Chapter 13

4162 Words
Papunta na kami sa eskuwelahan. Ganoon pa rin ang set-up naming dalawa. Hihinto siya sa hindi kalayuan at bababa ako. “Thanks,” wika ko. Tumango naman siya at nauna na. Pagdating ko sa b****a ng gate ay nagulat ako dahil halos lahat sila ay nakatingin sa akin. Wala naman akong pakialam. Halos lahat ng mga nadadaanan ko ay ganoon din. Bahala sila. Ilang weeks na lang din naman at tapos na ang sem namin. Inaasikaso na rin ang thesis kaya makakapag-focus na rin doon kahit papaano. Tapos na rin ang units na kailangan naming i-earn. Pagdating ko sa room ay kaagad na sinalubong ako ni Beth. “Daisy!” aniya. Kumunot naman ang noo ko. Busangot siya at tila may pagtatampo sa ‘kin. “Bakit?” sagot ko. Inakbayan niya ako at pinaupo sa upuan. “Bakit hindi mo sinabi na kasal na pala kayo ni, Aya? Kaya pala ha. Sinasabi ko na nga ba eh. Napakaimposible na bumalik ka rito tapos kakaiba ang galawan niyong dalawa. May mga sabi-sabi na magkasabay kayong pumapasok pero wala lang ebidensiya kaya hindi ako naniwala. “H-Huh?” Napalunok ako. Kinuha niya ang kaniyang cellphone at nag-play ng video. Video iyon ni Lilac sa amin pero hindi iyon ‘yung vlog. Iyon ‘yong mga kuha habang kumakain kami. Ang saya-saya pa naming tingnan. “Close ang parents namin. Hindi ba puwedeng kumain kasama siya? Birthday ng Mommy niya nu’ng nakaraan,” wika ko. “Magpapalusot pa eh. Ang kaso may kumu account din ako kung saan nagla-live ang sisteret mo. Daisy naman, magtatampo na ako ha,” aniya at sumimangot. Tiningnan ko naman siya at napalunok. Ano pa ba ang sasabihin ko? “A-Alam na ba ng lahat?” tanong ko sa kaniya. Umiling naman siya. “Sinasabi ko na nga ba eh. Iyong sa post lang mukhang may something talaga sa inyo. Ang sweet-sweet ni, Jeremiah sa ‘yo eh. Alagang-alaga ka. Pero iyong video wala dinelete agad ng kapatid mo. Buti nag-notif sa akin at napanood ko kahit saglit lang. Ang naabutan ng iba ay mukhang iyong nasa dagat na siya. Showbiz talaga iyang si, Lilac,” aniya. Napakamot naman ako sa ulo ko. “Daisy...” “Ano?” “Bakit ka naglihim sa ‘kin? Wala ka bang tiwala sa ‘kin?” saad niya. Tinikwasan ko naman siya ng kilay. “Beth, sa dami ng alam mo sa buhay ko hindi mo pa rin ba napagtagpi-tagpi lahat? You know that I have a boyfriend, right?” wika ko. Natigilan naman siya. “Oh no!” Ipinaikot ko naman ang aking mata at umayos sa pagkakaupo nang mag-abot ang tingin namin ni Marice. Nakatingin siya rito sa likod at parang mananakmal na siya sa klase ng tingin niya. This freak! Hindi ko naman siya iniwasan. Tinitigan ko rin siya pabalik. Ano siya? Alangan namang iiwasan ko ang titig niya hindi ako natatakot sa kaniya. Siya na ang umiwas. “Tsk.” “Mag-iingat ka sa baliw na ‘yan ha. Mukhang alam na rin ang nangyayari pero hindi ang lahat. Ang alam ng mga estudyante rito eh may relasiyon kayo ni, Aya,” aniya. Kaya pala grabe kung titigan nila ako kanina. Naiintindihan ko na. “Pero hindi nga, wala kang gusto kay, Aya? Kaya pala ayaw mo akong isama sa bahay niyo ha. Kaya pala kahit ilang beses kitang kinukulit na puntahan ayaw mo. Ngayon hindi ka na makarereklamo. Talagang pupuntahan na kita,” aniya at ngumisi. Natatawa ako sa ekspresiyon niya. “Basta magdala ka ng pagkain. Welcome ka sa bahay,” sagot ko. Gumalaw-galaw naman ang kilay niya. “Hindi ba dapat ikaw ang magpakain sa ’kin kasi bisita mo ako?” reklamo niya. “Bahala ka, basta iyan ang kondisyones ko sa ‘yo. No food, no entry,” sambit ko. “Ang daya nito. Isusumbong kita kay, Tita. Napakaburaot mo,” aniya. Hindi na kami nagkausap pa ulit dahil dumating ang professor namin. Habang nagtuturo siya ay ramdam ko na may nakatingin sa ‘kin. Tumingin ako sa harap at sinalubong na naman ang tingin ni Marice. Sa tantiya ko ay hindi na siya makapaghintay na kausapin ako mamaya. As if naman may kailangan akong ipaliwanag sa kaniya. Nang mag-break na ay inaya na ako ni Beth sa cafeteria. Sumama naman ako at nag-order na kami ng pagkain. “So Daisy, ano na ang gagawin mo? Paano na si Theo? Si, Aya alam niya na may boyfriend ka? Grabe ka girl sana all pinapalibutan ng mga hot at gwapong papa,” aniya. Inikutan ko naman siya ng mata. “Naguguluhan ako Beth. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko sa mga nangyayari. Alam ko naman na committed ako kay, Theo pero pakiramdam ko naman nagche-cheat ako kay, Aya. Kahit ganito ako eh may konsensiya naman ako kaya siguro ganito ang nararamdaman ko.” “Hindi kaya may gusto ka na rin kay, Aya kaya para kang balisa? I mean, ito ha i-evaluate mo nga ang sarili mo. Kapag ba kasama mo si, Aya ay kinakabahan ka? Nakakaramdam ka ba ng mga damdamin at emosiyong hindi mo maipaliwanag?” tanong niya. Napaisip naman ako. “Hmm, kapag kasama ko siya o kaya kahit nakatingin lang ako sa kaniya hindi ko maipaliwanag ang lakas ng kaba ko. Parang tinatambol ang puso ko sa lakas ng kabog,” sagot ko. Kaagad na nag-snap naman siya sa ‘kin. “Minsan ba napapansin mo na lang ang sarili mo na napapatitig sa kaniya? Kahit ano pa ang gawin mong iwas ay parang hindi mo kaya?” “G-Ganiyan nga ang nararamdaman ko,” sagot ko sa kaniya. Umiling-iling naman siya. “Naku! Dehado ka ngayon, Daisy. Mukhang may gusto ka na nga kay, Jeremiah. Ito kapag nakauwi ka na sa inyo doon sa kuwarto mo. Ito ang gawin mo. Pumikit ka at kung sino ang unang papasok sa isip mo panigurado alam mo na ang sagot,” aniya. “Sure ka ba?” Ngumiti naman siya. “Pero paano na si, Theo kapag na-realize mong si, Aya pala talaga ang mahal mo at hindi siya? Paano kung iyang nararamdaman mo kay Aya ay hindi basta gusto lang? Paano kung mahal mo na talaga siya ano ang gagawin mo?” Napakunot-noo naman ako. Lalo niya akong pinapahirapan eh. Hindi naman ako makasagot. Hindi ko rin naman alam kung ano ang isasagot sa kaniya. “Bakit hindi ka makasagot? Problemado ka na ngayon ano?” tanong niya. Tumango-tango naman ako. “Hindi lang ‘yan ang magiging problema mo, Daisy. Kasi ngayon kailangan mong harapin ang parents niya kung sakaling malaman nila na may boyfriend ka. Baka isipin nila na niloloko mo lang si, Aya. Kahit na sabihin nating arranged marriage lang kayo pero the fact na parang nagkakamabutihan na kayo ngayon. Isa pa kailangan isa lang ang piliin mo. Hindi naman puwedeng ganiyan ang situation niyo forever. Like, sino naman ang gugustuhin na ganiyan palagi? Hindi puwede ang ganoon,” saad niya. Napaisip naman ako. Alam ko naman iyon. “Sa tingin mo ano ba ang kailangan kong gawin?” usisa ko sa kaniya. Ngumiti lamang siya at hinawakan ang aking kamay. “Isipin mo isang Jeremiah Laxamana Heigen na ang asawa mo. Kaya mo ba siyang iwan para sa ibang lalaki? Sa bagay mas nauna si, Theo sa kaniya dahil naging kayo talaga. Pero hindi rin naman natin mase-set aside ang katotohanang mas nauna kayong magkakailala ni, Aya.” “Ang sama ko naman Beth kapag mas pinili ko siya kaysa kay Theo. Hindi niya deserve maging option dahil lang sa kagagahan ko. He’s been so good to me,” saad ko. “Ano na ang plano mo? So mas pipiliin mo pa ring iwan si, Aya para kay Theo? Kasi kung ganoon kailangan mo ng palayain si, Aya. Sabihin mo ang totoo sa pamilya niyo. Sigurado naman akong maiintindihan ka rin nila. Huwag mo na ring patagalin pa at baka mas lalo pang maging komplikado ang lahat,” wika niya. “Pero kasi sa tingin ko ay may gusto na rin si Aya sa ‘yo. Halata naman kasi eh,” dagdag niya. Napalunok naman ako. “Seryoso ka? Bakit naman siya magkakagusto sa ‘kin? Alam mo naman ang history naming dalawa. Aware naman ako na hindi niya magugustuhan ang tulad ko,” sagot ko sa kaniya. Pinaikot naman niya ang kaniyang mata sa ‘kin. “Daisy, grabe namang kamanhiran iyan. Hindi mo ba nafi-feel ang mga titig niya sa ’yo? Kulang na nga lang lunukin ka niya nang buo. Iyong mga tingin niya halatang may laman at may pagmamahal. May affection na para s a’yo lang talaga. Sa tingin mo bakit kaya pumapayag siya sa mga nangyayari sa inyo? Hindi ba aware siya sa mga nangyayari? Paano niya kaya kinakaya ang ganoon? Sobra-sobra kung alagaan ka niya. Kahit alam niya na may jowa ka hindi siya nag-stop na maging mabait sa ‘yo bagkus inintindi ka niya. Hindi ba unfair din ‘yon sa part ni, Aya na ganoon-ganoon na lang?” “Beth, hindi mo kasi naiintindihan.” “Naiintindihan ko, Daisy. Naiipit ka sa kanilang dalawa. Nahihirapan ka at nakokonsesniya dahil jowa mo itong si, Theo pero gusto mo si, Jeremiah. Hindi mo kasi maamin sa sarili mo na nagkakagusto ka na sa kaniya. Masiyado kang denial. Kung ia-acknowledge mo iyan paniguradong matitimbang mo ang lahat. Makakapag-isip ka nang maayos. Ginagawa mo kasing komplikado ang mga bagay na hindi naman dapat. Huwag mong pahirapan ang sarili mo. Mai-stress ka lang, Daisy. Kung mahal mo talaga si, Theo ipaglaban mo. Kung mas matimbang siya kaysa kay, Jeremiah bitiwan mo na iyong isa. Kung si, Aya naman ang gusto mo hiwalayan mo na si, Theo. Mas mabuti na rin ‘yong sinabi mo kaagad. Huwag mo ng patagalin kasi kawawa. Ganoon talaga sa pagmamahal. Kailangan mong mamili kung sino iyong pinakamahal mo, may mangyari man at least pinili mo iyong talagang gusto mong ipaglaban,” wika niya. “Kung pipiliin mo iyong tao dahil nakokonsensiya o naaawa ka lang please lang, huwag mong gawin Daisy. Lalo mo lang sinasaktan iyong tao. Mas magiging komplikado rin ang lahat kapag mas pinili mo iyong tao dahil sa awa,” dugtong niya pa. ---------------------------- Pabalik-balik sa akin ang sinabi ni Beth. May katotohanna din naman kasi talaga ang sinabi niya. Hindi puwedeng magpatuloy ang ganitong sitwasiyon namin. Naiipit ako at napakakomplikado kahit hindi naman kung kikilos agad ako. Pero ano ba talaga ang nararamdaman ko para kay Jeremiah? I was so sure before that I love Theo but right now, hindi ko na alam. Para bang may kung anong tumutulak sa ’kin para lalo kong gustuhin si Aya. Hindi ko rin alam kung kailan nagsimulang magustuhan ko siya ulit. Dahil ba roon sa pagiging gentleman niya? Nahihirapan akong mag-take ng risk kasi hindi ko naman alam kung mahal niya talaga ako. Kung pipiliin ko naman si Theo hindi rin ako sigurado kung kaya niya akong ipaglaban hanggang sa huli. I know him. Magaling din siyang magsalita pero hindi naman niya nagagawa. Laging umaasa sa parents niya at parang nahihirapang gumawa ng desisyon para sa ‘min. He was always unsure at padalos-dalos kung magdesisyon. Huminga ako nang malalim at natigilan sa paglalakad nang mapansin si Marice sa harap ko. Seryoso lang siya na nakatingin sa ‘kin at naglakad pagilid. Nagkibit-balikat naman ako at nagpatuloy sa aking paglalakad. “Hey!” tawag niya. Patuloy lang ako sa paglalakad. Natigilan ako nang hawakan niya ang kmaay ko at hinila ako papunta sa gilid ng gymnasium ng university. Padaskol niya namang binitiwan ang kamay ko. “Problema mo?” asik ko. Kaagad na nanlisik naman ang mata niya. “Ikaw ang problema ko! Napaka-plastic mo! Kaya pala aayaw-ayaw ka. Kaya pala kunwari kang walang pakialam kay, Jeremiah iyon pala dahil may balak kang agawin siya sa ‘kin,” aniya. Natawa naman ako nang pagak. “Ano’ng sabi mo? Ako nang-agaw sa ‘yo? FYI, wala na kayo ni, Aya matagal na. Pinagsasabi mong plastic ako? Una pa lang sinabihan na kita na kung may gusto kang malaman dumeritso ka kay, Aya. Ikaw ‘tong masiyadong user friendly. Kakaibiganin mo ako para mapalapit sa kaniya, okay ka lang ha? Umayos-ayos ka. Kung nagagalit ka sa ‘kin pakialam ko sa ‘yo?” sagot ko. “And now ikaw pa ang matapang. Kunwari ka pa pero malandi ka talaga. Mana ka sa mama mo malandi! Malandi! Malandi!” wika niya. Sa inis ko ay nasampal ko nang malakas ang mukha niya. “Huwag mong dinadamay ang mama ko sa kabaliwan mo,” gigil kong sambit. “Daisy!” Natigilan naman ako at napalingon. It was Jeremiah. Seryoso ang mukha niya at mukhang galit. “Aya,” ani Marice at kaagad na umiyak. Best actress pa ang walang hiya at mukhang nahulog sa bitag ang gago. “Nagtatanong lang naman ako Daisy bakit kailangan mo pa akong sampalin? Hindi ko naman kasalanan kung mas pinili ako ni Aya noon. Ang tagal-tagal na nun,” aniya. “Pinagsasabi mo?” asik ko. “Stop it,” sabat ni Aya. “Huwag mong sabihing naniniwala ka riyan?” tanong ko kay Aya. Hindi naman siya nagsalita. Kaagad na naghari ang inis sa puso ko sa reaksiyon niya. “Bahala na nga kayo parehong bobo,” inis kong wika at umalis na. Nakakainis si Aya. Gusto kong sakmalin siya’t tanggalan ng hasang sa leeg kung meron man siya. Nakakainis siya. Ano ‘yon? Alam naman niyang may something sa utak ng ex niya tapos magaganoon siya sa harapan ko? “Gago ka Jeremiah!” matigas kong saad. Nangigigil ako sa kaniya. “Hindi talaga kita papansinin sinasabi ko sa ‘yo. Kunwari ka pang wala ng paki sa ex mo pero halata namang baliw na baliw ka pa rin sa kaniya. Kaya ka siguro nakikipag-close sa ‘kin para saktan ako ulit. Gago ka! Sayang lang ang pagtingin ko sa ‘yo.” Huminga ako nang malalim at hindi ako natutuwa ngayon.Bwesit na bwesit ako. Hindi ako natutuwa. Pumara na ako ng taxi at dumeritso sa bahay ng parents ko. Pagpasok ko nga ay kaagad na dumeritso ako sa kusina. Nakita ko naman si Mama na nagluluto ng carbonara. “Oh anak, bakit ka nandito?” tanong niya. Kumunot naman ang aking noo. “Bakit Ma? Hindi na ba ako welcome sa pamamahay na ’to?” nagtatampo kong sagot. Ngumiti naman siya at pinaghain ako. “Ito naman nagtatampo agad. Okay ka lang ba? You look annoyed,” aniya. Napatingin ako sa pagkain at umiling. “Ma, bakit pumayag kayo kaagad na ipakasal ako kay, Jeremiah? Dahil ba sa mayaman sila?” tanong ko. “Wala na bang ibang paraan para maisalba ang negosyo natin?” Hindi naman agad siya nakasagot. Umupo siya sa kaharap kong upuan at nagsalita. “Anak, mababait sila. Mabubuti silang tao. Maliban sa merging ng company nila at company ng lola mo ay sigurado akong nasa mabuting kamay ka na. Mabait si, Jeremiah at nakikita ko namang nagkakaintindihan kayo. Masaya na kami roon,” aniya. “Ma...p-paano kung...kung hindi ako masaya sa buhay ko ngayon?” sambit ko. Kaagad na nalito naman siya. “Paanong hindi masaya anak?” “Paano kung sa ibang bansa talaga ang nakatadhana sa ‘kin? Paano kung doon talaga ako nababagay. Paano kung ibang tao talaga ang nakalaan para sa ‘kin?” tanong ko. Tiningnan niya lang ako at huminga nang malalim. “Anak, kapag may control tayo sa isang bagay siguro bago tayo makagawa ng pagkakamali ay naitatama na natin kaagad. Wala tayong pagsisisihan,” saad niya. Naguluhan naman ako sa sinabi niya. “Ang ibig kong sabihin ay ang mga bagay na nangyayari sa ‘tin ay may mga rason. Hindi mo mapipigilan kung ano ang susunod na mangyayari. Hindi mo kontrolado kung ano ang mangyayari bukas. Kahit nga ang plano ay nagbabago. Bakit? Hindi ka na ba masaya sa buhay mo ngayon anak?” tanong niya. Hindi ko naman alam kung ano ang isasagot sa kaniya. “Pasensiya ka na anak kung nadamay ka pa sa nangyayari sa pamilya natin. Pasensiya ka na kung kinakailangan mo pang isakripisyo ang sariling kaligayahan mo para sa amin,” malungkot na wika ni mama. Kaagad na tumayo naman ako at nilapitan siya. Niyakap ko siya nang mahigpit. “Alam niyo namang para sa inyo gagawin ko ang lahat. Hindi ko kayang makita kayo na nahihirapan,” saad ko. Napaluha nman siya kaya kaagad ko iyong pinunasan. “Mama,” saway ko sa kaniya. “Anak, alam ko naman eh. Alam ko namang inaasam mo rin iyong buhay na gusto mo. Alam kong naiipit ka na sa sitwasiyon mo ngayon. Kung may magagawa lang sana ako anak ginawa ko na. Matanda na ako at hindi ko na kayang humanap ng sugar daddy,” aniya. Kaagad na natawa naman ako. Pinunasan ko ang luhang umeskapo sa mata ko. Paano ko ba sasabihin kay mama na pagod ako ngayon? Na wala ako sa mood at marami akong iniisip. Pagod na pagod ang pakiramdam ko sa utak ko. Parang hindi ko kakayanin ang bigat. Gusto ko lang siyang yakaapin nang mahigpit para kahit papaano ay maibsan ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Gusto kong matulog sa balikat niya at maging bata ulit. “May problema ka. Sabihin mo sa ‘kin,” mahinahong sambit niya. Umiyak lang ako at hindi nagsasalita. Nang mailabas ko ang bigat na nararamdaman ay lumayo na ako sa kaniya. “May mga iniisip lang ako Ma.” “Kung nabibigatan ka na anak alalahanin mong nandito lang ako para sa ‘yo. Bigatan pa natin lalo,” wika niya. Nagtawanan naman kaming dalawa. Ngayon lang ulit kami nagkausap ng ganito. Kapag kasi nandito si Lilac talagang nagiging pagtatalo ang kinahahantungan. Humingos ako at nagpatuloy na sa pagkain. “Anak, kung minsan mas masaya ring magrebelde. Mas masaya ring piliin ang landas kung saan magiging masaya ka. Alam kong darating ang araw na ‘yon. Hindi man ngayon pero sigurado akong hindi magtatagal magiging masaya ka rin.” Tumango naman ako. Naniniwala ako roon. Alam kong pagdating ng araw ay magiging maligaya na rin ako. Hindi ko na kailangang sumunod sa kung ano ang sinasabi ng mga nakapaligid sa ’kin. Una dahil maldita akong tunay. Wala na akong magagawa roon pero mabuti akong tao. Magkaiba ang maldita sa masamang tao. “Pero umaasa pa rin ako na sana kayo na lang ang magkatuluyan. Napakabait ng anak ni, Sarah. Alam kong pagdating ng panahon ay mabibigyan ka niya ng magandang future.” Pagkatapos nga naming mag-usap ni mama ay umuwi na ako sa bahay. Nakita ko ang sasakyan ni Aya. Pumasok na ako sa loob at nakaupo lang siya sa couch. Hindi ko naman siya pinansin. “You’re home,” wika niya. Tumango lang ako at dumeritso sa aking kuwarto. “Nakakain na ako sa bahay, huwag ka ng mag-abala,” saad ko at isinara na ang pinto. Bahala na siya kung ano ang isipin niya basta ayaw ko muna siyang makita. Naiinis lang ako sa pagmumukha niya. Ginawa niya akong katawa-tawa roon sa harap ni Marice. Kung gusto niya pa pala ang ex niya sana sinabi niya hindi iyong kung ano-ano ang pinagsasabi niya sa ‘kin. Wala talagang character development ang tarantadong ‘yon. Nakakainis siya! Nangigigil ako sa kaniya. Humiga ako sa kama pagkatapos kong magbihis. Nakatitig lang ako sa kisame at hindi ko alam kung ano ang gagawin ngayon. Sobrang aga pa kasi para matulog. Ipinikit ko ang aking mata at kaagad na naibuka nang makita ang nakangiting mukha ni Aya. “Ano ‘yon?” Kinuha ko na lang ang aking cellphone at napakunot-noo nang may message sa f*******: account ko galing sa Mommy ni Theo. Binuksan ko naman iyon at natutop ko ang aking bibig. Mga kuha iyon na may kahalikang iba si Theo. Nakangiti ito at tila nag-e-enjoy. “I know you’re not convinced. I’ve sent the whole video so you’ll believe it. I’m a woman too so I personally think that you deserve to know this. You don’t deserve my son, and he does not deserve you too.” Nanginginig ang kamay ko na pinindot ang video at nagsituluan ang luha ko sa nakikita. He seemed a little drunk dancing sexily with another woman. Mukhang ang saya-saya niya pa. Ilang saglit pa ay naging mas malapit sila at naghalikan na nga. Saan ba hahantong ang halikan na ‘yon? I feel so betrayed. Ito ba ang balik niya dahil sa ginawa ko sa kaniya? “Leave my son please, Daisy.” Nakatingin lang ako sa account ng Mommy niya at mabilis na bin-lock iyon. Ganoon din kay Theo. Nag-iwan lang ako ng maliit na message. Screenshot ng mga ginawa niya at goodbye. Nakapikit lang ako at ramdam ko ang sakit at poot sa dibdib ko. Nagsihulugan ang luha sa mata ko. Tiningnan ko ulit ang video at nagulat dahil it was dated back then. Ang ibang videos ay recently lang kinuha. Nanginginig ang kamay ko at hindi ako makapaniwala sa ginawa niya. Bakit niya nakayang gawin sa ‘kin ‘to? Kaya ba nag-aalangan pa rin ako sa kaniya noon pa? Itinapon ko sa gilid ang phone ko at parang sasabog na ang ulo ko sa mga nangyayari. Ang bigat-bigat ng pkiramdam ko. Akala ko dahil may nararamdaman na ako para kay Aya ay hindi na masiyadong masakit pero mali ako. Ang sakit-sakit pa rin pala. Kinakarma na ba ako? Habang kinokonsensiya ako araw-araw dahil sa mga nangyari dahil pakiramdam ko I am cheating pero he cheated on my back. Kaya siguro pumunta rito dahil nakonsensiya ang gago. Pinaniwala niya akong mahal na mahal niya ako lintik siya! Hindi ko inakalang kaya niyang gawin sa ‘kin ‘yon. Ang tagal na namin pero naakuha niya pa ring magsinungaling. Nagsinungaling siya sa harap ko. Alam kong marami akong pagkukulang pero alam ko rin na hindi ko deserve ang ganito. Naging mabuti akong girlfriend sa kaniya. Pinaliwanag ko sa kaniya ang sitwasiyon ko. Kino-consider ko ang lahat para sa kaniya pero ano itong ginawa niya? Ilang sandali nga ay tumunog ang cellphone ko. Tumatawag siya gamit ang account ng kaibigan niya. Ayaw ko sanang sagutin pero gusto ko siyang bawian kahit kaunti lang. “Babe, I know I’m wrong. Let me explain it,” aniya. Tiningnan ko naman siya at nginitian nang plastic. “What? Why would you explain? I saw it all. For what Theo? So, you could lie to me again? You lied straight in my face and now what?” Kino-control ko ang sarili ko na huwag mapasigaw sa galit dahil paniguradong ang isang tinik sa buhay ko ay maririnig ako. Pupuntahan na naman ako rito. “Daisy, it’s not like that. I know, I did wrong. But I was hurt too. You lied to me too,” aniya. Natawa naman ako nang pagak. “Since when did I lie to you, Theo? We both know that I didn’t. Yes, I did have my fair share of mistakes but I told you about it. You know my situation. Is this how you cope up with your pain? Finding warmth in another woman’s bed? You know what? f**k you! I should have broken up with you years ago. How many times did you sneak behind me, Theo? Is this because I can’t give you s*x? Ang babaw ng pagtingin mo sa pag-ibig you freak!” “Daisy please, let’s talk this through. I’ll come back there, don’t break up with me baby please. Fine, it’s all my fault just don’t leave me,” sagot niya. Imbis na makaramdam ako ng awa ay lalo akong nabwesit sa kaniya. “Gaslighting huh? You know what Theo? Hear this. Putang-ina mo!” matigas kong wika at pinatay na ang tawag. In-off ko ang cellphone ko at basta na lang itinapon iyon sa kung saan. Napahilamos ako sa mukha ko at hindi na napigilan ang sarili ko na humagulhol sa sakit. “Gago ka Theo, gago ka!” Napaupo ako sa gilid ng kama at pinipilit ang sarili ko na kumalma. Ang sakit-sakit lang ng ulo ko. Namamanhid na yata ang buong katawan ko sa sakit. Tahimik lang akong umiiyak at tanging paghingos lang ang kaya kong gawin. Alangan namang lakasan ko ang boses ko para ano pa? Napatingin ako sa pinto nang may kumatok. Wala akong lakas na tumayo. Sinubukan kong ayusin ang boses ko bago sumagot pero hindi rin nakisabay. “B-Bakit?” Ilang saglit pa ay bumukas ang pinto at binuksan niya ang ilaw. Kaagad na nag-abot ang paningin namin. Kunot na kunot ang noo niya habang nakatingin sa ‘kin. “What happened? Hindi ko naman siya masagot. Lalo lang akong naiiyak dahil halo-halo na ang nararamdaman ko ngayon. Kaguluhan, disappointment, heartbreak, confusion, at hiya. Hindi ko maipaliwanag ang hiyang nararamdaman ko ngayon dahil sa hitsura ko pero wala na akong pakialam.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD