Pagbalik ko nga sa kusina ay nakahanda na lahat. Ang breakfast ko at lunch box. Napatingin naman ako sa kaniya na kahahain lang ng sinangag.
“Kumain ka na, you’re going to be late,” wika niya. Napatitig ako saglit bago umupo sa upuan. He’s taking care of me. Ipinilig ko ang aking ulo. Ginagawa niya lang naman ‘to pra makabawi sa pag-alaga ko sa kaniya kagabi eh. Bakit ba iba ang iniisip ko? Nilalagyan ko ng meaning na hindi naman dapat. Napatingin ulit ako sa kaniya at parang tinambol ang puso ko sa lakas ng kabog nang mag-abot ang tingin namin. Ngumiti siya sa ‘kin kaya napalunok ako. Para akong mabibingi sa lakas ng kabog ng puso ko. Mabilis na uminom ako ng juice.
“Are you okay?” nag-aalalang tanong niya.
“I-I’m fine,” sagot ko at nagpatuloy na sa pagkain. He’s a great cook actually. Hindi ko lang mai-focus ang sarili ko sa pagkain dahil sa dami ng tumatakbo sa utak ko. Hindi ko maipaliwanag kung bakit ganito ang nararamdaman ko ngayon. Nang matapos ay inayos ko na ang sarili ko at akmang huhugasan na ang pinagkainan ko nang pigilan niya ako sa aking likuran. Kaagad na nahigit ko ang aking hininga nang mapansing sobrang lapit namin sa isa’t-isa. Hindi ko na maintindihan ang sarili ko’t nawe-weirdo-han na ako. Ano ba ang nangyayari sa ‘kin?
“Ako na,” aniya. Gumilid naman ako nang kaunti at tiningnan siya.
“Sige na, get your lunch box too at baka makalimutan mo,” aniya. Tumango naman ako. Para akong hini-hypnotize niya. Bawat sasabihin niya ay napapasunod ako. Kinuha ko na ang bag ko at sinilip siya sa kusina na naglilinis.
“Aya,” tawag ko sa kaniya. Nilingon naman niya ako.
“Bakit?”
“T-Thank you, kumain ka na rin tapos huwag mong kalimutan inumin ang gamot mo. Magpahinga ka na rin at baka mabinat ka. Huwag kang magkikilos masiyado. Tawagan mo ako if masama ang pakiramdam mo,” saad ko.
“Yes Ma’am,” sagot niya. Lihim na napangiti naman ako.
“S-Sige, alis na ako,” wika ko.
“Take care,” saad niya. Tinanguhan ko lamang siya at lumabas na. Palabas na ako ng gate nang tawagin niya ako.
“Daisy!”
Natigilan naman ako at heto na naman. Huminga ako nang malalim at nakakainis ang puso ko. Ang lakas na naman ng kabog. Nilingon ko naman siya.
“Ano?”
“May pera ka pa ba?” usisa niya. Napaisip naman ako.
“Meron pero nandoon sa bank. Hindi pa kasi ako nakakapag-withdraw. Bakit? You need money?” tanong ko sa kaniya. Umiling naman siya. May kinuha siya sa bulsa niya at ibinigay sa ‘kin. One-thousand-peso bill iyon. Kumunot naman ang aking noo.
“May ipabibili ka?” tanong ko at tinanggap iyon. Ngumiti naman siya.
“Silly, baon mo ‘yan,” saad niya. Napatigagal naman ako.
“Ha? Ang laki naman,” komento ko.
“Sige na at baka ma-late ka na ng tuluyan. Bye,” aniya. Kumaway na lamang ako at lumabas na. Habang naglalakad ay napapahawak ako sa dibdib ko. Ang bait-bait niya. Huminga ako nang malalim at umiling.
“Parang baliw...”
Napalingon naman ako at nakita si Lilac na kalalabas lang ng bahay namin. Hindi ko napansin na nasa tapat na pala ako ng bahay namin. Inirapan ko naman siya.
“At least parang lang. Eh ikaw? Matagal ka ng baliw,” sagot ko.
“Tse!” aniya. Lumabas na ang kotse namin at sumakay na siya. Puwede naman akong magpahatid kaso magugulo na naman ang utak ko dahil nandito si Lilac. Kung anu-ano na naman ang lalabas sa bibig niya. Hindi ko kaya ang mga tanong niya at mga kawalanghiyaan.
“Sakay na kasi, ano? Sige na at baka ma-late ka,” nakangiting wika niya. Halatang may binabalak.
“Ayaw ko, may taxi naman sa labas,” sagot ko.
“Ikaw rin...”
“Wait!”
Napatingin ako sa relos ko at male-late na nga ako. Binuksan ko na ang pinto ng sasakyan at pumasok sa loob.
Napakalaki ng ngisi ng bruha.
“Welcome to my kingdom,” saad niya. Inirapan ko naman siya.
“Taray ah! Ganiyan na pala kapag may asawa na,” aniya.
“Tumahimik ka, ang saya ng araw ko sinisira mo,” sagot ko.
“Hmm, masaya ang araw mo? That’s rare, siguro may nangyari. May nangyari na ba sa inyo ni, Kuya Aya?” deriktang tanong niya. Napapikit naman ako at mabilis na binatukan siya.
“Aray! Ang sakit nu’n ha! Alalahanin mo nasa teritoryo kita, anytime puwede kitang palabasin dito,” aniya at kinuskos ang batok niyang natamaan.
“Sa susunod sisiguraduhin ko talagang iyong mahihimatay ka sa lakas ng batok ko. Kung anu-ano lumalabas diyan sa bibig mo. Tigil-tigilan mo ako Lilac ha. Walang nangyari sa ‘min, ipalinis mo ‘yang utak mong sobrang dumi,” inis kong saad.
“Tinatanong ka lang naman nagagalit ka kaagad. Napaghahalataan kang defensive eh. Bakit ha? Ano? Masiyado kang defensive halatang-halata naman,” aniya.
“You’re a freak! You’re so annoying!” singhal ko sa kaniya.
“I don’t care!” sagot niya ring pasigaw. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit binigyan ako ng kapatid kong baliw.
“Napakadumi ng utak mo, ayusin mo ‘yang pag-iisip mo’t nakakaagrabyado ka na ng tao,” saad ko. Inikutan naman niya ako ng mata.
“Ano ba ang masama sa sinasabi ko ha? Mag-asawa naman kayong dalawa normal lang naman na ginagawa niyo ang ganoong bagay,” depensa niya pa.
“Tumahimik ka nga! Hindi ka ba nandididri riyan sa mga pinagsasabi mo ha? Para kang tanga. Tigil-tigilan mo ako Lilac ha at baka makunyatan kita. Iyang mga pinag-isip mo ang abnormal.”
“Kunwari pa kasi eh. Bakit ha? Ayaw mo ba sa kaniya talaga? Talaga bang hindi mo type ang tulad niya? Ang pogi kaya ni, Kuya Aya,” wika niya.
“Sinabi ko bang pangit siya?”
“Iyan ang problema sa ’yo hindi ko maintindihan kung ano ang gusto mo. Dami mong ayaw kahit halata naman sa pagmumukha mo na crush mo pa rin siya hanggang ngayon,” aniya.
“Bakit ba mas marunong ka pa kaysa sa akin ha?”
Ngumisi naman siya.
“I can see right through you. Kahit hindi mo sabihin alma ko kung ano ang nakikita ko. Eyes can’t lie,” sagot niya. Tinitigan ko naman siya at pinitikan sa ulo.
“Kumain ka ng agahan okay? Huwag kang papalipas at para kang may tuliling sa mga pinagsasabi mo. Diyan na lang ako Kuya, salamat,” wika ko at bumaba na. Hindi naman siya nakabawi pa dahil mabilis na bumaba ako at tumakbo paalis.
“May araw ka rin sa ‘kin, Daisy!” sigaw niya. I stick my tongue out at her. Nakangiting pumasok ako sa room at wala pa si Beth. Himala yata at na-late siya. Umupo na ako sa upuan ko at naghintay ng professor.
“Hi!”
Tumingala ako at nandito na naman si Marice. Ano na naman kaya ang kailangan niya sa ‘kin?
“Hello,” sagot ko. Sobrang nabo-bore ako sa kaniya at sana napapansin niyang ayaw ko siyang kausap.
“May balita ka ba kay, Jeremiah? Hindi kasi siya pumasok ngayon eh. I heard magkapit-bahay lang kayo. Iisang village lang kayo ‘di ba?” aniya.
Tiningnan ko naman siya.
“Wala,” sagot ko. Bahala siya sa buhay niya. Kahit alam ko siyempre hindi ko sasabihin.
“Ah-okay,” aniya.
Akala ko ay aalis na siya pero hindi eh.
“May kailangan ka pa?” usisa ko.
“P-Puwede ko bang malaman ang address niya? Kasi sabi nu’ng napagtanungan ko lumipat na siya ng bahay. Sa tuwing pumupunta kasi ako roon sa bahay nila ay wala siya. Nagtanong-tanong ako ang sabi lumipat nga raw sa village niyo,” saad niya. Natigilan naman ako. Stalker ba ‘to? Kinunutan ko naman siya ng noo.
“Kahit malaman mo pa ang address niya kung walang confirmation galing sa kaniya na puwede kang pumasok sa village hindi ka rin naman makakapasok eh. Bakit hindi siya ang tanungin mo? Wala naman ako sa posisyon para sabihin sa ‘yo ang address niya. Besides, wala akong alam sa buhay niya. I might know him but we’re not that close,” sagot ko. Kita ko sa mga mata niya na persistent siya.
“But we can be friends, right? Puwede mo ba akong tulungan na mapalapit ulit sa kaniya? Unless ayaw mong magbalikan kami ulit,” wika niya. Kita ko pa ang pagkunot ng noo niya sa ‘kin. Baliw ba ‘to? Hindi makaintindi. She’s creepy as hell.
“Whoa! Watch your words there. Alam ko kung ano ang tinutukoy mo. You’re too paranoid. Alam mo kung ano man ang problema niyong dalawa just settle it between you two. Labas na ako sa issue niyo. And if you want to be friends with me because you needed something, let me tell you this straight. Kahit noon pa man wala na akong kaibigan. And that doesn’t mean that I am desperate to have one. Now, don’t question me just because you have a lot of issues you can’t answer. Kung nandito ka lang para i-manipulate at i-guilt trip ako, get lost,” mataray kong sagot.
Kita ko naman na parang natauhan siya. Hindi uubra sa ‘kin ang panggi-guilt-trip niya sa ‘kin hello?
“I-I’m sorry, I didn’t mean it that way. I really want to be friends with you,” wika niya. Tinikwasan ko naman siya ng kilay. Sanay na rin naman akong sabihang maldita and I don’t care. I was born to be one, who cares?
“Really? After what you just said to me? Kung kailangan mo ng tulay para magkaayos kayo huwag ako. Hindi kita matutulungan. Bumalik ka na sa chair mo at nandiyan na si, prof,” sambit ko at iniwas na ang tingin sa kaniya. Awayin niya pa ako wala akong pakialam. Problema niya sa ’kin? Kahit pa malaman niya ang totoo sa ‘min ni Jeremiah talagang aawayin ko siya. Papatulan ko talaga siya. Nangigigil ako sa kaniya. Iba rin trip niya eh. Paki ko sa relasiyon nilang dalawa? Kaya siguro nagkahiwalay sila ni Aya kasi iba siya. Ang creepy niya. Idagdag pa ang mga tingin niyang hindi ko kayang tiisin.
Pagkatapos ng aking klase ay umuwi na ako kaagad. Wala rin kasing chat si Aya kaya nag-aalala rin ako. Pagdating ko nga ay siya namang paglabas niya ng bahay. Nakasuot siya ng gray pants at white shirt. Nag-mask din siya.
“May lakad ka?” usisa ko.
“I got bored kanina and found out ang daming kulang na stocks sa bahay so I’ll do some grocery shopping,” sagot niya.
“Ah...you need help?” tanong ko. Nagkibit-balikat naman siya.
“Kung hindi nakakaabala, can I go with you?” tanong ko.
“If you’d like to,” sagot niya. Napangiti naman ako.
“Saglit lang ha, magbibihis lang ako. Mabilis lang ‘to promise,” saad ko.
“Take your time,” aniya. Tumakbo naman ako papasok at nagbihis ng damit. Ipinusod ko ang aking buhok at kinuha ang aking maliit na sling bag. Nandoon ang cards ko para if ever hati kami sa mga babayaran since iisang bahay lang naman kami nakatira. Paglabas ko ay nakabukas na ang pinto ng kotse.
“Thank you,” wika ko. Tumango lamang siya.
“Kumusta na ang pakiramdam mo?”
“I’m feeling better now. Thank you again,” aniya. Nginitian ko lang siya.
Pagdating namin sa mall ay dumeritso na kami sa grocery. May listahan siya ng mga bibilhin namin kaya hinahanap na lang naming kung saang estante nakalagay. Sumakay na ako sa cart sa harap at siya naman ang tagatulak. Ako na rin ang kumukuha ng mga products.
“Tulak mo nang medyo malakas,” natatawa kong wika.
“Baka mahulog ka,” sagot niya.
“It’s fine, sige na,” giit ko.
“Okay,” aniya at para kaming baliw na tatawa-tawa habang namimili. Papunta na kami sa drinks section.
“Umiinom ka ba beer? Bili tayo,” wika ko. Tumango naman siya. May mga mild naman na beer kaya kumuha ako ng anim. Habang itinutulak niya ay nanlaki ang mata ko nang mamataan ang lalaki sa unahan na namimili rin ng drinks. Napalunok ako.
“Stop,” mahina kong saad. Nilingon ko si Jeremiah at napapikit. Napatingin siya sa gawing likod ko at kita ko rin ang paglunok niya.
“Balik tayo,” bulong ko.
“It’s Theo, balik tayo. Patay tayo kapag nakita niya ako,” bulong ko. Tumango naman siya.
Pigil ko ang aking hininga hanggang sa makatalikod na si Jeremiah sa kaniya. Akmang itutulak na niya ang cart nang magsalita ito.
“Hey bro, where can I see its price?”
Nilingon naman ito ni Aya at sinagot.
“The scanner there, you can check the code and the price will show on screen,” sagot niya.
“Thanks,” saad niya at umalis na. Nagtinginan naman kami ni Aya at sabay na napahinga nang maluwag. Tumayo na ako at akmang lalakad na.
“Bro where can....”
A moment of long and deep silence. Bigla ay nagkatinginan kaming tatlo. Kita ko pa ang pagtataka sa mukha ni Theo.
“Daisy? What are you doing here? Why are you with him? What’s the meaning of this?”
Napapikit naman ako. I want to scream for help. Hindi ko alam kung paano ko i-explain sa kaniya ang lahat. Napatingin siya kay Jeremiah.
“What the f**k?” aniya at walang pasabing sinapak sa mukha si Aya.
“Theo!” sigaw ko at mabilis na dinaluhan si Aya.
“What the hell Theo!” singhal ko sa kaniya. Kaagad na napansin naman kami ng mga tao at ang iba ay nagvi-video na. Mabilis na dinaluhan ko si Aya.
“Aya, okay ka lang?”
Kagagaling niya lang sa lagnat. Dumudugo ang gilid ng labi niya.
“And now you’re concerned about him? What the hell Daisy?”
“You’re calling attention. What are you doing? Can’t you at least give me chance to explain everything? You punched him, what is wrong with you?”
“Daisy it’s fine,” sabat ni Aya.
“No, it’s not,” sagot ko.
“Theo, we can talk through this. In a calm way, not like this. We’re drawing attention already,” saad ni Jeremiah. Ilang sandali pa ay may bodyguards na lumapit sa ‘min. Napapikit naman ako. Oh God!
“You better explain all this,” matigas na wika ni Theo. Sumasakit ang ulo ko. Nauna na siyang lumabas kaya naiwan kami ni Aya.
“Sir, okay lang po ba kayo?” tanong ng guwardiya.
“I’m fine, don’t inform my parents about this, okay? Pakiasikaso na rin sa mga kumuha ng videos kanina,” sagot niya. Nagtaka naman ako.
“Opo Sir,” sagot nito at umalis na.
“Kilala mo sila?” tanong ko. Tiningnan niya lang ako at napahawak sa labi niya. Pumutok iyon.
“I’m sorry,” wika ko. Ngumiti lang naman siya sa ‘kin at hinaplos ang buhok ko.
“It’s fine.”
“Pero ano nga? May-ari kayo nitong mall?” usisa ko.
“Something like that,” sagot niya lang at nauna na. Napatigagal naman ako. Gaano nga ba kayaman ang pamilya nila?
Sumunod na ako sa kaniya.
--------------------------------------------------
Magkaharap kaming tatlo dito sa loob ng isang exclusive restaurant. Sinadya talagang ipasara ni Jeremiah para magkausap kami nang masinsinan. Halos hindi ko maibuka ang bibig ko habang kaharap si Theo. Kita naman kasi sa eskpresiyon niya na hindi siya natutuwa sa nangyayari.
“Daisy, I’m waiting,” aniya. Napalunok naman ako at napatingin kay Jeremiah.
“Go on,” saad niya.
Tiningnan ko si Theo at huminga nang malalim.
“Theo, I...I’m married,” mahina kong saad.
“What?”
Napapikit ako nang marinig ang malulutong niyang mura.
“Bullshit Daisy!” mura niya. Tinanggap ko naman iyon lahat dahil kahit sino mapapamura talaga sa sitwasiyon namin.
“What the f**k are you saying?” panganglaro niya.
“You cheated on me! Is this why you refused having s*x with me ever since?”
Nag-abot naman ang kilay ko.
“Theo no!”
“f**k woman!”
“Hey! Watch your mouth,” sabat ni Jeremiah.
“You stay away from this. This is in between me and my girlfriend. You’re not welcome to talk,” galit na saad ni Theo.
“You’re crossing the line here. She’s my wife legally and you don’t have the right to curse her,” sagot niya. Tila nagsusukatan na sila ng tingin ngayon.
“Guys please,” wika ko. Tumigil naman sila. I can feel the tension getting stronger.
“Theo, listen to me. Jeremiah has nothing to do with all these things. He just obeyed with his parents’ commands. And so, I am. We are arranged and I came back here because of it,” paliwanag ko.
“And you agreed on this marriage? You’re very aware that I am more than willing to marry you, Daisy. You know how much I love you. You know that I can’t live without you. What now? Are you living together? Is this why you can’t introduce me to your family?” tanong niya. His voice was so heavy. Halatang galit siya at may halong pagtatampo sa kaniyang boses. I nodded my head slowly. Hindi naman siya makapagsalita at nakatingin lang sa ‘kin.
“Shame on you,” matigas niyang sambit.
“You should have told me. I should have done something to help you whatever you’re going through or your family,” aniya.
Umiling naman ako.
“We both know how much your family hated me. Do you think asking for their help will do me and my family good?” saad ko.
“Don’t you believe in me? You believe in him instead. How can you do that to me, Daisy? I feel so betrayed. You’re hurting me,” wika niya. My eyes watered seeing him almost cry.
“I’m sorry, I just don’t know how to tell you about this. I know that you’ll get mad,” I answered.
“I am beyond mad, Daisy. I don’t even know if I’m only dreaming. I am seriously hurt right now. You’re my girlfriend, I came before him but sitting here with you--it feels like I don’t belong here. Did you really love me?”
“Theo, I can’t force you to understand my situation. But this is not forever. Just give us time to settle everything. That’s why Jeremiah is here with us. He can assure you that our relationship is purely nothing. There’s nothing going on between us. He’s a good man,” giit ko.
“But why living together?” aniya.
“Because we have to. Our family was obsessed with whatever agreement they have. I can’t go against them just like how you can’t go against your parents,” saad ko.
“This is too much, Daisy. I can’t...”
“It was not her choice to marry me. It was our parents’ choice that we’re in a situation like this. If you’re worrying that I might do something and towards her, you can trust on me,” sabat ni Aya. Tiningnan lamang siya ni Aya at tinawanan nang pagak.
“Tsk, and you think I believe you? I’m a man too, and I know how we react whenever we’re alone with someone. Especially a woman, especially with Daisy,” ani Theo.
“Look, your culture is far different from us. I’m half-Filipino and I grew up with the same culture as yours too. You almost forgot that not all Americans behaved like you. I know my limits, and I don’t go around f*****g every woman I met on a bar. One night stand is not my forte too. If you’re suspicious about me then fine, what can I do? At least believe whatever Daisy tells you. She loves you and I won’t be here if there’s really something going on between us,” Aya explained. Tiningnan ko naman si Theo na natahimik. Nagsimula na rin akong mag-overthink dahil sa sinabi ni Aya. Hindi kaya may mga naka-one-night stand si Theo kaya natitiis niya ako? Is it possible that he cheated on me for s*x?
“Theo, you’re not cheating on me, right?” tanong ko sa kaniya.
“I did not, I can’t and I wouldn’t dare to. You know how much I love you,” sagot niya. Tumango na lamang ako at ipinilig ang aking ulo. Hindi maganda ang iniisip ko.
“When will you break your marriage?” seryosong tanong niya. Napatingin naman ako kay Aya at napalunok ako.
“Just give us four or six months. We can’t separate that fast. It will be too suspicious for our family,” sagot ni Aya. Tumango-tango naman ako.
“Just four to six months Theo and everything will be back to pieces,” wika ko.
“Mark your words. I still can’t accept this. It’s hard for me to accept this. I can’t believe that you got married to someone you just met. I am with you for two years already, Daisy. I still can’t believe how difficult this is for me.”
“The fact that we knew each other form childhood,” sabat ni Aya. Nanlaki naman ang mata ko at pasimpleng kinurot ang tagiliran niya. Inano pa kasi eh. Kita na ngang galit na mukhang ginagalit niya pa lalo.
“Can I at least let her stay in my hotel room for days?” tanong niya kay Jeremiah. Napatingin naman ako kay Aya na sobrang kunot ang noo.
“You can’t. She’s still my wife legally. I can’t risk her being watched by our family and be hated after. It will count as infidelity if I let her go with you. It will ruin her life. Just think for her safety first. I can’t bear seeing her in pain. Just be considerate,” sagot niya. Maski ako ay nagulat doon ah.
“Really? Daisy, this is what I am talking. I am your boyfriend yet I can’t do the things we’re doing before. I feel like an outcast,” ani Theo. Tiningnan naman ako ni Jeremiah.
“Natutulog ka kasama siya sa iisang kuwarto?” Kita ko ang lalong pagkunot ng noo niya.
“It’s not what you think it is,” sabat ko.
“Then what?” aniya. Napapikit naman ako. Lalong sumasakit ang ulo ko. Bakit silang dalawa na ang kailangan kong paliwanagan?
“Are we still here to fix the problem or you’ll both roast me forever? Because I’m not doing this. Wala naman ‘tong patutunguhan,” saad ko. Natahimik naman silang dalawa.
“Theo, I am married to Jeremiah. I came back here because I am arranged to him. I cannot go against my parents and I love them so much. I love you too but there are things that I need to do first. I weighed down all the situations that may occur and some of it happens. I can’t tell you about this before as I’m afraid for the outcome. But I can’t hide this forever and this is it. I want you to understand me, and if you can’t...”
Napalunok ako at nakatingin lang nang derikta sa kaniya.
“I can’t do anything anymore. Whatever your decision is, I will accept it wholeheartedly. I caused you pain, and I betrayed your trust.”
“I don’t care. You’ll break up soon. I can wait for that day,” saad niya. Nabuhayan naman ako ng loob. Nilingon ko si Aya na kunot na kunot lamang ang noo habang nakatingin kay Theo. Tila nagsusukatan pa sila ng tingin.
“Are you sure you’re not playing with fire behind her back?” tanong niya kay Theo.
“You bet,” saad naman ni Theo. Aya heaved a deep sigh and turned to look at me.
“Sa tingin mo ba nagsasabi siya ng totoo? Alamin mo lahat ng kilos niya, Daisy. Isipin mo magkalayo kayo. He’s a foreigner. Marami silang mga nakasanayan na hindi niya nagagawa. I’m not saying he’s doing something bad, but at least alam mo kung ano ang mga ginagawa niya. Ayaw ko ring umabot sa ponto na ginagawa mo ang lahat para sa inyong dalawa pero iiwanan ka lang din sa huli. I can tell, lapitin siya ng mga babae. If he can give you an assurance much better,” wika ni Aya.
Napalunok naman ako. Bakit ba ang caring niya ngayon? Hindi ko siya maintindihan. Huminga ako nang malalim at hinawakan ang kamay ni Theo.
“Thank you, and don’t worry there’s nothing really going on between us. I can assure you that my love and loyalty is with you,” saad ko kay Theo. Natigilan ako nang tumayo si Aya.
“Hindi niyo na ako kailangan dito. Mag-usap lang kayo at mauuna na rin akong umuwi. Just take care of her. Just call me when you need something,” wika ni Aya.
Hindi na rin ako nakapagsalita pa dahil umalis na siya. Naiwan naman kaming dalawa ni Theo. Bigla parang bumigat ang pakiramdam ko. Galit kaya si Aya? Ano kaya ang tumatakbo sa utak niya?
“Daisy,” tawag sa ‘kin ni Theo. Huminga ako nang malalim. Nilapitan niya ako at niyakap.
“I know you will always choose me. I’m sorry if I acted rashly earlier. I can’t contain my anger,” saad niya.
“Okay lang, just don’t do it again.”
“I understand your situation now, and to tell you honestly, I am worried that you’ll fall in love with him in the process. I can see that he’s a good person and he takes care of you,” mahinang saad niya.
“There’s nothing to be worried about,” sagot ko lang.