“Happy birthday to you, happy birthday to you, happy birthday, happy birthday, happy birthday to you.”
Kaagad na hinawakan naman ni Daddy ang cake ni Mommy Sarah.
“Make a wish darling,” saad ni Dad.
“Erm...” Tumingin siya sa gawi namin ni Aya.
“I wish for a grandchild hopefully after they graduate which is happening soon. If it would be early, much better,” sagot niya at nag-blow na ng candle. Kaagad na nagkatinginan naman kami ni Aya at humiyaw naman sa tuwa si Lilac at parents ko. Tinutudyo pa kami.
“Daisy anak, narinig mo ‘yon ha. Ang wish ni, Sarah ay wish naming lahat. Sama-sama na para mas mabilis mangyari,” wika ni mama. Napakamot naman ako sa ulo ko. Hindi na ako kumontra at ayaw kong sirain ang kasiyahan nila. Magna-night swimming sila at wala ako sa mood na sumama. Gusto kong mapag-isa at maglakad sa dalampasigan. Gusto ko ang tunog ng dagat at tahimik na gabi. Napakaganda pa ng buwan kaya lalo akong ginanahang maglakad. Pumunta ako sa kuwarto at kita ko naman sila sa labas na nag-e-enjoy sa infinity pool ng villa. Kinuha ko ang aking hoodie at nagsuot na ng tsinelas.
“Where are you going? Hindi ka ba magsi-swimming kasama sila?”
Napalingon naman ako at nakita si Aya na kapapasok lang. Nagkibit-balikat naman ako.
“Wala ako sa mood na mag-swimming ngayon. Gusto kong maglakad-lakad sa dalampasigan,” sagot ko. Umupo siya sa kama at nakatingin lang sa ‘kin.
“Bakit?” tanong ko.
“May mali ba sa suot ko? May dumi ba ang mukha ko?”
“No, maganda ka naman kahit pa may dumi ang mukha mo,” sagot niya at iniwas ang tingin sa ‘kin. I pursed my lips and looked away too. Gusto kong ngumiti pero pinipigilan ko lang. Kinikilig ako sa simpleng pagpuri niya sa ‘kin.
“Totoo ‘yan ha. You better not take it back,” saad ko at tumawa.
“Of course not! I meant what I said. You’re very pretty, Daisy,” seryosong sagot niya. Napalunok naman ako at heto na naman. Parang hindi na naman ako makahinga. Tinatambol na naman ang puso ko na para bang lalabas na iyon sa ribcage ko sa sobrang lakas.
“T-Thank you,” mahina kong wika. Ngumiti lamang siya.
“What Mom said earlier, don’t take it seriously,” aniya. Parang may kung anong kumudlit naman sa puso ko. Medyo masakit iyon ha. Ayaw ba niya? I mean kahit sa thought lang ayaw ba niyang magkaroon ng anak sa ‘kin?
“Haha, o-oo naman,” sagot ko.
“Don’t get offended, okay? What I mean is don’t feel pressured. I know they’re hoping for the both of us but we are aware where this thing will end. Ayaw ko mang paasahin sila but this is it,” wika niya.
“K-Kung sakaling iba ang sitwasiyon Aya...” napalunok ako at tinitigan siya sa mata. Nakatitig din siya sa ‘kin.
“Gugustuhin mo bang magkaanak sa ‘kin? Kung sakaling wala si, Theo at wala si, Marice may chance bang maging okay tayo? May chance ba na mag-work ang arranged marriage natin?” tanong ko sa kaniya. Natigilan naman siya at ang tagal bago siya nakasagot. Lalo akong nakaramdam ng sakit sa puso ko. Para iyong pinilipit. Ganoon ba kahirap ang tanong ko? Pilit na ngumiti ako at tumalikod.
“Forget it, it was just a random thought. Kalimutan mo na lang,” wika ko at akmang aalis na nang magsalita siya.
“Would you take the risk with me if ever?” aniya. Napalunok naman ako at bahagyang nilingon siya. Seryoso siyang nakatingin sa ‘kin.
“If it’s all between us, would you take the risk with me, Daisy? Because I would love to be your husband and the father of our children,” sagot niya. Sumikdo ang puso ko at napanganga na lamang ako sa isinagot niya. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Hindi ako makagalaw lalo na nang makalapit na siya sa ‘kin. Napatanga ako sa kaniya.
“If you’d say that you’ll take the risk with me, I’ll promise you that I will do everything to make things right. I will face Theo and our family for us,” dagdag niya pa. Nagkatitigan kami and I can’t look away from him. Masiyadong makapangyarihan ang titig niya.
“J-Jeremiah...”
Nagulat ako nang hawakan niya ang kamay ko. His left hand caressed my face. Para akong nahihipnotismo sa ginagawa niya. Nakatitig siya sa mata ko tapos sa labi ko. If he’s teasing me right now, he’s doing a great job. Nalulula ako sa mata niyang nangungusap.
“Answer me, Daisy,” saad niya. Napaatras naman ako at hindi ko namalayang napasandal na ako sa wall. Bahagya niyang hinahawi ang iilang hibla ng aking buhok. Kaunti na lang at mag-aabot na ang aming labi.
“I-I...”
“Nandito lang pala kayo. Kanina pa kayo hinahanap ni---OMG! I’m sorry,” wika ni Lilac. Mabilis na naitulak ko naman si Aya at hindi ko alam kung paano magpapaliwanag.
“Lilac! I-It’s not what you think,” saad ko. Ngumisi naman siya at nilingon si Aya. Ipinakita niya ang two thumbs up niya.
“Sinasabi ko na nga ba. Good job bayaw! Kunwari aayaw-ayaw ka pa Ate eh halata namang gusto mo pa rin siya. Sige na, take your time. Ako na ang bahalang magpaliwanag sa kanila,” aniya at kinindatan pa kami bago umalis. Akmang susundan ko nga nang hawakan ni Aya ang kamay ko. Mabilis na nahila ko iyon dahil parang nakuryente ako. Kita ko namang parang nagulat siya.
“Erm...a-aalis na ako. S-Sige,” nagmamadali kong sambit at patakbong lumabas ng kuwarto. Dumeritso ako sa tabing dagat at ilang beses na huminga nang malalim. Nag-inhale, exhale ako hanggang sa mapagod. Napahawak ako sa aking dibdib at kakaiba talaga ang nararamdaman ko ngayon.
“Daisy ano ba? Ano ba ang nangyayari sa ’yo ha? Hindi mo dapat nararamdaman ‘to. You have a boyfriend. You’re not a cheater,” kausap ko sa aking sarili. Pinukpok ko pa ang ulo ko nang ilang beses. I can’t have feelings for Aya again. I just can’t. Maliban sa nangyari noon ay committed ako kay Theo. I can’t hurt him. Hindi puwede ang nararamdaman ko. Napaupo ako sa gilid at napatingin sa langit.
“Lord, bigyan niyo naman po ako ng sign oh. Ang ganda ng panahon ngayon. Kung uulan ngayon iisipin kong sign na iyon to end things with Theo and to start anew with Jeremiah. I’ll talk to him and settle everything,” wika ko.
Napabuga ako ng hangin at naghintay ng ilang oras. Kaso lalong dumami ang mga bituin sa langit. Anbg bigat-bigat ng pakiramdam ko ngayon. Para bang dinadagan ako ng ilang tao. Hindi ko na maintindihan ang sarili ko. Nagkakagusto na nga ba ako kay Aya?
Nakatingin lang ako sa dagat at sa mga mumunting alon na tumatama sa paa ko. Buti pa sila walang problema. Hindi ko na tuloy alam kung papaano ‘to. Pagtingin ko sa relos ko ay past ten na. Napasimangot ako at wala talagang ulan. Sa dami kasi ng sign na puwedeng hingiin bakit ulan pa? Sana flowers na lang. Kunwari may makikita akong pink na flowers ganoon. Kinaltukan ko ang sarili ko at tumayo na. Bumalik na ako sa villa nang mapansin ang patak ng tubig sa kamay ko. Napatingin ako roon tapos sa langit.
“Daisy! Pasok na at uulan na yata baka magkasipon ka!” sigaw ni mama na naliligo sa pool.
Nanlaki ang aking mata at patakbong pumasok sa villa nang biglang lumakas ang ulan.
“Whoo! Ang saya!”
Mukhang natuwa pa sila na umuulan habang nagtatampisaw sa pool.
“Grabe, akalain mo ‘yon. Ang ganda ng weather kanina bigla na lang umulan,” wika ni Mommy Sarah.
“Kaya nga, siguro may humiling ng ulan. Nilalamig na tuloy ako,” saad naman ni Mama.
“Hindi siguro masaya sa buhay niya ang humihiling ng ulan ngayon. Mabilaukan sana,” sambit naman ni Lilac. Napalunok naman ako. Guilty ako kasi humiling ako ng ulan kanina.
“Lord? Ito na ba ‘yon? Ito na ba ang sagot?” saad ko sa aking isipan. Napakaimposible ng hiling ko pero nangyari.
“Ate halika na! Maligo ka na,” tawag sa ‘kin ni Lilac. Aayaw sana ako pero papunta sa kinaroroonan ko si Aya kaya mabilis na pumunta ako sa pool. Hinubad ko ang aking hoodie at bigla na lang tumalon. Napahiyaw ako sa sobrang lamig. Bahala na basta nakalayo na sa kaniya. Ayaw kong lingunin siya.
“Hoy! Ang weird ha. Kanina lang ang sweet niyo tapos ngayon parang napapansin kong iniiwasan mo siya. Ano ha?” aniya at halatang tinutukso ako.
“Tumahimik ka,” saway ko sa kaniya.
“Mommy, Tita, alam niyo bang may nakita akong kababalaghan kanina. Kung ano ang iniisip niyo iyon na ‘yon,” saad niya at ngumisi nang malaki. Nanlaki naman ang mata ko at kaagad na tinakpan ang bibig niya. Tawa nang tawa naman sila.
“Lintik ka!”
“Kuya Aya! Mukhang nanghinayang si, Ate dahil ‘di natuloy kanina. Kaya ka siguro iniiwasan.”
Napapikit ako at napahawak sa aking buhok. Huminga ako nang paulit-ulit at basta na lang lumubog sa tubig at hindi ko na kaya ang kahihiyang ginagawa ng kapatid kong bruha, baliw, tonta, gaga. Bwesit siya! Pag-ahon ko ay nakita ko si Aya na nakangiting nakaupo sa gilid ng pool kung saan ako naroroon. Mabilis na lumubog ako ulit at lumayo sa kaniya. Hindi ko talaga kaya. Bahala na siya kung magalit siya sa sa ‘kin. Nang makaramdam ng gutom ay kaagad na umahon na ako at hinanap ang suot kong hoodie kanina at sobrang lamig.
“Here.”
Napalingon naman ako and it was him. May hawak na tuwalya kaya kinuha ko na rin.
“S-Salamat,” saad ko at pumunta sa malaking mesa sa unahan. Maraming pagkain kaya nilantakan ko na lang iyon. Nakakagutom pa lang mag-swimming. Nakaupo lang ako sa upuang gawa sa kahoy at itinaas ang aking paa. Humahangin din kasi kaya lalong lumamig.
“Are you okay? Magbihis ka na muna,” wika ni Aya na nakaupo na ngayon sa kaharap kong upuan.
“Hindi, okay lang ako. T’saka gusto ko pang kumain,” saad ko. Tumango lamang siya. Tumayo siya at pumasok sa loob. Nagkibit-balikat naman ako kung ano ang kukunin niya roon. Lalo kong hinigpitan ang pagyakap sa tuwalya.
“Here, eat this,” saad niya. Napatingin naman ako sa dala niya at spicy noodles soup iyon. Mayroon ding para sa kaniya.
“T-Tank you nag-abala ka pa.”
“Kainin mo na habang mainit pa para mainitian na rin ang tiyan mo. I know you’re freezing,” wika niya. Hindi na rin ako nagreklamo pa at napapikit nang mainitan ang aking tiyan. Napangiti ako at bumalik na sa pagkain.
“Ayaw mong maligo?” usisa ko.
“Nah, the waters too cold for me,” sagot niya.
“Hindi naman, keri lang. Kapag nakapagtampisaw ka na hindi na malamig. Kapag aahon ka naman iyon panigurado lalamigin ka talaga,” sambit ko. Tumango naman siya. Bumalik na ako sa pagkain ko at tumitig na naman siya sa ‘kin. Wala na rin ang ulan. Bigla ay naging okay na rin ang panahon. Nagsilabasan na rin ang mga bituin. Ano ‘yon? Sumasabay ba sa ‘kin ang tadhana? Itong taong nasa harapan ko ba talaga ang para sa ‘kin? I asked for the impossible but it happened.
“Aray!” reklamo ko nang mapaso ako sa sabaw.
“Hey,” aniya at nilapitan ako.
“Saan ka napaso?” nag-aalalang tanong niya. Nakagat ko naman ang aking labi at ang dila ko lang naman ang napaso.
“Okay lang ako, mawawala rin ‘to. Ang dila ko ang napaso,” sagot ko. Natigilan naman siya.
“Are you sure you’ll be fine?” paninigurado niya. Tumango naman ako. Bumalik na siya sa kinauupuan niya at kumakain-kain din ng kahit ano. Parang nagkukunwari nga lang kumain eh. Tumayo na ako.
“Saan ka?” tanong niya.
“Maliligo?” patanong kong sagot.
“You’re not going to sleep now? It’s almost eleven pm,” wika niya. Ang totoo ay gusto ko na ring umahon pero kumakaway kasi ang tubig kahit malamig.
“Mamaya,” sagot ko. Hindi na ako nakinig sa kaniya at tumalon na sa pool. Hinahabol-habol ko si Lilac at pinagsasampal ang likod. Hiyaw naman siya nang hiyaw.
“Kayong dalawa, tama na ‘yan. May iiyak na naman mamaya sinasabi ko sa inyo. Ang tatanda na para pa ring mga bata,” saway ni mama sa ‘min. Nag-iinuman sila ng wine sa gilid.
“Pikon kasi ‘yang si, Daisy Mommy,” ani Lilac. Napakasipsip talaga ng walang hiya.
Ilang oras pa kaming nagtampisaw bago ako nakaramdam ng pagod. Umahon na ako at pumasok na sa loob para magbihis. Pagpasok ko sa kuwarto ay mainit. Mukhang hindi binuksan ni Aya ang aircon. Kanina kasi ay napakalamig.
Napatingin ako s apaligid at wala siya pero bukas ang veranda. Papunta na ako sa bag ko nang makita ang pajama at t-shirt ko. Sa gilid ay nandoon ang undergarments ko. Napapikit ako sa sobrang hiya. Pakiramdam ko ay matutunaw ako. Bakit niya pinakialaman ang gamit ko? Nakalagay naman iyon sa maliit na zip lock kaya nakahinga ako nang maluwag.
Pumasok na ako sa bathroom at nagbanlaw. Mainit naman ang tubig kaya okay lang. Nagbihis na ako at paglabas ko ay nakita ko si Aya na nakasandal sa headboard ng kama at may binabasang libro. Umupo ako sa gilid at nagsimulang i-blower ang buhok ko. Nagulat ako nang hawakan niya iyon.
“Ako na,” aniya.
“H-Hindi ako na, nakakahiya naman sa ’yo,” sagot ko. Iniiwasan kong mag-abot ang tingin naming dalawa. Hindi rin naman siya nagpatinag kaya siya na ang nag-blower ng buhok ko. Napalunok ako at hindi ko alam kung ano ang gagawin. Ramdam ko ang magaan niyang haplos sa aking buhok. Tila nagsisitaasan ang buhok ko sa batok dahil sa hawak niya.
Napapikit ako at ilang minuto lang naman ay natapos na.
“Thank you,” saad ko at inayos na ang blower. Natigilan ako at napatingin sa malaking kama. Nagdadalawang-isip ako kung ano ang gagawin o sasabihin sa kaniya.
“Doon ako sa gilid. Don’t worry hindi naman ako mapagsamantala,” aniya. Alam ko naman ‘yon. Hindi rin ako puwedeng tumabi kay Lilac dahil baka isipin ng parents ko ang OA ko masiyado. As if hindi sa iisang bahay kami nakatira ni Aya. Hindi naman kasi nila alam na hindi kami magkatabi kung matulog. Umusog na siya kaya humiga na rin ako. Tumagilid ako at nakatalikod sa kaniya. Huminga ako nang malalim at nagkumot. Tahimik masiyado kaya ang tenga ko sobrang sensitive sa ingay.
“Are you sleeping?” tanong niya.
“Hindi pa pero malapit na,” sagot ko.
“Iniiwasan mo ba ako dahil sa nnagyari kanina?” tanong niya. Natigilan naman ako.
“B-Bakit naman kita iiwasan?” sagot ko. Kahit ang totoo ay tlagang iniwasan ko siya kanina.
“If I’m making you feel uneasy just tell me. Ako na ang llayo. You don’t have to stay away from me. Hindi lang ako sanay na iniiwasan. Parang masiyadong mabigat sa ‘kin na ganoon,” aniya. Gusto ko siyang lingunin pero pinipigilan ko lang.
“You’re making me feel awkward at the same time comfortable. Ang totoo is yes. Hindi ako mapalagay dahil sa nangyari kanina and I don’t know. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko, Aya. I want to do things right pero ang daming bumabagabag sa akin. Maraming bagay ang nakakapagpabagabag.”
“Like what?”
Nilingon ko naman siya. Umayos ako sa pagkakahiga ko paharap sa kaniya. Ganoon din naman siya. Napakaguwapo niya talaga.
“Natatakot ako dahil paniguradong may masasaktan ako. Okay na sa ‘kin na ako na lang ang masaktan. Ayaw kong makasakit ng iba kasi alam kong hindi iyon magiging madali. Ayaw ko ring makaramdam ng disappointment ang parents ko sa ‘kin. Alam kong sisisihin nila ang sarili nila kapag nalaman nila ang sitwasiyon ko. They would probably ask me why did I hide the truth to them. Alam kong they only want the best in me at naiisip nilang youa re the best for me. Ang sama ko bang babae kung sasabihin kong tama sila? Habang magkasama tayo nare-realize ko ring you are too good to be true. Masiyado kang perfect para sa ’kin. I don’t deserve you, Jeremiah,” sambit ko.
Nakatitig lang siya sa ‘kin.
“I’m far from being perfect. Pinalaki lang ako ng mga magulang ko na ganito. But I have my fair share of negativity in life too. Masiyado ba akong mataas para sa level mo? I only want to do this because it’s you, Daisy. I want to be perfect for you but I am far from that, not even close enough.”
Napalunok naman ako. Natigilan ako nang abutin niya ang mukha ko. Ang init ng kamay niya sa mukha ko.
“I tried to be the best for you. I want to be the best for you. At least you can tell me why I am doing this. Kahit iyan lang sana may ideya ka,” wika niya. Sinalubong ko naman ang tingin niya.
“But I’m in a relationship with Theo. Hindi ko siya kayang saktan, Aya. He’s too kind. Alam kong sobrang nasaktan siya nu’ng nalaman niya ang tungkol sa ‘tin. Aya, I’m afraid to inflict him pain dahil alam ko na hindi iyon madali. Alam ko na mahihirapan siya at ganoon din ako. I love him and I know he loves me too,” saad ko. Kita ko naman ang pagkurap niya at tipid na ngumiti sa ‘kin.
“I understand, I’m sorry,” aniya at huminga nang malalim.
“I should have known where should I put myself into. Nakalimutan ko bigla kung ano ang real score natin. Umasa ako, Daisy and I’m sorry kung nagulo ko ang pag-iisip mo. Hindi ko dapat sinabi ang mga bagay na ‘yon pasensiya ka na,” aniya at umayos na sa pagkakahiga. Nakatingin lang ako sa kaniya at nakokonsensiay ako. Lalo akong nahihirapan ngayon. Unti-unti ng tumitibag ang wall sa gitna naming dalawa pero natatakot pa rin akong daanan iyon. Takot ako na baka masaktan na naman ako. I can take the risk but what about Theo? Naging mabuti siya sa ’kin and I’m happy being with him. Hindi ko siya kayang saktan. Hindi bale na kung ako na lang.
Habang nakatingin ako sa likod ni Aya ay napapikit ako.
“Daisy.”
Nagulat ako nang maramdaman ang dalawang kamay niya sa balikat ko.
“You’re not rejecting me, right? We still have a lot of time. Alam kong nahihirapan kang magdesisyon. But I want you to know that I am willing to wait. Whatever happens, happens. Puwede bang kahit isang beses lang ay makinig ka sa puso mo? If your heart still calls for Theo, I will help you. Gagawin ko ang lahat para matapos na ang marriage natin. I will do my best to give back the freedom that you wanted. But if you feel that I have a space in your heart, trust me I will never waste it. Sisiguraduhin kong I will fill all that space in your heart. Gagawin ko ang lahat kahit pa ang harapin si, Theo. I don’t care kung ilang beses niya pa akong suntukin as long as at the end of the day you’ll be mine again,” saad niya.
Kumunot naman ang noo ko.
“Huh?”
“I mean what I said,” aniya. Napalunok naman ako. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kaniya.
“P-Paano si, Marice?” usisa ko.
“What about her? Matagal na siyang wala sa buhay ko. Tapos na kami noon pa. If ever she’ll pester you, don’t worry ako na ang bahala,” sagot niya. Napakurap-kurap naman ako.
“Sigurado ka ba sa ginagawa mo, Aya? What if at the end of the day si, Theo pa rin ang gusto ko? What if it was him still? Kaya mo bang tanggapin ang lahat?” sambit ko.
“I already told you the answer, Daisy. If it’s him then I will help you with your problem. If it’s me, I will talk to him,” sagot niya. Hindi naman ako makapagsalita.
“Nag-aalangan ka ba sa ‘kin? Natatakot kang mag-take ng risk kasi baka saktan na naman kita ulit hindi ba? Takot kang bigyan ako ng chance dahil baka iwan kita ulit sa ere. Pinagsisihan kong ginawa ko ‘yon noon. Daisy. Kung alam ko lang na it would make a great impact in your life sana hindi ko ginawa ‘yon. I should have talk to you privately kahit pa mga bata pa tayo noon,” wika niya. Umiling naman ako.
“What happened before is meant to happen. Wala naman na akong magagawa roon. Isa pa matagal na iyon. Bata pa tayo at hindi pa mature kung mag-isip. Walang pakialam kung nakakasakit o hindi. It was painful and embarassing for me but it would be more painful kung ngayon iyon nangyari. Just don’t play games with my heart and we’re okay. Huwag mo akong paglaruan ulit, Aya dahil hindi ko rin kilala ang sarili ko kung magalit,” sambit ko.
“I know,” aniya. Tumihaya ako at napatitig sa kisame. Ipinikit ko ang aking mata at sana nga ay alam ko na sas susunod kung ano ang gagawin ko. Kailangan kong pag-iispan nang mabuti ang mga suusnod kong hakbang. Hindi ako puwedeng magpadalos-dalos.
“Matulog ka na, huwag ka ng tumitig sa ‘kin. Hindi mo ako makukuha riyan sa mga titig mo. Nakakapanlambot nga ng tuhod pero hindi mo ako madadali riyan,” anas ko. I heard him chuckled. Napangiti na rin ako.
“Good night,” aniya.