Chapter 5

3232 Words
Kinabukasan nga ay maaga akong nagising. Una kong ginawa ay i-check ang cellphone ko at manood ng mga unnecessary videos sa f*******:. Sa ganoong paraan ko inuubos ang aking oras kapag weekends. Malimit akong lumabas dahil tinatamad ako. Natatawa ako sa mga pinapanood ko nang biglang mawala ang internet connection. “Ay putcha!” Napabangon ako at napabuga ng hangin. Wala na, sira na ang araw ko. Pumunta na ako ng banyo at nag-toothbrush. Paglabas ko ng kuwarto ay nakita ko si Jeremiah na inaayos ang buhok niya. Basa iyon at mukhang kaliligo lang. “Pinatay mo ang internet?” tanong ko. Tiningnan niya lang ako at tinanguhan. Pumameywang naman ako at nilapitan siya. “Alam mo bang internet na lang ang kasiyahan ko ha?” Tiningnan niya lang ako. “So? Who cares? I told you to get up early dahil magje-general cleaning tayo,” sagot niya. Napahawak ako sa ulo ko at inilingan siya. “Seriously?” “Look Daisy, kailangan nating magtulungan. We have to do this. Walang ibang gagawa nito para sa ‘tin. You wanted a house helper for what? Para may maka-report sa magulang natin kung ano ang nangyayari rito? Iyon ba ang gusto mo?” aniya. May point naman siya kaya natahimik ako. “Natahimik ka?” tanong niya. I heaved a sigh and look at him. “Oo na, tutulong na,” sagot ko. He smiled at me wryly and went inside his room. Naiwan naman ako sa sala. Pasalampak na napaupo ako sa couch at akmang pipikit pa nang tamaan ako ng feather duster. “Ano ba?” reklamo ko. “Clean the shelves baka may mga alikabok na. Help me with the others too when you’re done,” wika niya. Akmang magrereklamo pa ako nang magsimula siyang magbubuhat ng mga kung anu-anong bagay. Hindi na rin ako nag-amok ng away at baka ako pa makalinis nitong lahat. Pagkatapos ko ngang linisin ang mga inutos niya ay kita ko namang nakatingin lang siya sa malaking picture frame na may mukha naming dalawa. “Isasabit mo ‘yan diyan?” tanong ko. Nilingon naman niya ako at sabay kaming nagsitaasan ang kilay. “Huwag mo na ilagay ang pangit ng mukha mo,” saad ko. “Hindi bale na, maganda naman ang katabi ko,” aniya at nginitian ako. Hindi naman ako nakaimik. Pasimple ko siyang inirapan dahil parang naaaning na rin ang utak ko’t gusto kong ngumiti. “Baliw ka,” sambit ko at kaagad na tumalikod. I bit my lips to stop myself from smiling. “Ito, sa tingin mo nasa gitna na ba siya?” Napatingin naman ako sa ginagawa niya. “Gilid mo kunti sa kanan,” saad ko. Sinunod naman niya. “Sige, sige, oops! Napasobra. Kaliwa nang kaunti tapos hilahin mo pababa. Hayy naku! Huwag naman sobrang hila. Sakto lang, ganiyan nga. Oops! Ayan.” Nang matapos niyang maikabit sa dingding ay umupo na siya sa couch. Malinis na ang sala at okay na rin naman ang kusina. Ang kuwarto ko, mabilis na lang iyon. “Nagugutom na ako. I think I did not conserve my energy wisely,” aniya. Tumikwas naman ang aking kilay. “Sa labas na lang tayo kakain. Wala rin naman tayong bigas na puwedeng isaing eh,” saad ko. “We’ll do grocery shopping after,” dagdag niya. Tumango naman ako. Tumayo na ako para makaligo at makapag-ayos na rin. “Where are you going?” usisa niya. “Maliligo, aalis tayo ‘di ba?” sagot ko. Umiwas naman siya ng tingin sa ‘kin. “Make it fast, I hate waiting,” seryosong saad niya at naunang lumabas. Nagkibit-balikat naman ako. Pagpasok ko sa kuwarto ay kumuha na ako ng damit na susuotin ko at naligo. Puting t-shirt na malaki at brown na trouser ang suot ko. Pinaresan ko na rin ng flip flops. Lumabas na ako at baka umuusok na ang ilong ni Jeremiah sa kahihintay sa ‘kin. Pero paglabas ko ay nakaupo lang siya sa mini-bench sa gilid ng flower garden at hindi naman siya galit. Ang fresh niya pa ring tingnan in fairness. Hindi ko rin naman kasing maitatanggi na sobrang guwapo niya. “Enough staring at baka matunaw ako,” wika niya. “Heh,” tanging naisagot ko at sumakay na sa kotse niya. Bago kami bumaba sa kotse ay isinuot ko ang dala kong cap at face mask. Kumunot naman ang noo niya sa ‘kin. “Hello? Incase na may makakita sa ‘tin. Baka isipin nila magjowa tayo,” saad ko. “We’re not,” sabat niya. “Exactly,” sang-ayon ko. “We’re more than that, remember? We’re married now,” dugtong niya. “And we’re keeping it a secret,” sagot ko. Tumango naman siya. Bumaba na siya kaya bababa na rin sana ako nang pinagbuksan niya ako ng pinto. Nagulat naman ako. “Gentleman?” usisa ko. Hindi naman siya kumibo at isinara na iyon nang makalabas ako. Pumasok na kami sa mall at dumeritso sa isang restaurant. Nag-order na kami at kumain. Tahimik lang kami pareho kaya ang sarap sa pakiramdam. Pagkatapos naming kumain ay pumunta na kami sa grocery at kumuha siya ng malaking cart. Tinulak niya iyon at naunang pumunta sa dry goods. Nagtitingin-tingin na rin ako. Kumuha ako ng mantika, toyo, suka, at kung ano pang magagamit namin na pangkusina. Toothpaste, sabon, shampoo. “Pakilagay nga at kukuha ako tissue,” saad ko habang nakatingin sa mga brands. Nakatalikod ako sa kaniya kaya nagtaka ako kung bakit ang tagal niyang kunin ang inaabot ko. Magkasalubong ang aking kilay na hinarap siya. “Ano ba?” Nakatingin lang siya sa hawak kong sanitary pad. “First time mo makakita niyan? Lagi iyan ina-advertise sa TV. Ang OA mo,” saad ko. “I’m just wondering if you wanted non-wings,” sagot niya. Kumunot naman ang noo ko at napatingin sa nakuha ko. “Ahh, aba marunong ka ha. Mabuti na lang sinabi mo. With wings talaga ang kailangan ko,” nakangiti kong wika at ibinalik iyon sa estante. Kumuha ako ng with wings at kaagad na inilagay naman niya iyon sa cart. Kumuha na rin ako ng ilang rolyo ng tissue at hinahayaan niya lang din naman ako sa aking ginagawa. “Let’s go to the meat section,” wika niya. Tumango naman ako. Nakasunod lang ako sa kaniya. “Daisy!” Natigilan ako sa aking kinatatayuan at nanlalaki ang matang tiningnan si Jeremiah. “s**t! Mauna ka na at baka makita niya tayong magkasama,” nagmamadali kong saad kay Jeremiah. “B-But—” “Susunod ako lintik na ‘to. Sige na, shoo!” Nang umalis si Aya ay kaagad na nakahinga ako nag maluwag. Lumingon ako at kaagad na sumalubong sa akin ang nakangising mukha ni Beth. “Sabi ko na eh ikaw ‘to. Akala mo siguro no hindi kita makikilala. May pa mask-mask ka pa ha. Tapos na ang covid uy,” aniya. Bored na tiningnan ko naman siya. “What are you doing here?” usisa ko. “Naks! English hindi ako nakaiwas,” sagot niya. I rolled my eyes at her. Napatingin ako sa unahan at nakita kong namimili ng prutas si Jeremiah. “Sinamahan ko ang Mama ko na mag-grocery,” sagot niya. “Ahh, balikan mo na. Baka hanapin ka niya mamaya,” saad ko. “Ano ka ba? Ano ang akala mo sa ‘kin bata? T’saka mas gusto ni, Mama na iba kami ng way dahil magtatalo lang kami sa brands,” aniya. “Wala ka na bang ibang bibilhin?” tanong ko. “Wala naman pero baka mamaya may maisipan ako. Ikaw ha, parang napapansin kong balisa ka. May itinatago ka ba sa ‘kin ha? O kaya may kasama ka rito? Saan ha?” dugtong niya at napatingin pa sa paligid. Hinila ko na lang siya papunta sa ibang section. “Siguro kasama mo jowa mo no kaya nilalayo mo ako kaagad?” tukso niya sa ‘kin. Napairap naman ako. “Naiinis na ako sa Babing ha,” sabat ko. “Ito naman masiyadong magalitin eh. Alam mo nag-iba ka na talaga eh. Naalala ko pa noon ang bait mo. Mahinhin, matalino at sobrang dalagang Pilipina kung kumilos. Dami nagkaka-crush sa ‘yo noon eh,” wika niya. “Noon ‘yon, iba na ngayon,” sagot ko. “Sus! Binasted ka lang ni, Heigen nagbago ka na agad,” aniya. Bahagya ko nga siyang itinulak at naaasar na ako sa mga banat niya sa ’kin. “Bahala ka na nga. Hanapin mo na ang mama mo at may kailangan pa akong bilhin, bye,” wika ko at nagmamadaling umalis. “Sandali! Teka lang! Hoy! Daisy!” Hindi ko na siya pinakinggan at pumunta sa meat section ng grocery. Nakahinga ako nang maluwag nang makitang nandoon pa si Jeremiah. Parang kinikilig pa ang mga sales lady na nakatingin sa kaniya. Hindi ko sila masisisi ang guwapo eh. “Did she leave already?” tanong niya. Umiling naman ako. “Inilayo ko lang. Hindi ko kayang sabayan ang energy niya. Nanghihina ako,” sagot ko. “Beth is a good friend,” komento niya. “Close kayo?” “No, I can see right through her. Hindi siya katulad ng ibang kaklase mo,” aniya. “I don’t need friends. Siya lang naman ang kinakausap ko,” saad ko. “That’s good.” “Pero iyong mga circle of friends mo halatang ang hahangin. Sa mukha pa lang ang pepresko na ng awra. Halatang mga manloloko at walang patawad sa mga babae,” saad ko. “Sila lang hindi ako kasali,” sagot niya. “Ikaw nga ang leader nila eh hello?” Natigilan naman ako nang tumigil siya. Tumingala ako at t’saka ko lang napansin na nakatingin pala siya sa akin. “Should I blame myself for being too handsome?” wika niya. Napakurap-kurap naman ako at humikab sa harap niya. “Ang boring mo,” komento ko at iniwanan na siya. “H-Hey!” tawag niya sa ’kin. Hindi ko naman siya pinansin. Bahala siya sa buhay niya. Nang nasa counter na kami ay napapatingin pa ang cashier sa amin. Gusto ko siyang tanungin pero hindi ko na ginawa. Pagkatapos magbayad ni Jeremiah ay umuwi na kami. Napagod din ako kalalakad kanina kaya napaupo na muna ako sa couch. “Tutulong ako mamaya,” saad ko. Tumango lamang siya nang biglang tumunog ang kaniyang cellphone. Kinuha niya iyon at kita ko ang pagbabago ng emosiyon niya. Na-curious naman ako kung sino ‘yon. Walang pasabi na tumalikod siya at pumasok sa loob ng kaniyang kuwarto. “Sino kaya ‘yon? Nakakatakot ang ekspresiyon niya bigla.” Naghintay ako kung lalabas siya ulit pero wala talaga. Mukhang walang balak. Hindi ko siya bubungangaan ngayon kasi mukhang wala siya sa mood. Hindi ko naman siya totally kilala ano. Hindi kami close. Bale itong relasiyon namin ay pareho kaming nakikisama sa bawat isa. Mahirap na maging magkalaban kami. Nagpahinga lang ako saglit at pumunta na ng kusina. Nandoon lahat ng pinamili namin kaya ako na ang nagkusang mag-ayos nu’n. Inabot din ako ng ilang oras dahil sa bagal ng kilos ko. Napatingin ako sa relo ko at magagagabi na hindi pa rin siya lumalabas. Pinukpok ko ang likod ko sa bandang balikat dahil sumasakit. Napahiga ako sa couch at hindi ko namalayang nakatulog pala ako. Nagising ako dahil sa napakabangong amoy. “Hmmm...” Bumangon ako at napasandal sa couch t’saka binuksan ang aking mata. Kumukulo ang tiyan ko sa gutom. Tumayo ako at pupunta na sana ng kusina nang mapansin ang kumot na nahulog. “Hmm? Hindi naman ako nagkumot kanina ah.” Napaisip ako at sa tingin ko’y likas na gentleman nga siguro itong si Jeremiah. Inilagay ko na iyon sa couch at pumuntang kusina. Kaagad na tumambad sa akin ang nakatalikod na lalaking nakasuot ng puting jacket habang naka-apron na itim. Seryosong nakaharap sa stove at may niluluto. I was in total awe when I saw how graceful he was tossing the vegetables. “Wow!” I exclaimed. He turned to look at me and smiled a little. Nilapitan ko naman siya at napatingin ako sa niluluto niya. Mukhang masarap. “Teka, marunong kang magluto?” gulat kong tanong. Tumango naman siya. “Anak ng—bakit mo ako pinaluto kagabi? Ang sabi mo hindi ka marunong?” asik ko. “I just want to annoy you,” sagot niya. Napapikit naman ako at pinigilan ko ang aking kamay na huwag dumapo sa batok niya. Gutom na ako at baka hindi niya ako pakainin kapag ganoon. Kinabukasan ay gumayak na ako para pumunta ng university. Back to school na naman kami. Habang inaayos ang buhok ko ay napatingin ako sa aking cellphone. May message galing sa isang importanteng tao sa buhay ko. Napangiti ako at nag-reply na sa kaniya. Buo na agad ang araw ko. Lumabas na ako ng kuwarto at dumeritso sa kusina. Nakita ko naman si Aya na naghahain ng breakfast namin. “Good morning,” wika ko. Tumango lamang siya at naupo na. Nakamasid lang ako sa kaniya. “Sasabay ka ba sa ‘kin papuntang school?” tanong niya. Umiling naman ako kaagad. “Huwag na, magta-taxi lang ako,” sagot ko. Tumango naman siya. Nauna siyang matapos kaya kaagad na hinugasan niya ang kaniyang pinagkainan. Nagmadali na rin ako sa pagkain. “Don’t be late. I prepared another sandwich for you baka gusto mong baunin. If you don’t like it pakilagay na lang sa fridge. Una na ako,” saad niya at lumabas na ng kitchen. My eyes darted at the table. May nakabalot ngang sandwich doon. Napakaganda pa ng pagkakabalot. He’s the total opposite of myself. Ang layo-layo ng ugali naming dalawa. Akala ko living with him will be hell pero mukhang ako pa ang magpaparanas nu’n sa kaniya. “No, no. What are you thinking Daisy? Alalahanin mong siya ‘yong namahiya sa ‘yo noon. Bata man kayo noon pero hindi nu’n maiaalis na siya ang dahilan kaya ka nawalan ng kumpiyansa sa sarili mo,” kastigo ko sa ‘king sarili. Tinapos ko na ang pagkain ko at hinugasan ang plato. Kinuha ko na ang sandwich at inilagay iyon sa aking bag. Ini-lock ko ang pinto ng bahay at pareho naman kaming may spare key nitong bahay. Paglabas ko ng subdivision ay may taxi kaya nakasakay ako kaagad. Pagdating ko sa room ay sumalubong sa ‘kin ang napakalaking ngisi ni Beth. “Good morning, Daisy,” bati niya. Tinanguan ko lang siya bilang sagot ko sa kaniya. “Ay ganiyan lang?” aniya. Umupo na ako sa upuan ko at nahihiwagaan talaga ako sa inakto ni Jeremiah. “Lalim ng iniisip mo ah. Baka puwede akong mag-dive riyan.” Nilingon ko si Beth at nginitian. Kaagad na tumikwas ang kilay niya. “Natatakot ako sa ngiti mo.” “May tanong ako,” wika ko. “Ano ‘yon?” Nagdalawang-isip ako kung tatanungin ko ba siya o hindi na. Ang daming senaryo na nangyayari sa utak ko eh. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa kaniya na hindi magbo-boomerang sa ‘kin lahat. Baka isipin niya may something. “Sige na, tanungin mo na ako. Huwag mo akong binibitin at talagang makukurot kita,” banta niya. “Huwag na nga lang,” bawi ko. “Daisy ano ba? Ayaw ko na binibitin ako. Hindi ako mapakali kailangan malaman ko kung ano ‘yan dahil kung hindi mababaliw ako,” sambit niya. “Eh ‘di mabaliw ka,” sagot ko. “Grabe ang sama mo. Bahala ka na nga,” aniya at sinimangutan ako. Umayos naman ako sa aking pagkakaupo at hindi talaga ako pinansin ni Beth hanggang sa matapos ang klase namin. Malapit na rin ang break time namin at hindi niya pa rin ako kinikibo. Mukhang dinamdam talaga. Kinakain siya ng curiousity niya dahil ako rin minsan ganiyan din. “Hindi mo talaga ako tatanungin?” aniya. Umiling naman ako. “Fine,” saad niya. Pagkatapos ng klase namin ay tumayo siya at iniwanan ako. “T’saka na talaga kita kikibuin kapag magtatanong ka na seryoso ako,” saad niya pa. Naghintay pa talaga siya na magsalita ako kaso hindi ko na rin siya pinatulan pa. Umalis nan ga siya kaya naiwan na lang ako sa room. Tumayo na rin ako at kinuha ang sandwich sa bag. Naglalakad ako papunta sa susunod na klase namin. Iyon na rin ang silbing recess ko at tinatamad din naman akong pumunta sa cafeteria. Natigilan ako saglit sa pagnguya nang makita ko ang grupo ni Jeremiah na papalapit sa ‘kin. Mukhang papunta ring cafeteria. “Hi Escobar,” bati ng kaibigan niya sa ‘kin. Napaikot ko naman ang aking mata. Nagtama ang tingin namin ni Jeremiah at du’n siya mismo nakatingin sa hawak ko. Ang sandwich na pin-repare niya. Hindi naman niya ako pinansin kaya iyon din ang aking ginawa. Ngumiti lang siya nang kaunti. Pagdating ko sa room ay t’saka naman ako nakaramdam ng uhaw. Wala pala akong dalang puwedeng inumin. Titiisin ko na lang ang uhaw. Nagulat naman ako nang maramdaman ang malamig sa mukha ko. Tumingala ako at nakita ang guwapong mukha ni Aya. “A-Ano’ng ginagawa mo rito?” Umupo siya sa tabi ko. “We’re classmates,” sgaot niya. Kumunot naman ang aking noo. “Wala ako nu’ng nakaraan dahil in-excuse ako,” saad niya at inumang sa ‘kin ang hawak niyang mineral water. “Sa ‘kin na?” tanong ko. “Bayaran mo na lang. Alam kong nauuhaw ka na,” sagot niya. Imbis na matuwa ako sa kaniya. Alam na alam niya talaga kung paano ako inisin. Ininom ko na ang tubig at humalukipkip. “Bayaran kita mamaya sa bahay,” wika ko. Nag-abot naman ang tingin namin at may mapaglarong ngisi sa mukha niya. Kaagad na umayos naman ako sa aking pagkakaupo. “Ang creepy ng ngiti mo. Ano ba ang bayad na iniisip mo ha?” asik ko. Ngumiti lamang siya at hindi na nagsalita pa. “Parang tanga,” sambit ko at hindi na siya pinansin. Ilang sandali pa ay pumasok si Beth at maraming dalang pagkain. Napatingin siya kay Jeremiah na ngayon ay nakaub-ob na sa desk. Umupo siya sa unahan ko at humarap sa ‘kin. Inilagay niya ang mango shake sa harap ko. “Alam kong hindi ka pumunta ng cafeteria kaya binilhan na kita,” wika niya. “Akala ko ba hindi mo na ako kakausapin?” sagot ko. “Hindi ba puwedeng magbago ang isip ko?” sagot niya. “Isa pa mukhang alam ko na eh. May ideya na ako,” dagdag niya at kinindatan ako tapos tumingin kay Aya. Kaagad na naalarma ako. Akmang aalmahan ko ang sinabi niya nang umiling siya. “Huwag na,” aniya. “Mali ka ng iniisip,” sagot ko. “Hindi mo nga alam kung ano ang iniisip ko eh ikaw ha napaghahalataan ka tuloy,” saad niya at tinawanan ako. Ang galing niyang mang-inis. Pareho kaming natigilan nang makita si Marice at dumeritso ang tingin nito sa banda namin. “Bakit hindi ko alam na kaklase natin sila sa subject na ‘to?” mahinang tanong ko kay Beth. “Excuse sila nu’ng nakaraan,” sagot niya. Kumunot naman ang noo ko. Paanong excuse?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD