Chapter 11

4225 Words
Pagkauwi ko sa bahay ay masiyadong tahimik. Sanay naman ako pero parang iba ngayon. Dumeritso ako sa kusina at nakita ko si Aya na nag-aayos ng mga pinamili namin kanina sa grocery. Tiningnan niya lang ako tapos bumalik na sa ginagawa niya. Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay ang layo namin sa isa’t-isa kahit na malapit lang naman. Napalunok naman ako at nagkunwaring kukuha ng maiinom. Hindi talaga siya umiimik. Usually kakausapin niya ako ng kahit ano. “Erm...” Lumingon naman siya sa ‘kin. T’saka ko lang napansin ang pasa sa gilid ng labi niya. Nilapitan ko naman siya at hinawakan iyon. He looked away at parang masakit iyon. “Sandali, upo ka muna gagamutin ko,” wika ko at kinuha ang ointment sa kuwarto ko. Nakaramdam ako ng inis kay Theo. Walang kasalanan iyong tao basta na lang niyang sinapak. Pagbalik ko ay nakaupo nga lang siya at hawak ang kaniyang cellphone. Lumapit naman ako at hinila ang upuan paharap sa kaniya. “Lalagyan ko na,” saad ko. Tumango lamang siya. Busy siya sa cellphone niya at kahit nako-curious ako ay hinayaan ko na lang. “Ow,” reklamo niya. Napatingin naman ako sa kaniya at ganoon din siya sa ‘kin. Kagyat na nagkatitigan kami. Hindi ko rin alam kung bakit hindi ko kayang iiwas ang tingin ko sa kaniya. Napalunok ako at natauhan nang tumunog ang cellphone niya. Kaagad na lumayo ako. “T-Tapos na,” saad ko at mabilis na tumalikod. Dumeritso ako sa kuwarto ko at naupo sa kama. Ano ba ang nangyayari sa ‘kin? Bakit kakaiba itong nararamdaman ko ngayon para kay Aya? Napahiga ako sa kama at tumitig sa kisame. Hindi ko maipaliwanag kung ano ang nangyayari. Ilang saglit lang ay may kumatok sa pinto. Inayos ko nag aking sarili at tumayo na. Binuksan ko iyon at ang seryosong mukha ni Aya ang sumalubong sa ‘kin. “Bakit?” tanong ko. “Magluluto na ako. May gusto ka bang kainin?” aniya. Hindi ko naman alam kung ano ang isasagot. “K-Kahit ano,” sagot ko. “Hindi recipe ang kahit ano,” saad niya at natawa pa. Parang nawala naman ang tensiyon sa ‘min dahil sa sinabi niya. Isinara ko ang pinto at sumunod na lang sa kaniya sa kusina. May inilabas siyang mga ingredients kaya nagpresinta akong ako na ang maghuhugas. Pumayag naman siya. Nakamasid lang ako sa kilos niya. Ayaw ko ring ungkatin ang nangyari kanina at nai-stress lang ako. Hanggang sa kumain na kami ay pareho kaming tahimik. Ako na ang naghugas ng plato at pagkatapos ay umupo na ako sa couch. Nasa kusina pa rin siya. Nakaupo lang ako at kahit nakatuon ang aking tingin sa TV ay tinitingnan ko pa rin siya sa peripheral vision ko. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kung bakit lumalakas ang kabog ng dibdib ko sa tuwing nandito siya malapit sa ‘kin. Umupo siya sa tabi ko at may inabot sa akin. Napalingon naman ako at ang beer iyon na binili namin kanina. Kinuha ko naman iyon at binuksan niya pa muna. Isa rin ‘to sa mga napansin ko sa kaniya. Masiyado siyang perfect para sa ‘kin. Guwapo, mabait, sporty, matalino, at mayaman pa. “Are you okay?” tanong niya. “Ikaw nga ang dapat kong tanungin niyan eh. Pasensiya ka na at nadamay ka pa sa issues ko. Pasensiya ka na rin at nasuntok ka pa,” wika ko at huminga nang malalim. “I’m fine,” saad niya. Tiningnan ko naman siya. “Aya, ang dami kong kamalian sa buhay. Pakiramdam ko unti-unti na akong kinakarma dahil sa sama ng ugali ko. Kung hindi mo na kaya ang ugali ko sabihin mo lang sa ‘kin. Sa tuwing iniisip ko kasi ang nangyari at mangyayari pa lang parang nawawalan na ako ng lakas. Hindi ko alam kung kakayanin ko. Ganito na ang nangyari kanina na si, Theo pa lang ang may alam what more kung buong pamilya ko na?” problemado kong wika. “Kung hindi ka kasi magiging honest sa kanila talagang lalo kang mahihirapan. You can tell them, nandito lang ako I will help you,” saad niya. “Tsk, nasapak ka pa nga. Wala ka namang kasalanan pero nadadamay ka sa drama ng buhay ko,” sagot ko. “Dahil kasama na ako sa problema mo. Kung hindi rin dahil sa pagpayag ko hindi mo dapat pinoproblema ‘to,” aniya. Umiling naman ako. “Kahit na,” kontra ko. Uminom ako sa beer at napabuga ng hangin. Ang sarap ng lamig sa lalamunan. “Nagkausap pala kami ni, Marice. Nagtatanong kung ano ang address mo at alam niyang nasa iisang village tayo.” “Does she keep on bothering you?” tanong niya. “Hindi naman, minsan lang. Ewan ko ha pero parang psycho ‘yang ex mo. Wala ba kayong communication at ako ang palaging inaano niya?” reklamo ko. Natigilan naman siya. Hindi siya nagsasalita parang malalim ang iniisip. “I already told her to stay away from you,” aniya. Kumunot naman ang aking noo. “Sinabihan mo? Eh gusto ngang makipagkaibigan sa ‘kin eh. Obsessed masiyado ex mo sa ‘yo,” saad ko. “Bakit hindi mo balikan? Wala kayong closure ano?” “Stay away from her, Daisy. Wala na siya sa tamang pag-iisip,” saad niya. “Huh?” “She can be dangerous sometimes. It’s a good thing that you did not give our address,” aniya. “Siyempre, alangan namang sabihin ko. Para na ring ginawa kong pain ang sarili ko sa bitag niya. Kapag nalaman niya ang tungkol sa ‘tin paniguradong aawayin niya ako,” saad ko. “Don’t entertain her. Hayaan mo siya sa buhay niya. I will talk to her tomorrow para tuluyan ka na niyang huwag istorbohin,” wika niya. Tumikwas naman ang kilay ko. “Bakit ayaw mong makipagbalikan sa kaniya? Hindi mo na ba siya mahal?” usisa ko. Tiningnan naman niya ako. “Why do you look so interested?” aniya. “Gusto mo bang malaman kung sino ang babaeng dumaan sa buhay ko?” dagdag niya. Tumikwas naman ang aking kilay sa sinabi niya. “Hindi ah, ang feeling nito.” Ngumiti naman siya. “We broke up long ago. Since high school hindi ko lang maintindihan kung bakit hindi siya makapag-move on agad. Ang tagal na nu’n and she did terrible things.” “Totoo pala ang chismis na inaaway niya ang mga babaeng lumalapit sa ’yo?” tanong ko. He heaved a sigh and drunk his beer. “Yea,” sagot niya. I wonder kung gaano ka-hassle magkaroon ng ganoong tao sa buhay mo. “Bakit umabot sa ganoon? Kung okay lang sa ’yo pero kung ayaw mong sagutin okay lang din,” saad ko. “I don’t know, bigla na lang siyang naging parang obsessed masiyado. She’s so insecure. Hindi ko na rin natagalan dahil sobrang toxic niya. She will call my mother in the middle of the night and I don’t know where she got her number. Bigla-bigla na lang tapos magtatanong if I was home. She’s so paranoid. The fact that we’re just teens that time how much more if we’re matured enough. Hindi ko nga alam kung ilang tao pa ang magsa-suffer sa insecurities niya,” sagot niya. “Sa tingin ko ay hindi lang basta insecure siya sa sarili niya. She’s obsessed with you. Paniguradong lahat ng lalapit sa ’yo talagang aawayin niya. She’ll get really mad dahil baka iniisip niya ay aagawin ka,” wika ko. Tumango naman siya. “That’s exactly what she’s doing.” “Kinausap mo na ba siya tungkol dito?” “Ilang beses na. I already told her to stop everything dahil sobrang nabibigatan na ako. Piniperwisyo niya na ang buhay ng iba. Mahirap para sa ‘kin na ganoon na lang. paulit-ulit na lang and she doesn’t care. Iiyak lang siya sa ’kin magso-sorry and then gagawin na naman. She’s too paranoid. She needs help mentally,” wika niya. Sumang-ayon naman ako. “Who knows what she will do beyond that because of her jealousy,” sambit ko. “Kaya natatakot ako at baka ikaw ang pagdiskitahan niya. Hindi ko alam kung ano pa ang kaya niyang gawin,” aniya. Ngumiti naman ako nang tipid. “Hayaan mo, kaya ko naman ang sarili ko. I know self-defense,” sagot ko. Lumingon naman iya sa ‘kin at ngumiti. “Really?” “Yep! Nu’ng nasa ibang country ako namalagi kailangan kong makasiguradong maayos at safe ako. Kaya sumali ako sa taekwondo roon at ganoon din sa firing range. Nag-enroll ako para naman kung ano ang mangyari may laban ako kahit papaano.” “That’s wise,” komento niya. I smiled at him lightly. Hindi ko maintindihan pero sobrang gustong-gusto ko ang ngiti niya. “Pero noon ba okay kayong dalawa? I mean, alam mo na. Ganoon naman ‘di ba? Sa tingin mo may trigger ang actions niya?” usisa ko. Tiningnan niya naman ako at tinanguhan. “She grew up insecure and she always believe that everyone who’s coming into her life will leave her one day. She was so afraid of being alone. Dumarating siya sa ponto na ganoon. There’s nothing wrong about her dahil naiintindihan ko siya. She was so traumatized dahil both parents niya ay iniwan sila ng Ate niya. Siguro lumala iyon lalo na nu’ng nag-asawa na ang Ate niya. She was forced to survive being alone. She’s kind but she thinks too much. Hindi ko rin siya maintindihan minsan dahil sa dami ng mga sinasabi niya. No matter how much I assured her that I am always there for her hindi siya naniniwala. Wala naman akong planong iwan siya dahil alam ko kung gaano kasakit iyon para sa kaniya. Pero habang tumatagal para akong mauubos. Nakikita ko kasing parang naging mas lumalala na siya nu’ng naging kami. She’s not like that before pero bigla ay nanibago ako sa ugali at kilos niya. Maybe ganoon talaga. We never know someone’s personality unless we spend time with them,” aniya. “Naaawa ako sa sitwaisyon niya pero hindi rin kasi tama na madadamay ang ibang tao. K-Kung okay lang sa ’yo, iyong ginugulo niya na ang mama mo katatawag was that the turning point na naisip mong kailangan mo ng tapusin ang sa inyo?” usisa ko. Umiling naman siya. “May binugbog siya sa school. It was brutal at ilang beses na rin siyang pinatawag. She was almost kicked out kahit graduating na dahil sa ginawa niya. I can’t be with her anymore dahil lahat na lang pinagseselosan niya. I’m not good with her. Pakiramdam ko ay kaya nagiging bayolente siya dahil sa ‘kin. To stop her from that I need to break up with her. But things really are not easy. Ilang beses niya na akong ginugulo. My parents got a restraining order against her. Doon lang siya tumigil. And now ginugulo ka na naman niya. I’m afraid that she knew something about us kaya ka niya ginugulo,” sagot niya. Napainom naman ako sa aking beer at umayos sa aking pagkakaupo. “Okay lang ako,” saad ko. “How about you? Okay ka pa ba?” dagdag ko. Nagkatinginan kami saglit. Huminga siya nang malalim. “I am trying to be okay. I’m doing my best to be okay. Paano ba maging okay ulit, Daisy? Puwede mo ba akong turuan? Paano ba maging genuinely happy? Kasi sa ngayon hindi ko alam kung talagang masaya ako sa buhay ko. Everything about me is so boring and plain lately,” wika niya. Boring and plain? Paano niya naman nasasabi ang ganoon? “Maybe because you matured? Ganoon naman ‘di ba? Kapag nagiging matured ang pag-iisip natin bigla ay parang nawawalan na tayo ng gana sa ibang bagay na gustong-gusto natin noon? We surround ourselves with responsibilities na tsina-challenge ang capacity natin as human. We put unimaginable weight on our shoulder just to feel burdened kasi parang naging sobrang easy access na ang mundo ngayon. Ang mga bagay na minsang nagpapasaya sa ‘tin does not matter anymore.” Napainom naman siya sa beer niya. “But the reason for my happiness did not change. You’ll always be my happiness,” he mumbled. Hindi ko masiyadong marinig dahil sinadya niyang hinaan ang boses niya. “Huh? Hindi ko maintindihan ang sinasabi mo,” saad ko. “I’m happy naman kahit papaano,” aniya. Napatango-tango naman ako. “Well at least you’re happy. That’s important,” wika ko. Hindi namin namalayan ang oras at late na pala. “Matulog ka na, ako na ang bahalang maglinis dito,” aniya. “Sure ka? Tulungan na kita,” sambit ko. “No, kaunti lang naman ‘to. Sige na.” “S-Sige, ikaw bahala. G-Good night,” saad ko. “Good night,” sagot niya at tumayo na rin ako. Pagkapasok ko sa kuwarto ay napasandal ako sa pinto. Ang weird ng pakiramdam ko. Hindi ko maintindihan kung bakit pero sobrang lakas pa rin ng puso ko. Paulit-ulit na bumabalik sa utak ko ang ngit ni Aya. Humiga ako sa kama at pinilit ang sarili ko na matulog. Nagpagulong-gulong na ako at wala pa ring effect. Dapat nakatulog na ako ngayon dahil nakainom ako ng beer pero himala ata at wala talaga. “Isang usa, dalawang usa, tatlong usa, apat na usa, limang usa....” Ramdam ko ang bigat ng talukap ng mga mata ko pero hindi ko maintindihan kung ano ang problema. Bakit ba hindi pa rin ako makatulog? Kailangan ko yatang uminom ng gatas. Napatingin ako sa oras at past eleven na. Bumangon ako at lumabas ng aking kuwarto. Dim na ang ilaw ng sala at nagulat ako nang makita roon si Aya. Nakasandal lang sa couch at nakapikit. “Akala ko natulog na siya.” Nilapitan ko naman siya at natigilan ako. Napalunok ako dahil sa sobrang guwapo niya. Mukhang nakatulog nga yata siya kasi pantay na ang paghinga niya. Lumapit ako lalo at napagmasdan ko ang mukha niya. Napaka-perpekto at sobrang guwapo talaga. Ang eyebrows niya parang iginuhit to perfection. Saktong-sakto ang kapal at itim. Bagay na bagay sa pangahin niyang mukha. Ang ilong niya ay parang nililok ng iskulptor. Matangos at talaga namang parang gugustuhin mong hawakan at parang hindi totoo sa sobrang perpekto. Ang labi niya na mamula-mula at hindi gaanong kanipis o kakapal. Saktong-sakto at parang kaysarap halikan. Napalunok ako at kinurot ang sarili ko. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko at hindi ko na napigilan ang sarili kong halikan ang labi niya. Mabilis na lumayo ako at tumakbo papunta sa kusina. Hapong-hapo na umupo ako sa upuan at hinawakan ang aking dibdib. Sobrang lakas ng kabog at para bang anytime ay lalabas na lang siya basta. Bakit ko ba kasi ginawa ‘yon? Nanginginig ang kamay ko. Huminga ako nang malalim at sinilip si Aya sa sala. Ganoon pa rin naman ang posisyon niya. Mukhang hindi naman nagising. Nakahinga naman ako nang maluwag. Ano na lang ang iisipin niya kapag nagising siya? Minsan talaga pahamak ‘tong sarili ko eh. Kung anu-ano ang pinangagawa. Nagtimpla na lang ako ng gatas at ininom iyon. Nang matapos ay hinugasan ko na at pabalik na ako sa kuwarto ko nang masilayan ko si Aya. Kawawa naman. Nilapitan ko naman siya at hinawakan ang balikat niya. “A-Aya,” saad ko. Hindi naman siya natinag. “Aya, gumising ka at doon ka matulog sa kuwarto mo,” wika ko. “Aya,” ulit ko pa. Akmang uusog ako palayo nang hawakan niya ang kamay ko at hinila ako palapit sa kaniya. Natisod ang paa ko kaya dumeritso ako sa ibabaw niya. Ramdam ko ang mahigpit niyang pagyakap sa akin para hindi ako mahulog at bumulusok sa tiled floor. Nagkatinginan kaming dalawa at napakurap-kurap ako. Medyo nagulo ang buhok niya at hindi ko maiwas lalo ang aking paningin. Kita ko ang paggalaw ng adams apple niya habang nakatingin sa akin. Kung hahalikan niya man ako hindi ako magrereklamo, hindi ako iiwas. I feel something strange at wala na akong pakialam sa lahat. Gahibla na lamang ang layo ng labi namin nang mabilis na inalalayan niya akong umupo sa gilid. “I’m sorry nakatulog pala ako,” saad niya at napahilamos sa kaniyang mukha. Hindi naman ako makagalaw sa ginawa niya. I feel disappointed na hindi naman dapat. Nakaramdam ako ng hiya sa nangyari kaya hindi ko kayang salubungin ang tingin niya. “Erm...” Napakamot ako sa ulo ko at tumayo na. “Doon ka matulog sa kuwarto mo, huwag dito,” wika ko at iniwasan ang tingin niya. “Thanks, nakaidlip pala ako. Nagpapalipas lang ako ng oras kanina,” sagot niya. Tumango naman siya at mabilis na tumalikod ako. “Matulog ka na,” sambit ko. Hindi ko na hinintay na sumagot siya. Dumeritso na ako sa kuwato ko at napahiga. Nagtalukbong ako ng kumot at gusto kong sumigaw. Ano ba ang nangyayari sa ’kin? Nagkakagusto na naman ba ako sa kaniya? Hindi puwede. Hindi maaari. Paano na si Theo? ---------------------------------------- “Nadala mo na ba lahat ng kailangan mo?” tanong ni Aya. “Oo, nandito na sa bag ko,” sagot ko. Nilapitan naman niya ako at nagulat ako nang kunin niya ang aking bag at siya na ang nagdala nu’n. “A-Ako na,” mahina kong wika. Hindi naman siya natinag. Binuksan niya ang kotse at sumakay na ako. Nasanay na ako na ganiyan siya. Baka nga talagang ipinanganak siyang gentleman. Aalis kami ngayon kasama ang pamilya namin papunta sa resort nila. Birthday ng mommy niya kaya magce-celebrate kami roon ng dalawang araw at isang gabi. Weekend naman kaya okay lang. Habang nagbibiyahe kami ay tumunog ang aking cellphone. It was Theo. Napalingon ako kay Aya na nagda-drive lang. “Answer it,” wika niya. Tumango naman ako at sinagot na ang tawag ni Theo. Kaagad na sumalubong sa ‘kin ang kunot niyang noo. “Where are you going?” tanong niya. “Aalis kami ngayon, pupunta kaming resort. Birthday ni, Mommy Sarah,” sagot ko. “Babe, I’ll be gone tomorrow. Can’t you stay with me for a while?” aniya. Nakaramdam naman ako ng konsensiya. Pero ini-spend ko naman ang oras ko sa kaniya nu’ng mga nakaraang araw. Sinasamahan ko siya kahit saan. “I can’t,” saad ko. Kita ko naman ang tampo sa mukha niya. He heaved a deep sigh. “I understand. Enjoy,” wika niya at pinatay na ang tawag. “T-Theo—” Nakatingin lang ako sa screen at napasandal sa upuan. “Puntahan mo kung gusto mo. I think he wants to spend more time with you lalo na at uuwi na siya bukas,” saad ni Aya. Hindi ko alam kung seryoso siya o ano. Hindi ko kasi maintindihan ang expression ng mukha niya. “Huwag na, mas importante ang birthday ni, Mommy. Ihahatid ko lang siya sa airport bukas,” sagot ko. Hindi na rin siya nagsalita ulit. Habang nasa biyahe kami ay nakatingin lang ako sa labas. Wala rin naman akong sasabihin kay Aya. Maliban sa naguguluhan na ako sa sarili ko ay hindi ko na alam. Para bang bigla ay nawalan na ako ng gana kay Theo. Kinakain ako ng guilt dahil pakiramdam ko ay nagche-cheat ako sa kaniya. Maliban sa arranged lang ang kasal namin ni Aya ay hanggang doon na lang ‘yon. Wala ng iba pa. Kaya natatakot akong mahulog sa kaniya ulit dahil baka matulad na naman ako sa nangyari dati. Ako lang din ang kawawa. “Ang lalim ng iniisip mo,” aniya. Napatingin naman ako sa kaniya. “Wala may iniisip lang,” sagot ko. “Kung iniisip mong nahihirapan kang sabihin sa parents’ mo ang lahat you can count on me. Tutulungan kitang ipaintindi sa kanila. After all no one is to blame. May sarili ka namang buhay sa ibang bansa. Nagulo lang dahil sa pag-uwi mo in-offer-an ka kaagad ng kasal. They will understand for sure,” saad niya. “Sa tingin mo?” tanong ko. Tumango anman siya. “Of course! Our marriage was forced. Hindi mo ginusto ang mga nangyari. You have a life there nagulo lang dahil dito. If only I can do something for you gagawin ko kaagad.” “Thanks, kaya ko ‘to.” Tumingin lang ako sa labas at ilang minuto pa ay nakarating naman kami. Namangha ako sa ganda ng lugar. Bagong purchased ito ng pamilya niya. Ni-renovate at kamakailan lang in-open sa public. Modernize na at mamamangha ka sa ganda. Pumunta kami sa isang villa kung saan nandoon na ang pamilya namin. Malayo pa lang tanaw na tanaw ko na ang malademonyong ngiti ni Lilac. Napapikit ako sa inis. Ito na naman. Walang katapusang pag-uusap na naman ang gagawin niya panigurado. Bumaba na ako at kaagad na nagmano sa parents namin. Ganoon din naman ang ginawa ni Aya. Kinuha ko ang bag ko sa kaniya pero hindi niya ibinigay. “Nasa pinakadulo ang room niyo,” wika ni Mommy Sarah. Tumango naman si Aya. “Let’s go,” aya niya sa ‘kin. Akmang susunod ako sa kaniya nang mapansin ang mga tingin nilang may mga laman. Nagngingitian pa na akala mo talaga may nangyayaring kababalaghan. Ngumiti naman ako nang tipid. “Susunod lang ako mamaya,” s**o ko. Tumango naman siya at mukhang na-gets ang ibig kong sabihin. “Anak sabayan mo na,” wika ni Mama. “Oo nga, ito naman nahiya pa,” dagdag ni Mommy Sarah. Akmang dadadgdag pa ang magaling kong kapatid nang mabilis na tinakpan ko ang bibig niya. Natawa naman sila. Umupo na ako at nakikain. Maraming pagkain sa mesa. Ilang saglit lang naman ay dumating na si Aya at umupo sa tabi ko. Mabuti na lang at busy si Lilac sa pagvi-video. Gusto yatang maging vlogger ng walang hiya. “Kain ka na, masarap ang sweet and sour fish nila,” saad ko. Tumango naman siya. Nilagyan ko ng kanin ang plato niya at kumuha rin ng ibang ulam. Naka kamay ako kaya mas masarap kumain. “Thank you,” wika niya. Nginitian ko lang naman siya at bumalik sa pagkain. “Sarap ‘di ba?” saad ko. Tumango naman siya at ngumiti. “Pakikuha naman ng balat ng lechon oh,” saad ko at hindi ko maabot. Tumango naman siya at iniumang iyon sa bibig ko. Kinagat ko naman at lalo akong napangiti sa sarap. “Sarap,” saad ko. “Oh! Nandito ang sweet couple natin for today. Hello love birds, kumusta naman ang buhay mag-asawa? Mukhang ang saya-saya niyo ah. Nakakainggit naman, kailan niyo balak bigyan ng apo ang mga soon to be grandparents?” tanong ni Lilac. Kaagad na sumimangot naman ako sa knaiya. “Huwag kang sumimamngot Ate ang pangit mo tingnan sa camera. Tingnan mo ’tong si, Kuya Aya ang guwapo-guwapo. Siya na yata ang pinakaguwapong lalaking nakita ko sa balat ng lupa,” wika niya. “Ang OA mo,” komento ko. “Bakit? Totoo naman ah. Hindi pa kasi aminin, hard to get pa,” sagot niya. Tatawa-tawa lang naman sa gilid namin si Aya habang kumakain. “Ikaw na lang ang sumagot Kuya at sobrang OA nitong si, Ate. Kailan niyo ba balak magka-baby?” aniya. Ngayon nga ay silang lahat na ay nakatuon ang pansin sa amin. Lintik na Lilac na ‘to. “Erm, it’s up to Daisy,” sagot ni Aya. Kaagad na nagtitili naman siya. Tatawa-tawa lang naman ang pamilya namin. “Guys, narinig niyo ‘yon? At wala kayong narinig na rejection kay Ate kong OA. Mukhang may namumuo na ah. Mukhang this time magtatagumpay na ang Ate ko. Mukhang ika-crush back na siya ng crush niyang binasted siya noon,” aniya. “Lilac! Isa ka na lang talaga at lulunurin kita sa dagat,” inis kong saad. “Uy! Biglang dumami ang viewers ah. Mukhang sikat si, Kuya Aya at puro wow at shocked emojis. Inuulan tayo ng viewers. Hello po sa inyo. Visit na po kayo rito sa Heigen’s Haven Resort. Thank you Tito, and Tita Sarah, and happy birthday!” “Wait, naka-live ka?” Kaagad na tinatambol ang puso ko sa kaba. Napalingon ako kay Aya at napalunok. “Oo naman, bakit? Ang arte nito pasasaan pa’t malalaman din naman ng lahat na kasal na kayo,” sagot niya. “Calm down,” saad ni Aya. Kinuha ko naman ang tubig at ininom iyon. “Wait, don’t tell me hindi alam ng mga kaklase niyo na married na kayo? Kaya siguro maraming shock reactions,” sambit niya. Ang sarap kalmutin ng mukha niya. “Malalaman ng mga kaklase natin. Will you be okay for that?” tanong ko. Nagkibit-balikat naman siya at nagpatuloy sa pagkain. Nakahinga naman ako nang maluwag. “Lilac, you have to ask permission first bago mo gawin ‘yan. It’s fine with me dahil alam ko namang baliw ka but you don’t have to do it with other people. Tanungin mo muna kung okay lang ba. Mapapahamak ka sa ginagawa mo,” inis kong sambit. “Oo na,” aniya at umalis na sa ‘min. Napatingin naman ako kay Aya na nakangiti lang. “Hayaan mo na.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD