Chapter 14

2164 Words
Humagulhol lang ako at hinayaan naman niya ako. Mas mabuti na ring hindi siya magsalita dahil hindi ko kailangan ng ano pa man ngayon. Gusto ko lang ilabas ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Ilang oras lang kaming nakaupo sa sahig bago ako tumahan. “Okay ka na?” tanong niya. Umiling naman ako bilang sagot. “Nagalit ka ba sa ‘kin dahil sa nangyari kanina?” tanong niya. Naalala ko na naman kaya sinamaan ko siya ng tingin. “Gago ka pala eh,” saad ko. “I have to do it para iwasan ka na niya. Hindi puwedeng madamay ka sa kabaliwan ni, Marice. Daisy, hindi mo alam kung ano siya kapag nawawala sa sarili. She’s worst and I can’t risk you. Kahit ilang beses ko siyang kakausapin alam kong lalo lang siyang gagawa ng paraan para sirain ka,” aniya. “Baliw ‘yang ex mo. Bakit ba hindi mo napansin iyan noon pa? Kung gusto mo talagang tulungan sana dinala mo sa psychologist,” saad ko. “Maniniwala ka bang ginawa ko na ‘yan?” aniya. Tumango naman ako. “Puwede mo na bang sabihin sa ‘kin kung ano ang nangyari sa ‘yo?” tanong niya. Nakatingin lang ako sa wall. “Theo cheated on me. Nag-send ang Mommy niya ng videos and pictures na may kahalikan siyang ibang babae. God knows what happened next,” gigil kong saad. Kaagad na kumunot ang noo niya. Hindi na siya nagsasalita. “Bakit kayong mga lalaki parang ang bilis-bilis lang para sa inyo na iwan kaming mga babae? Kayo ‘yong dapat sinaktan palagi eh. Binibigyan niyo kami ng dahilan para mawalan ng ganang mabuhay. Para mawalan ng gana sa mundo. Pahamak kayo sa buhay naming mga babae. Kahit pa siguro ibigay namin lahat-lahat sa inyo hindi pa rin kayo makukuntento. Ang tataas ng standards niyo pero kayo rin naman ‘tong mga walang kuwenta sa huli,” asar kong wika. “Hindi naman lahat ng lalaki katulad nu’ng ex mo,” sagot niya. “Huh?” “Bakit? Sa ginawa ba niya patatawarin mo pa rin siya? He cheated on you and you’ll tolerate him?” tanong niya. Natigilan naman ako at hindi ko alam kung ano ang sasabihin. “Siyempre hindi. Kahit ano pa ang sabihin niya hindi ko na siya babalikan,” saad ko. “You mean it?” tanong niya. Napalunok naman ako at alanganing tumango. “I mean, I don’t know. Kaya nga ako umiiyak kasi sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon. Hindi ko nga alam kung makaka-move on agad ako eh. Ano ba ang dapat kong gawin? Ngayon lang kami nagkaroon ng ganitong problema. I don’t tolerate cheating, okay? Non-negotiable iyon sa ‘kin.” “But you love him,” sabat niya. “Eh siya? Does he love me enough? Kasi kung mahal niya ako Jeremiah hindi niya magagawa sa ‘kin ‘yon. The fact that matagal na pala nu’ng una siyang nag-cheat. Ayaw ko na,” saad ko. “Ganiyan dapat. Hindi mo dapat hinahayan na sinasaktan ka lang ng ibang tao. Daisy, you’re more than that. He does not deserve you. His family does not deserve someone like you,” wika niya. “Eh ‘yong family mo deserve ba nilang magkaroon ng maldita at untrustworthy na daughter-in law ha? Mag-isip ka nga,” inis kong sambit. Ngumiti naman siya. “At least my family loves you,” aniya. Napipilan naman ako. “Just don’t get back at him. He’s not good for you,” dagdag niya pa. “Pinagsasabi mo? Ikaw nga hindi makaalis-alis diyan sa anino ng ex mo eh,” reklamo ko. Suminghot ako at tumayo t’saka umupo sa kama ko. “Tara labas tayo. I know a place,” aniya. “Hoy! Kung ano man ang binbalak mo sinasabi ko sa ’yo kahit tulog ako sa alak may sariling utak ang kamay at katawan ko. Nambubugbog ‘to kaya umayos ka,” sambit ko. Ngumiti lamang siya at pinitikan ang noo ko. “Aray! Masakit ‘yan ha,” reklamo ko. “Magbihis ka na, hihintayin kita sa labas,” saad niya at lumabas na ng kuwarto ko. Tumayo naman ako at tiningnan ang sarili ko sa repleksiyon ng salamin. Ang pangit-pangit ko. Namumula ang mata at ilong. Kaya siguro umalis siya kasi nakakatawa ang mukha ko. Bumusangot ako at kinuha ang face wipes at pinunasan ang aking mukha. Nang makitang okay na ay itinali ko ang aking buhok at nagsuot ng jeans at sapatos t’saka pinaresan ng itim na t-shirt at cap. Paglabas ko ay nasa sala siya at nakabihis na rin ng gray shirt. “Okay ka na?” tanong niya. Tumango naman ako. Lumabas na kami ng bahay at bahala na siya kung saan kami pupunta. Bahala na talaga at wala rin ako sa mood na makipagtalo sa kaniya ngayon. Gusto ko lang huminga at gawin ang mga bagay na makakatulong sa nararamdaman ko ngayon. Huminto kami sa isang convenience store. “May bibilhin ka?” Tumango naman siya. “Sandali lang, babalik agad ako,” wika niya. Naghintay naman ako sa kaniya at nakalimutan kong dalhin ang cellphone ko. Mas okay na rin ‘yon na nandoon lang para hindi ako magugulo ni Theo. Ilang minuto lang naman ay bumalik na si Jeremiah. May dala siyang supot at mukhang marami ang laman. Pumasok na siya at pinaandar na ang sasakyan. Tiningnan ko ang supot at mga pagkain iyon at inumin. “Saan pala tayo pupunta?” usisa ko. “You’ll see,” sagot niya. Pa-thrill din kasi eh. Ilang segundo lang ay nakakalayo na kami sa siyudad. Paakyat ang highway at madilim na. Tanging liwanag na lang ng buwan ang nakikita ko. “Aya, siguradohin mong safe tayo sa pupuntahan natin ah. Broken hearted lang ako pero hindi ako suicidal. Ayaw ko pang mamatay,” wika ko. Natawa naman siya. “Silly.” Ilang sandali pa ay huminto na siya at bumaba t’saka binuksan ang pinto ng kotse. “Salamat,” saad ko at lumabas na rin. Napakaganda ng nakikita ko ngayon. Nasa tuktok kami ng bundok. Parang talampas at sa ibaba ay ang mga nagliliwanagang ilaw sa siyudad. Para iyong binabaha ng bituin sa sobrang liwanag. Ang lamig ng simoy ng hangin dito sa kinaroroonan namin at hindi maingay. Pumunta siya sa hood ng kotse at inilatag doon ang binili niya kanina at umupo. Sumunod naman ako at napangiti. “Lagi ka bang pumupunta rito?” tanong ko. Tumango naman siya. “Usually, kapag napapagod ako sa buhay ko dito ako pumupunta,” sagot niya. “Buti hindi mo naisipang tumalon dito,” pabiro kong saad. “Minsan oo,” seryoso niyang sagot. “Hindi nga? Seryoso?” paninigurado ko. Nilingon naman niya ako at tinawanan. “Of course not! Hindi ko naman kayang magpakamatay dahil lang sa makamundong karanasan. Ine-enjoy ko ang bawat moment habang buhay pa ako. Alam ko naman na darating ang araw na mawawala rin ako sa mundong ‘to. Marami pa akong gagawin at magagawa at ayaw ko ring iwan ang pamilya ko,” sagot niya. “Buti naman,” wika ko at kumuha ng isang beer. Malayo lang ang tingin ko at napabuntong-hininga. “Wow! That’s deep,” komento niya. Nagkibit-balikat naman ako. “Aya, sa tingin mo ba hindi ko deserve maging masaya? Bakit sa tuwing pinipili kong pasayahin ang sarili ko eh nahihirapan ako lalo? Bakit parang kabaliktaran ang nangyayari sa buhay ko?” sambit ko. Tahimik lamang siya at uminom din sa canned beer niya. “Joy is always guarded by sorrow. Sa buhay na mayroon tayo hindi puwedeng sobrang saya o sobrang lungkot. We should always in the middle. Lagi nating pipiliin na nasa gitna lang. Para whatever happens alam mong kaya mong ibalanse, kaya mong harapin at hindi ka mahihirapan. Mahirap maging sobrang masaya dahil ang balik nu’n sobrang lungkot din. That’s how life works, it’s not a pleasure to live on. Mahirap makisabay at lalong mahirap maging kuntento sa mundong ‘to.” “Ikaw nakokontento ka?” tanong ko. “I hate complications and yes, I do. Contentment is sometimes too hard to achieve, cause we always wanted for more. Isa lang naman ang gusto kong mapasaakin,” aniya. Naintriga naman ako. “Mayroon ka pa bang hindi nakukuha? Naakaimposible naman. Ano iyon?” “Not a what but a who,” sagot niya. Napaisip naman ako. Bigla ay napaisip ako. Hindi kaya? Ipinilig ko ang aking ulo at parang may kumikirot na naman sa dibdib ko. Hindi ko maintindihan kung bakit nakakaramdam na naman ako ng ganito. “So, sino?” usisa ko. Tiningnan niya ako at nginitian nang tipid. “Hindi mo ba sinabi sa kaniya? Baka naghihintay lang din na sabihin mo,” saad ko. Ang sama ko ba kung umaasa akong sana ako iyon? Ang sama ko ba kung nakakalimutan ko si Theo kapag siya ang kasama ko? “Kahit sabihin ko, alam ko namang hindi siya maniniwala. I will always be that fool to her eyes,” sagot niya. Kaagad na tumikwas ang kilay ko. “Talaga? Sa bagay hindi ko siya masisisi kung hindi siya maniniwala sa ’yo kaagad. Kasi naman ‘di ba? You may look like an angel pero halata namang hindi. Tao ka rin at lalaki pa kaya mahirap umasa at magtiwala,” sagot ko. Ngumiti naman siya at tinungga ang beer niya. “It’s you Daisy,” derikta niyang sabi. Natigilan naman ako sa pagnguya ng kropek ko at nanlalaki ang matang tiningnan siya. “Huh?” Hindi ako makapaniwala sa sinasabi niya. “It’s you, ikaw lang naman ang ginusto ko kahit noon pa,” saad niya. Sobrang nagulantang ako sa sinabi niya. “Binobola mo na naman ako haha,” saad ko at kunwari natatawa. Pero nakatitig lang siya sa ‘kin nang deritso. “Hindi ka nagbibiro?” “Mukha ba akong nagbibiro?” tanong niya sa ‘kin. Natigilan naman ako at hindi alam kung ano ang sasabihin. Napalunok ako at napakamot sa kilay ko. “Seryoso ka?” ulit ko. Tumango naman siya. “I don’t know when is the right time to tell you this Daisy but I know I have to tell you about what I feel para wala akong pagsisihan sa huli. Pakiramdam ko maiiwan na naman ako. Pakiramdam ko bigla ka na namang mawawala sa ‘kin,” sagot niya. Kaagad na naguluhan ako sa sinabi niya. “Anong mawawala sa ‘yo? Kailan ba ako nawala? Baka nakakalimutan mong ikaw ‘tong may problema sa ‘kin noon. Nakalimutan mo na ba ang pambabasted mo sa ’kin noon ha? Tarantado ka ha, hindi mo na yata naaalala eh,” saad ko. “I remembered it so clearly. Maniniwala ka bang I was just too shy before to admit that I like you too? I should have said yes but I feel so pressured. Akala ko yes ang naisagot ko sa ‘yo. Natauhan lang ako nang umiiyak na tumakbo ka dahil naging laman ka ng tuksuhan ng classmates natin. I feel bad. Sinubukan kong lapitan ka noon but you’re so angry at me. When we’re in our high school years sa ibang school ka pumasok. Magta-transfer din sana ako pero nalaman ko na lang umalis ka at pumuntang ibang bansa. I thought to myself siguro I caused you a lot of pain so karma really punished me that much. Hindi ko inakalang nilalayo ka palagi sa ‘kin,” wika niya. Hindi ko alam kung sa tama ba ng alak sa katawan ko kaya napahalakhak ako sa sinabi niya. “Alam mo sa lahat ng joke na narinig ko iyan ang hindi ko kayang hindi tawanan,” sagot ko at humagalpak ng tawa. “Really?” tanong niya. Tumango-tango naman ako. Bumaba siya sa hood ng sasakyan at nilapitan ako. Nakatayo siya sa harap ko kaya natigilan ako. “Bakit? May sasabihin ka?” tanong ko. Tumango naman siya. Sumenyas siya sa ‘kin na lumapit ako sa kaniya kaya inilapit ko kaunti ang mukha ko at nginishan siya. Nanlaki ang mata ko nang biglang naramdaman ko na lang ang labi niya sa akin. Nu’ng una ay simpleng dampi lang iyon pero kalaunan ay gumalaw na iyon. Napapikit naman ako at parang may mga bolta-boltaheng kuryente na naglakbay sa buong katawan ko. I answered his kisses at pakiramdam ko ay tuluyan na akong nahulog sa kumunoy. Para bang biglang bumukas ang lupa at basta na lang akong nahulog sa kawalan. Alam kong the moment that we kissed everything will be different. Habol-hininga na naglayo kaming dalawa at nagkatitigan. Hawak-hawak niya ang mukha ko at matamang nakatitig s a’kin. “Am I still joking?” aniya. NapaLunok naman ako at napatingin sa mamasa-masang labi niya. It was glistening red. Parang kaysarap halikan ulit. Hindi ko alam na ganoon din pala siya sa ‘kin. Ilang sandali lang ay naglapat ulit ang mga labi namin. Bahala na bukas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD