cry. Pesteng luha rin ayaw lumabas.
Naglakad na lang ako papunta sa bahay kung saan nandoon na rin ang damuho. Pagdating ko nga ay hindi pa naaayos ang mga gamit. Nakaupo lang siya at kumakain ng Korean ramen noodles. Pabagsak na umupo ako sa couch at humalukipkip. Alam kong kitang-kita niya na hindi mai-drawing ang mukha ko ngayon sa sobrang pagkaasar. Tiningnan niya ako at hindi man lang ako inaya.
“Sarap?” usisa ko. Nagkibit-balikat lang naman siya.
“Hindi mo ako tatanungin baka gusto ko ring kumain niyan?” tanong ko pa ulit.
“Magluto ka kung gusto mo,” sagot niya.
“Aba’t!”
Napapikit ako at pinipigilan ang inis ko para hindi ko siya masapak. Huminga ako nang malalim at nginitian siya.
“Ang sama talaga ng ugali mo plastic,” inis kong saad. Bored na tiningnan naman niya ako.
“Who cares?” aniya. Parang puputok ang bunbunan ko sa kaniya. Napaka-plastic niya! Nu’ng nakaraan ay kunwari ang bait-bait niya. I should have known better.
“Gusto ko lang malaman mo na hindi ko ginustong tumira sa isang bahay kasama ka,” wika ko.
“Who asked?”
Lintik na taong ‘to!
“Sinabi ko lang para aware ka,” sagot ko. Tumango naman siya.
“About sa negotiation...”
May kinuha siyang papel at ballpen sa gilid niya at ibinigay iyon sa ‘kin. May mga nakasulat na roon.
“Crash out mo lang ang mga hindi mo magustuhan o kaya sabihin mo lang at pag-usapan natin,” aniya at humigop na naman sa ramen niya. Pati ako napapalunok na lang kasi wala pa akong kain. Kinuha ko naman iyon at binasa. In fairness okay naman maliban sa house chores.
“Bakit tulungan tayo?” tanong ko.
“Really? What do you want? Scheduled? Buti nga naisip ko pang tulungan tayo para fair and square. Pero kung gusto mo ng scheduled it’s fine with me too,” aniya. Pinaningkitan ko siya ng mata.
“Hindi kaya gusto mo ng shared chores dahil gusto mo akong makasama?” saad ko. Inaano ko lang siya niloloko ba. Tiningnan niya naman ako at nginitian.
“Partly yes, I just want to spend more time with you,” sagot niya. My jaw dropped with his answer.
“Bakit parang gulat na gulat ka? Sabihin mo na rin kasi na you’re looking forward to the chores. Kunwari ka pa kasing ayaw akong kasama,” pahaging niya.
“Hoy! Excuse me!”
Natawa lamang siya nang pagak. This man!
“You’re getting into my nerves, seriously,” saad ko. Nagkibit balikat naman siya.
“Nakalimutan mong idagdag na hindi puwedeng malaman ‘to ng school. Open secret natin ‘to. Ayaw kong malaman nilang ikinasal ako sa isang damuho. And we did not agree about when will this marriage will end,” wika ko. Tiningnan naman niya ako.
“We’ll see, sa ngayon mahirap pang magsalita nang patapos. Why don’t we let three months pass first before we make a decision?” aniya. Napaisip naman ako. Para sa ano? Alam naman naming pareho na walang patutunguhan ang kasal na ‘to.
“Don’t get me wrong. Masiyado namang maaga kung maghihiwalay tayo agad. Don’t you think it’s too suspicious for them? Alam mo naman sigurong binabantayan nila ang galaw natin.”
Siangot na niya ang tanong ng utak ko.
“I know,” sagot ko kahit hindi naman ako sigurado. But knowing my parents napapailing na lang ako.
“Fine,” I surrendered.
“Madali lang naman akong kausap, Daisy. I know what you’re up to and as long as we’re okay, we understand each other and our parents doesn’t know about our set-up I don’t think we’ll have a problem in the future,” wika niya. Itinaas ko naman ang aking hinlalaki sa sinabi niya. Sabay na napatingin kami sa mga kalat sa paligid.
“How about we’ll hire a house helper?” saad ko.
“We’re still students and kaya naman natin ang bahay na ‘to. We already negotiated about the house chores. Alam kong makalat ka ever since so this is the best time for you to have your own growth,” aniya. Tumikwas naman ang kilay ko sa narinig.
“Are you saying that I’m makalat?”
“Ilang beses ko na ngang pinamumukha sa ‘yo,” sambit niya. Inis na tinampal ko naman ang braso niya.
“Ouch! Gawa ba sa bakal ang kamay mo? Ang sakit ah,” reklamo niya.
“Ang OA mo,” saad ko. Tumayo na ako at dumeritso sa kuwarto ko. One story house lang itong bahay namin pero malaki at malapad.
“That’s not your room, that’s mine,” untag niya. Nasa likod ko na pala siya. Pinaikot ko naman ang aking mata at dumeritso sa gilid. Pagpasok ko nga ay nandoon ang mga gamit ko. Napahilamaos ako sa aking mukha sa nakikitang kalat.
“Oh God! How will I clean this up? Hindi ko kayang maglinis ng buong kuwarto na ako lang.”
Napahiga ako sa kama at hinayaan ang utak kong mapunta kahit saan. Hanggang sa hindi ko na namamalayang nakatulog na pala ako. Nagising ako dahil sa katok ng pinto sa labas. Pupungas-pungas na umupo ako at paniguradong ang damuho na naman ang nasa labas. Problema kaya nito? Mabigat ang paang tumayo ako at binuksan ang pinto. Kaagad na tumambad sa ‘kin ang mukha niya.
“Ano ba? Kulang na lang sirain mo ang pintuan ko. Ano ba ang problema mo ha?” asik ko.
“It’s 6 pm already. Kailangan na nating magluto for dinner,” wika niya. Napatingin naman ako sa relos ko at oo nga. Bakit parang ang bilis ng oras?
“Pagkain lang naman pala eh halos sirain mo na ang pinto ko. Sa susunod dahan-dahanin mo lang ang pagkatok. Hindi porket marami kang pera ay ganiyan ka na. Ayusin mo ang ugali mo ha, hindi maganda ‘yan,” saway ko sa kaniya. Tiningnan niya lang naman ako at halata naman sa ekspresiyon niyang wala siyang paki.
“Order na lang tayo. Wala pa namang stocks dito eh,” saad ko at lumabas na ng aking kuwarto. Dumeritso ako sa sala at binuksan ang TV. Gusto kong mag-netflix and chill. Natigilan ako ng patayin niya ang TV.
“Anak ng---”
“I went to the grocery earlier. I bought some,” wika niya.
“Eh ‘di lutuin mo. Huwag mong sabihing hindi mo kaya?” asik ko. Hindi naman siya sumagot. Lintik!
Natawa naman ako sa reaksiyon ng mukha niya.
“Not funny,” sambit niya. Nagkibit-balikat naman ako. Tumayo na ako at pumunta sa kusina. Sumunod naman siya. Dapat lang dahil basta gawaing bahay dapat fair and square kami.
Tiningnan ko ang refrigerator at may nakita akong karne at iba’t-ibang gulay. Malinis ang pagkakalagay at talaga namang naaayon sa kung saan dapat ilagay.
“Ano ba ang gusto mong ulam?” tanong ko. Umupo naman siya at napaisip.
“Anything,” sagot niya lang.
“Hindi recipe ang anything. Mahihirapan akong lutuin iyan kaya dapat specific,” wika ko at inirapan siya.
“Sinigang,” sambit niya. Tiningnan ko naman ang mga ingredients at okay naman.
“Sige,” saad ko at kaagad na nag-browse sa internet ng mga recipe. Kinuha ko ang mga ingredients at inilagay sa ibabaw ng lamesa.
“What?” tanong ko sa kaniya. Kita ko sa mukha niya ang pagtataka.
“You know how to cook right?” he asked. What a stupid question. Hindi niya siguro alam na cookery student ako noon.
“Of course! Ano pa ang silbi ng internet sa buhay natin kung hindi natin gagamitin. I believe you can’t go wrong kung susundin mo lang ang recipe na nakasulat,” sagot ko.
“Make sense,” saad niya. Wala talagang bilib sa ‘kin eh. Kumuha na ako ng kutsilyo at chopping board.
“Siguro naman maalam kang humawak ng kutsilyo,” sambit ko. Tumango naman siya. Naghanap ako ng recipe sa youtube at marami naman ang lumabas. Pinapili ko siya kaya iyon ang sinunod namin. Tinulungan ko siyang gayatin ang mga gulay. Pero ang totoo ay taga-hugas lang talaga ako. Doon sa recipe na napili namin ay kailangang igisa muna ang karne. Nagtinginan naman kaming dalawa.
“Ako na ang gumayat ng gulay kaya mo na ‘yan,” aniya. Nag-abot naman ang aking kilay. Napakasama ng ugali.
“I don’t know how to cook,” dagdag niya pa. Napaikot ko naman ang aking mata at napalunok. Ang totoo ay taga-hugas lang din talaga ako ng gulay nu’ng cookery student pa ako. Hindi ako tumutulong magluto. Kinuha ko na ang casserole at binuksan ang induction stove. Una kong nilagay ang garlic, tomato, at onion. Napapiksi ako nang marinig ang pagkaprito nu’n.
“Did you put the ginger already?” tanong niya.
“Huh? May ginger ba sa recipe?”
“It’s optional pero mas okay raw ‘pag may ginger para mawala ang lansa ng meat,” sagot niya.
“Lagay mo na—Oh God! Aya the smoke,” saad ko at mabilis na pinatay ang stove. Nagkatinginan kami at parehong natahimik. Pagtingin ko sa iginisa ko ay okay pa naman.
“Is it fine?” usisa niya. Itinaas ko naman ang aking hinlalaki.
“Isabay mo na lang ang ginger at meat,” aniya. Tumango naman ako at nilagay na iyon. Binuksan ko ulit ang stove at sinunod ko talaga ang nasa video. And it turns great. Napangiti ako nang makitang malambot na ang karne and it looks appetizing. Inilagay ko na ang sinigang mix at sinunod ang mga gulay.
“Aya, tikman mo nga,” saad ko. Kita ko pang tila alanganin siya.
“Ano ba? Akala ko ba share tayo sa house chores. Ni sa pagtikim ayaw mo? Kung ito masarap talagang hindi kita bibigyan,” banta ko. Tumayo naman siya at lumunok. Ang kapal ng mukha. Siya pa talaga ang may ganang magdalawang-isip tumikim. Tinikman naman niya at naghihintay ako ng sasabihin niya.
“Parang kulang sa salt,” aniya. Kumunot naman ang aking noo.
“Tinikman ko kanina okay naman ah. Pero kulang sa asim,” saad ko.
“Eh ‘di sana ikaw na lang ang tumikim. Why bother asking me?” sambit niya.
“Galit ka?” inis kong tanong. Natigilan naman siya at tiningnan ako.
“I am not,” sagot niya.
“Dapat lang.” Tinalikuran ko na siya at tinikman ang sabaw. Kulang nga sa alat. Nilagyan ko ulit ng asin.
“Sa tingin mo ganito karami o kulang pa ‘to?” tanong ko sa kaniya.
“It’s up to you,” sagot niya. Sa inis ko ay hindi ko nilagyan ng asin. Kinuha ko ang isang pakete pa ng sinigang at ibinuhos iyon sa sabaw. Tinikman ko at para akong kinilig sa sobrang asim. Mukhang hindi na rin kulang sa alat. Medyo napasobra lang sa asim. Nilagay ko na ang kangkong at tinakpan iyon.
“Kain na tayo, luto na ‘to,” saad ko.
“Okay,” saad niya at naghain. Pumunta siya sa rice cooker at natigilan nang kunin niya ‘yon at sobrang gaan. Nagkatinginan kaming dalawa. We forgot to cook rice. Napatingin ako sa oras at alas-otso na. Kumakalam na ang sikmura ko.
“Iyan kasi, inaasa sa ‘kin ang lahat. Ako na nga nagluto mukhang ako pa ang pagsasaingin. Ano ka ba, Jeremiah?” singhal ko sa kaniya.
“Fine, I’m sorry. Hindi ako nakabili ng bigas kanina. Nawala sa isip ko,” sagot niya.
“Ano’ng kakainin natin? Hindi ako puwede sa puro ulam lang. Hindi ko kakayanin na walang kanin,” reklamo ko.
“Just wait,” aniya at may idinial sa cellphone niya.
“Mom? Can you send me cooked rice here? I forgot to buy earlier.”
Umupo lamang ako sa upuan at hinintay siyang matapos makipag-usap sa mama niya.
Umupo siya sa harapan ko at ilang sandali lang naman ay may nag-doorbell. Tumayo siya at nakangising may dalang silver ware na may lamang kanin.
“Dinner is served, let’s eat,” saad niya. Naghain na lang din ako ng ulam at kumain na kami. Unang subo niya ay mabilis na napaubo siya. Natigilan naman ako.
“Ano?” usisa ko.
“Too sour,” komento niya.
“May sinigang bang hindi maasim ha? Saan ka ba ipinanganak ha? Abnormal ka ba?” untag ko.
“Why are you getting mad? I’m the one eating bakit ba lagi kang nagagalit sa ’kin?” tanong niya.
“Nakakainis ang mukha mo eh may problema ka roon?”
Tiningnan niya lang ako at napailing siya sa ‘kin. He grinned as if something was really funny.
“Baka one day magka-crush ka sa ‘kin ulit,” saad niya. Kaagad na napatigil ako sa pagnguya ng pagkain ko at tiningnan siya.
“Gawa ba sa bakal iyang mukha mo ha? Sa sobrang kapal parang hindi na natatablan ng kahit ano eh. Masiyado kang kapalmuks.”
Tiningnan niya lang ako at nginisihan.
“Whatever.”
Nagpatuloy na kami sa pagkain. Napapansin ko ring napapadalas ang pag-inom niya ng tubig. Alam ko naman kasi talagang napasobra ang asim pero keri naman kahit papaano. Okay pa naman ang pantog ko.
“Masarap bang ulamin ang tubig?” usisa ko. Ngumuya siya at tumango.
“Maybe?” aniya at lumunok. Inirapan ko naman siya.
“Jeremiah, sinasabi ko sa ‘yo ha. Walang sino man ang puwedeng makaalam ng totoo tungkol sa ‘tin. Dapat alam natin ang mga hakbang natin para kahit papaano ay aware tayo sa mga puwedeng mangyari,” saad ko.
“As if, gusto mo lang namang malaman ang mga galaw ko. Don’t be possessive, Daisy. Asawa mo na ako, ano pa ba ang magagawa ng ibang babae?” sagot niya. Sadya kong itinaas ang aking mga daliri at in-exercise iyon. Gusto kong matikman niya ang bagsik ng mga kamay ko kapag dumapo na sa mukha niya.
“H-hey! I’m just joking,” depensa niya.
“Mabuti naman, ayusin mo ang lumalabas sa bibig mo ha at mukhang hindi ko gusto ang tabas ng dila mo,” wika ko. Ngumisi naman siya at tumayo na.
“Saan ka pupunta?” usisa ko.
“Daisy, Daisy, I’m going to wash my dishes. Huwag mo naman masiyadong ipahalata na nami-miss mo ako kaagad,” aniya. Pakiramdam ko ay sumipol na ang bunbunan ko sa inis.
“Calm down, hindi ako lalayo. See? I’m just a meter away from you. I’ll take care of myself and sisiguradohin ko rin na hindi ko masasaktan ang sarili ko habang naghuhugas ng plato,” sagot niya. Sa inis ko ay mabilis na nilapitan ko siya at binatukan.
“Ouch!” reklamo niya. Pniguradong para na akong tigre sa galit ko.
“Ahh! Nakakainis ka talaga. Bwesit ka!” singhal ko.
“Ikaw na nga ‘tong may kasalanan sa ‘kin ikaw pa ang may ganang magalit? Ayos ka rin ah,” singhal niya pabalik.
“S-Sininghalan mo ako? How dare you?”
“You shouted at me first. I’m just returning the favor,” sagot niya.
Tinalikuran niya ako kaya mabilis na hinila ko ang braso niya.
“What now?” he asked and rolled his eyes.
“Don’t turn your back at me. Hindi pa tayo tapos mag-usap,” sambit ko.
Tiningnan naman niya ako at nginisihan. Pumantay siya sa ‘kin at pinitik ang noo ko. Napapikit naman ako sa sakit nu’n.
“Aray!”
“Relax, alam ko namang defense mechanism mo ‘yang pagmamaldita mo sa ‘kin para hindi kita pansinin. Nire-reverse psychology mo ako, Daisy. I knew it!”
“Ahhhh!”
Mabilis na kinuha ko ang kutsilyo sa gilid at hinabol siya. Kita ko naman ang pamumutla ng mukha niya.
“What the hell!” wika niya at kumaripas ng takbo papasok sa kuwarto niya.
“Lumabas ka riyan lintik ka! Akala mo ba talaga matatakasan mo ako ha? Ang kapal ng mukha mo!”
“Wake up early tomorrow and we’ll do general cleaning, goodnight my wife,” sigaw niya. Lalo akong naasar sa isinagot niya. Pinigilan ko na ang kamay ko na saksakin ang pintuan niya. Next time bibili ako ng palakol para if ever. Mas brutal ang palakol kaysa kutsilyo.