Ipinagsawalang bahala ko na lang nga iyon at nag-focus na sa klase pero hindi ko maiwasang tingnan si Marice na nasa harap namin. She looks better and pretty as always. Prim and proper kung tingnan at maganda talaga.
“Why do you keep on looking at her?”
Napalingon ako kay Jeremiah at hindi makasagot.
“Huh?” tanging nasambit ko. Tiningnan niya lang ako.
“Heigen, Escobar are you listening? Mukhang may sarili kayong mundo.”
Natigilan naman ako at nahihiyang napatingin sa paligid. Halos silang lahat ay nakatingin sa amin. Rinig ko pa ang panunukso ng iba.
“Uyy!”
“Mukhang muling ibalik ah,” ani Beth. Inikutan ko nga ng mata.
“S-Sorry po Prof,” wika ko at inis na tiningnan si Jeremiah na nakangiti lang. Parang ginusto niya pang napahiya kaming dalawa.
“Mamaya ka sa ‘kin sa bahay,” mahina kong saad. Sakto lang na siya ang nakarinig. Napatingin ako sa harapan at nagsalubong saglit ang tingin namin ni Marice. Ngumiti lamang siya nang tipid sa ‘kin. Tipid na nginitian ko rin siya pabalik. Hindi ko maintindihan pero lalo akong nawala sa mood dahil sa nangyari. I mean, aware naman ako na wala na talaga. Wala naman akong feelings para kay Jeremiah pero sa tuwing nakikita ko silang dalawa nabubuhay ang galit ko. Pakiramdam ko bumabalik ako sa pagiging elementary student ko. Buhay pa rin ang galit ko sa kanilang dalawa. Hindi nila ako masisisi eh sa iyon talaga ang nararamdaman ko eh. Kahit sabihan pa akong bitter wala akong pakialam. Eh sa nabubuhay ang galit sa puso ko ano ba ang magagawa ko?
“Girl, nakakatakot ang mga tingin mo,” saad ni Beth sa harap ko. Natigilan naman ako at umayos sa aking pagkakaupo. Napatingin ako sa gilid ko at prenteng nakaupo lang si Aya at nakatingin sa ‘kin.
“Tinitingin-tingin mo?” asik ko.
“Ito namang si, Daisy ang init ng ulo,” sabat ni Beth.
“Hindi kita kinakausap,” inis kong wika.
“Kulang sa lambing,” ani Aya. Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya.
“True,” sang-ayon naman ni Beth at tila kilig na kilig pa. Inirapan ko naman silang dalawa. Naiinis ako at wala ako sa mood para makipaglokohan. Pagkatapos nga ng subject namin ay mabilis na lumabas na ako ng room. Wala na akong pakialam kung tinatawag nila ako. May isang oras akong rest kaya dumeritso na ako sa bench na malapit sa room kung saan ang klase ko mamaya. Natigilan ako nang tumunog ang aking cellphone. Kinuha ko iyon and my heart skipped a beat. Theo is requesting for a video call. Sinagot ko naman iyon at kaagad na sinalubong siya ng ngiti.
“Hi babe, I missed you so much,” aniya. Hindi naman ako nakasagot kaagad kasi nami-miss ko na rin siya nang sobra.
“I miss you more,” saad ko. Pinipigilan ko ang sarili ko na mapaiyak. Nami-miss ko na ang ngiti niya.
“When will you come back here?” tanong niya. Napakahina ng boses niya at halatadong sobrang lungkot. I know he missed me so much. Hindi ko naman alam kung ano ang isaagot ko sa kaniya. Nakasandal siya sa head rest ng kama niya at mukhang pagod na pagod.
“You look so tired,” wika ko.
“I don’t have an inspiration today. I miss you so much, come back now,” saad niya. Naiiyak ako kasi maliban sa nami-miss ko siya ay alam ko s asraili kong niloloko ko siya. Wala siyang kalam-alam sa mga nangyayari sa ‘kin. Wala rin namang alam ang pamilya ko tungkol sa personal life ko. Pinakaiingat-ingatan ko ‘to kasi alam kong iintrigahin nila ako.
“I don’t know, but I’ll visit again soon. I’m at school now. I have a one-hour rest,” sagot ko.
“As much as I want to be with you. I can’t,” dagdag ko pa. Kita ko naman ang lungkot sa mukha niya. Ngumiti siya nang tipid at tumango lamang.
“I’ll find a way,” saad niya. Papunta sa kinaroroonan ko si Marice kaya mabilis na nagba-bye na ako sa kaniya.
“I have to go bye,” nagmamadali kong wika at ibinaba na ang aking cellphone.
“Hi.”
Napatingin ako sa kaniya at tipid na nginitian siya.
“Hello,” saad ko. Alam kong halata namang nao-awkward ako sa kaniya kaya sana lang huwag na siyang umupo sa tabi ko.
“Puwede ba akong maupo rito?” tanong niya. Napatingin naman ako sa kinauupuan ko.
“O-Oo naman,” sagot ko at umusog. Umupo naman siya roon at kapwa kami tahimik. Nagpapakiramdaman kumbaga.
“Mabuti naman at bumalik ka na. Ang tagal na simula nu’ng nagkita-kita tayo. Way back elementary pa yata,” sambit niya.
“Wala ka bang klase ngayon?” tanong ko sa kaniya. Tiningnan naman niya ako. Ang ganda niya pa lalo sa malapitan. Kaya siguro nahulog si Jeremiah sa kaniya.
“Wala, mamaya pa. Vacant ko kasi ng one-hour ngayon,” sagot niya. Tumango naman ako.
“How are you? How’s life?” usisa niya. Hindi ko alam kung required bang sagutin siya pero sinasabi ng utak kong sumagot na lang dahil hindi ako bastos.
“Okay naman, how about you?” tanong ko pabalik sa kaniya.
“Okay na rin. Close kayo ni, Aya?” usisa niya. Feeling ko kaya siya lumapit sa ‘kin para interview-hin ako tungkol kay Jeremiah.
“Hindi,” derikta kong sagot. Ngumiti naman siya nang tipid.
“Bakit kailangan mo pang itanggi eh halata naman ang closeness niyong dalawa. I’m glad that you’re okay with him now,” saad niya.
“Bakit naman ako hindi magiging okay sa kaniya?”
“Remember what he did in the past? He publicly announced that he doesn’t like you but he likes me instead,” nakangiting wika niya. Natigilan naman ako at parang tinusok ng kutsilyo ang pride ko sa sinabi niya. Akala niya siguro natatawa ako sa sinasabi niya. Ngumiti ako nang peke sa kaniya.
“Matagal na ‘yon bata pa ako. People change t’saka masiyadong immature pa ako. Not even a big deal hindi ko lang maintindihan kung bakit hindi niyo pa nakakalimutan. It’s normal that we got accepted or rejected. Parte naman iyon ng buhay sa iba’t-ibang aspeto pa,” saad ko.
“Young minds often remember the things that imprinted on their minds the most,” sabi niya. Tumikwas naman ang kilay ko.
“Pero hindi naman worth it kung walang kabuluhan iyon,” sabat ko.
“Unless it makes you happy or it makes you sad. Habang buhay na iyon sa alaala natin,” aniya. Eh ‘di wow!
“Kaya ako pinipili kong mag-move on because I cannot take my desperation before. Masiyado akong naging padalos-dalos dahil sa hindi ko naman alam ang consequences ng action ko. Now that I’m older I taught myself to be wise enough. Nagbabago naman ang tao. Change is inevitable but constant,” wika ko.
Ngumiti naman siya.
“Ikaw ano ba ang hindi mo makakalimutan sa mga nangyari noon?” usisa ko.
“Hmm, iyong naging kami ni, Jeremiah,” sagot niya.
“Ahh,” tanging naisagot ko. Malay ko ba sa relasiyon nilang dalawa. Mukhang sinasampal nga yata ako nito ng relasiyon nilang dalawa. Hindi niya alam baka isampal ko rin ‘tong suot kong singsing sa mukha niya. Char lang.
“He’s my longest relationship. My best companion and the man of my dreams,” aniya.
“Tapos?”
“We separated because we have to,” wika niya. Napakunot-noo naman ako.
“May mga bagay lang talaga na kailangang bitiwan para hindi na magkakasakitan pa. And to tell you honestly masakit para sa ’kin na makita siyang masaya ngayon. Kasi noong kami pa ganoon din siya kasaya sa piling ko,” dagdag niya.
“Kayo na ba?” tanong niya pa. Kumunot naman ang noo ko sa tanong niya.
“Seryoso ka ba sa tinatanong mo ha? Sa tingin mo ba may pag-asa kaming dalawa?” sagot ko ring patanong.
“Why not? You’re beautiful,” aniya. Napaikot ko naman ang aking mata.
“Hindi kami kung iyan ang iniisip mo. Don’t worry hindi rin mangyayari ‘yan,” sagot ko. And I mean it dahil kahit kasal kaming dalawa ni Aya may boyfriend din naman talaga ako. I love Theo.
“Nakahinga ako nang maluwag na sinabi mo ‘yan,” saad niya.
“Are you seeing me as a threat to your relationship?” tanong ko.
“Magagalit ka ba kapag sinabi kong oo? I am doing my best to have him back again. May hindi lang kami napagkaintindihan noon. It’s my fault and I want to make it up with him. Hindi na ako mahihiyang I personally approached you today to ask you that. I will understand if mayroon talagang something sa inyong dalawa because it was my fault. But I will really plead you to stay away from him because he’ll just use you. Alam ko na mahal niya ako. Our relationship is stronger than before,” sambit niya.
Wala yatang preno ang bibig ng babaeng ‘to. Kung ano ang gusto niyang sabihin sinasabi talaga.
“I’m hoping that both of you will fix your relationship,” saad ko. Ngumiti naman siya.
“Sa tingin mo ba maaayos pa namin ang relasiyon namin?” tanong niya. Lintik! I was just trying to uplift her tapos ngayon naman ginawa na akong tagasagot sa mga what ifs niya.
“Erm, it’s up to you both. Nasa sa inyo naman iyon eh. Malay ko kung ano ang takbo ng isip niyo,” sagot ko. Ngumiti naman siya.
“It was nice talking to you, Daisy. Bakit ba hindi tayo naging friends noon?” aniya.
“Dahil school mate tayo. Hindi tayo magkakasama isa pa iba nag circle of friends mo noon. Iba rin ako. I can survive alone,” wika ko.
“Sa bagay. Sige, I got to go. Pasensiya ka na sa abala ha. I’m thankful that you answered all my questions. Kasi sa totoo lang naguguluhan na rin talaga ako,” aniya. Tinanguhan ko lang siya Umalis na siya kaya nakaupo na ako nang maayos. Ang hinhin niyang magsalita. Parang hindi talaga nakakabiak ng baso. Kaya lang naman siya lumapit sa ‘kin dahil may kailangan siyang linawin. I wonder kung ano ang nangyari kung sinabi kong oo at asawa ko na ang ex niya? May magbabago kaya? Paniguradong magagalit siya o kaya kamumuhian niya ako habang-buhay. I don’t care anyway. Sabi ko nga I can survive alone. No man is an Island no more. Mas gugustohin ko pa na mag-isa ako kaysa may kasama akong nagiging cause ng problem sa peace of mind ko.
“Nandito ka lang pala, Daisy. Kanina pa kita hinahanap.”
Kagaya nito. She’s so loud.
“What?” inis kong saad. Umupo siya sa tabi ko at binigyan ako ng burger.
“Nakita ko kayo kanina ni, Marice. Ano? Inaway ka ba niya? Alam mo kasi may history iyan ng violence eh. Nang-aaway kapag may something feeling ko nga kaya siya iniwan ni, Jeremiah,” aniya.
“Bakit? Ano ba ang meron?”
“Kasi nga ‘di ba? May relationship sila pero biglang naudlot. Kasi itong si Ate girl masiyadong selosa. Gusto niya na sa kaniya lang ang atensiyon ni main character na boy. Ang kaso mukhang napuno na si, boy kaya iniwanan na siya. Halos araw-araw na lang kasi napapatawag sa principal’s office si girl noon. Way back high school ito ha. Ngayong college na eh hindi ko na alam. Basta si girl ginagawa ang lahat para balikan siya ni boy. Pero sa tingin ko at sa tingin ng karamihan ay matagal na talaga silang tapos. Naka-move on na si, boy,” sagot niya.
“Sinabi nga niya na threat ako sa relasiyon nila,” wika ko.
“Matagal na silang tapos kaya walang threat. Ang kapal niya ha. Ngayon lang naman ‘yang college na tayo bigla ay naging sobrang bait. Akala niya siguro eh makukuha niya si, Jeremiah sa acting niya. Kahit ilang beses pa niya sabihing nagbago na siya eh halata namang hindi niya ginagawa. Kunwari lang na okay na at nagbagao na siya kaso wala. Lumalabas talaga ang masangsang na amoy ng ugali niya kaya hayaan mo na. Praning ‘yon. Kung alam ko lang na ganoon ang sinabi niya sa ‘yo nunkang hahayaan ko siyang pagsabihan ka,” saad niya.
“Bakit? Ano ba ang agagwin mo sa kaniya? Papagalitan mo? Babarahin o aawayin?” tanong ko.
“Sasagutin siyempre nang pabalang. Hindi naman puwedeng sabihan ka niya ng ganoon. Alam mo kaya kahit marami kaming may gusto kay Jeremiah isinasaloob na lang namin kasi alam naming panigurado isang araw kakausapin niya. Kukuwentuhan kunwari tapos pagbabantaan kaya ang ending wala. Tahimik na lang kami,” aniya.
“Akala ko ba matapang ka?” usisa ko.
“Siyempre ibang usapan na kapag ikaw.”
Napaikot ko naman ang aking mata. Hindi ko alam na ganoon pala katindi ang amats ng babaeng ‘yon. Akala ko hindi makabasag pinggan sa sobrang hinhin eh. May kakaibang tama rin pala.
Pagkahapon ay sumakay na ako ng taxi pauwi ng bahay. Napaisip lang ako kung paano na ang buhay ko? Paano ko kaya aayusin ang lahat ng ‘to? Paano ko kaya ipapaliwanag kay Theo ang lahat?
“Nandito na po tayo Ma’am,” wika ng driver. Kumuha na ako ng pambayad at lumabas. Kaagad na pumasok naman ako sa bahay at umupo sa couch. Wala pang bakas ni Jeremiah. Mukhang hindi pa siya nakauuwi. Gusto ko munang magpahayahay kaya humiga ako sa couch. Ilang sandali lang naman ay may narinig akong tunog ng kotse sa labas. Siya na ‘yon panigurado. Ilang minuto nga ay kaagad na nakita ko siya. Tumikwas ang kilay niya nang makita ako.
“Ang sarap ng higa mo ah,” komento niya.
“So, what?” sagot ko. Umupo naman siya sa kaharap kong couch at rinig ko ang malalim niyang pagbuntong hininga.
“I saw you with, Marice earlier. Ano ba ang sinabi niya sa ‘yo?” tanong niya.
“Tsk, lakas din ng tama ng girlfriend mo ano? Akala niya siguro may something sa ‘tin kaya ganoon. Tinanong ako kung may relasiyon ba tayo sabi ko wala. Kapag nalaman niyang mag-asawa na tayo at nakatira tayo sa iisang bahay ewan ko na lang kung ano ang magiging reaction niya,” saad ko.
“Don’t ever do that. Don’t tell her about us especially our real relationship,” mabilis niyang sabat. Napakaseryoso ng mukha niya. Bumangon naman ako at kinunutan siya ng noo.
“Paano kung sabihin ko ang totoo sa kaniya? Ano’ng gagawin mo?” sagot ko. Kita ko naman ang pagkunot ng noo niya. Hindi siya nagsasalita. Bumuga ako ng hangin at inirapan siya.
“Ano’ng akala mo sa ’kin tanga? Siyempre hindi ko gagawin iyan. Mukha bang sira ang tuktok ng utak ko ha?” bawi ko. Hindi pa rin siya nagsasalita.
“Basta, don’t ever mention to her anything about us. Sabihin mo na kahit ano huwag lang ang tungkol sa ‘ting dalawa,” ulit niya pa.
“Bakit ba ha? Sa tono ng pananalita mo parang takot kang malaman niya ang totoo. Alam mo ikaw, kung may balak kayong magbalikan balikan mo na. Mahal ka pa nu’n. Isa pa ikaw lang naman itong nakikipagtigasan sa kaniya. Ipaintindi mo ang totoong sitwasiyon natin paniguradong maiintindihan niya,” wika ko. Umiling naman siya.
“You don’t understand what I really meant. Basta ang importante ay huwag mong ipaalam sa kaniya,” giit niya pa.
“Fine, sino namang gustong ipangalandakan ang ganito?” saad ko. Huminga lamang siya nang malalim at tiningnan ako.
“Ang ganda mo ngayon,” komento niya. Nakagat ko naman ang aking labi para iwasan ang sarili kong ngumiti. Lintik na ‘to mukhang pinaglalaruan na naman ako ah.
“Huwag ka nga. Kung may iuutos ka, iutos mo na lang hindi ‘yong binobola mo pa ako,” wika ko.
“T’saka hindi bagay sa ‘yo na ganiyan. Mas sanay ako na hindi mo pinapansin katulad noon. Mas okay ako na tinatrato akong parang hangin,” dagdag ko pa. Natahimik naman siya.
“Puwede pa namang magbago ‘di ba?” tanong niya. Kinabahan naman ako sa tanong niya.
“Sa case mo wala. Matagal ka ng case closed,” sagot ko. Ngumiti lang naman siya. As if may nakakatuwa sa sinabi ko.
“Alam ko kung gaano ka ka arogante kaya huwag ako. Mas mabuti pang mag-iisp ka ng lulutuin ngayon at magagabi na.”
“Okay, ako na ang magluluto ngayon,” aniya.
“Ako na rin maghuhugas mamaya,” sabi ko. Tuango lamang siya. Tumayo na rin ako at pumasok sa aking kuwarto. Nagbihis na ako ng puting t-shirt at stripes na pajama. Paglabas ko ay nakatingin lang ako sa likod ni Jeremiah na papuntang kusina. Ang tangkad niya. Bagay na bagay ang gupit niya sa kaniya. Makinis ang balat at matambok ang puwet. Napailing naman ako at kinurot ang aking sarili. Bakit napunta sa puwet niya ang isip ko? Kahit nakatalikod siya alam mo talagang napakaguwapo niyang lalaki.
Nakasuot siya ng gray shirt at itim na jogging pants habang nakapaa. Naiisip ko tuloy iyong bida sa Tekken na movie. Ang pogi masiyado. Sumunod na ako sa kaniya sa kusina at nakatingin lang sa kaniya.
“Ano’ng lulutuin mo?”
“Mashed potato and steak,” sagot niya. Natakam naman ako.
“What’s the doneness of your steak you would like?” tanong niya sa ‘kin.
“Medium well, ayaw ko sa rare,” sagot ko. Tumango naman siya.
“Noted,” aniya at tahimik na nagluluto. Nakasunod lang ang tingin ko sa kaniya. Parang lalo siyang gumuwapo sa paningin ko. Tumunog ang cellphone ko kaya kinuha ko iyon at sinagot. Nakasunod pa rin ang tingin ko sa ginagawa niya. Ang galing niya kasi.
“Babe...”
Natigilan ako at kita kong ganoon din si Jeremiah. Nanlaki ang mata ko at mabilis na pinatay ang aking cellphone.
“Erm...”
Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag sa kaniya.
“He’ll get mad knowing you turned off his call,” wika niya. Hindi naman siya mukhang galit. Kaswal lang.
“Ahm...” napalunok ako sa aking laway.
“Tawagin na lang kita if the foods ready,” wika niya. Alanganing tumango naman ako.
“O-Okay,” saad ko at tumalikod na. Napakunot noo ako at hindi ko alam kung ano ang dapat na gawin. Parang wala lang sa kaniya na malamang may boyfriend ako. Bakit nga ba iniisip ko kung ano ang iniisip niya? Wala naman siyang pakialam sa ‘kin. Ipinilig ko ang aking ulo at napabuga ng hangin. Bakit ko ba pinapahirapan ang sarili ko?